CHAPTER 31: Pick Up Lines

121 10 0
                                    

                  Chapter 31

Raine's POV

Andito kami ngayon sa canteen. As usual dito kami nakaupo sa spot ng anim.

Wala pa sila. Kami lang ni Bing ang nandito. Wala kase ngayon sina Aya at Jeilo. May date sila at ipapakilala nya si Jeilo sa Daddy nya na kauuwi lang daw galing sa Hawaii. May inasikasong negosyo.

Kagabi pa nga ako tinatawagan at kinukulit ni Aya na kesyo kinakabahan raw sya sa magiging reaksyon ng ama nya.

But I still hope that everything will gonna be okay. Bagay na bagay naman sila at mahal na mahal nila ang isat-isa. Walang duda.

Tumitig ako kay Bing. Kanina pa syang nakatitig sa akin mula nung hndi ko sagutin ang tanong nya.

Wala naman talaga akong dapat aminin.

Sabi nya kase aminin ko daw kung anong namamagitan sa amin ni Vios. Eh sa wala naman talaga e, bagkus ayaw nya namang maniwala.

Nakapangalumbaba sya sa harap ko. Nakaorder na kami ng pagkain pero sabi nya ay wag raw muna naming kibuin hangga't hndi dumarating ang ANIM.

Kamusta naman diba? Tsk.

"Kain na lang tayo. Gutom nako."-alok ko at dinampot na ang kutsara sa gilid ko.

Pero ang dakilang kontrabida ng taon, tinabig ang kamay ko at pinandilatan ako ng mata.

"Raine naman, intayin natin sabi sila eh."

"Eh sa gutom nako eh."

"Hintay ka lang, madali na yon."-paninigurado nya. Sumilip pa sya sa wrist watch nya upang kumpirmahin ang oras. "10:09 na. Twenty one minutes na lang, darating na yung mga yon."

"At sa loob ng twenty one minutes marami nakong makakain non. Masasalba ang kalamnan ko. Kaya pede, hayaan mo kong kumain?"

"Bahala ka nga dyan!"-singhal nya sa akin at nagfocus na lang sa cellphone nya.

Pinabayaan ko na lang sya sa pagiinarte nya at nagsimula na kong kumain. Ngunit kung tatamaan ka nga naman tlaga ng kamalasan, oo. Hindi pa ko nabubusog nakarinig na agad ako ng masamang balita.

"Omy girl. Si Vios mukang napaaga, nandyan na sya."-palatak ni Bing na may halong kakirihan sa boses nya.

Pero kahit nakaramdam ako ng konting kaba, hndi ko na lang ipinahalata. Mas nananaig kase ang iritasyon ko sa kanya. Dahil sa tuwing nandyan sya walang matinong nangyayari sa buhay ko.

"Hi ladies."-bati nito sa malambing na tono ng boses nya.

Tsk, neknek mo.

"Omg Fafa Vios! Did u just? Arghh! Did you just call me... a lady?"-tanong ni Bing na kilig na kilig dahil hndi makapaniwala.

Vaklang twoh.

Naramdaman ko namang umupo sya sa tabi ko, sa bandang kaliwa.

"Oo naman."

"Wahhhh!!!"

Tiningnan ko si bakla ng nagbabantang tingin. Masyadong syang maingay. Nakakahiya.

"Hey Raine? KAmusta?"-

Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagsubo. "Ito gutom."

"Oo nga, hndi mo man lang ako aalukin?"

"Kailangan pa ba? Kung gutom ka edi umorder ka tas kumain ka."

"I know, pero miski concern man lang wala ka non? Pano na lang kung gutom pala ako? Tas nakatingin ako sayo habang kumakain ka?"

Like wtf. is dis kabobohan? Inihinto ko ang pagkain ko. Ibinaba ko ang kubyertos at uminom ng tubig.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now