Chapter 35
RAINE's POV
"Ateeeeee yaaaahhh!"
Nagising ang diwa ko mula sa pagkakatulog dahil dinaganan ako ng kapatid ko.
Wengya naman.
Pero hndi pa din ako nagpadaig. Nanatili akong pikit, sana naman tantanan nya nako. Inaantok pa ako.
"Ate wake up! help me with my homeworks!"
Anakng! Homeworks agad? Ang aga-aga tapos sabado pa naman. Ano bang kahibolan ang trip ng batang to.
Pero imbis na pansinin ko sya at niyakap ko ang unan at nanatiling nagtutulug-tulugan.
"Ayaw mong sumunod ha!"-litanya nya at bigla kong naramdaman ang pagbaba ng pajama ko.
HINUBUAN NYO WTF.
Napabalikwas ako at itinaas ko agad ang pajama ko. Buti na lang may short akong pandoble. Tsk, kung nagkataon nakapanty lang ako. Taena.
"HAHAAHAHAHAHAAHAH"-tumawa sya ng tumawa habang nakatingin ng mapanlait sa akin na para bang sinasabing natalo nya ako sa kalokohan nya. "Success! sayang lang at iba ang ineexpect ko!"-asik nya sa sarili.
Binatukan ko sya. "Hoy Dylan Wren, bata ka pa. Bad yan."
"Whatever. Im not interested though. At ilang beses ko bang uulitin sayo ha? ate? stop calling me Dylan. Pang-goodboy yun."
"And so? Dapat talaga lumaki kang goodboy. Magmana ka dapat kay Papa."
"Ehh. Magbabait din naman ako, saka isa pa pag pangalan pa lang mukang badboy na, ang lakas kaya ng dating."-sambit nya at nagpogi sign kasabay ng mayabang nyang paghawi sa buhok nya.
"Wala sa dating yan. Nandito yan."-wika ko at hinawakan ang tapat ng puso nya.
Tumango-tango sya at humawak rin sa dibdib ko.
Pinadlis ko naman agad ito. "Bat mo hinawakan?"
"Ginagaya lang kita Ate."
"Wag ganon, ikaw lalaki. Ako babae. Khit na bata ka pa, may boobs kami, ikaw wala."
"Sila meron, ikaw Ate, wala. Wag kang mag-assume."
Aba't-- ang batang to kung makalait sakin.
"Umalis ka na nga!"
"HAHAAHAHHA, Bilisan mo na. Kkain na tayo, magtoothbrush ka. Ang baho ng hininga mo."-bilin nya at tuluyang bumaba ng kama ko.
Inamoy ko ang hininga ko. Hindi naman gaanong mabaho. Yung batang yun akala mo naman napakalinis nya. Tsk.
Pupunta na sana ako ng banyo pero bigla akong may naalala. Napatingin ako sa dibdib ko. Wala ba talaga? Di bale. Kaysa naman sa nasobrahan sa laki.
Nvrmnd.
------------------
Katatapos lang namin mag-almusal. Andito ako ngayon sa sala at nakikipaglaro ng chess kay Wren. Sina Papa naman ay nasa garden.
"Yah, apat na lang officials ko."-bulalas ni Wren sa pagkainis.
Napangiti naman ako. Matatalo ko na naman sya.
"Dinadaya mo ko no!"
"Huy! kasalanan ko bang mas magaling si ate sayo? haahahaha"
"Sus. Babawi ako next game. Ulit!"-asik nya at ginulo ang board.
Uulit na naman kami. Kanina pa syang ganyan. Sa tuwing nararamdaman nyang matatalo na sya, inuulit na nya. Sya nga itong madaya.
"Akin naman yang black."
![](https://img.wattpad.com/cover/179932456-288-k857191.jpg)
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...