CHAPTER 44: Guide

93 7 0
                                    

                     Chapter 44

Vios' POV

      Andito kami ngayon sa ospital dahil isugod namin kani-kanina lang si Tita Tanya.. Si Tito Nate, si Raine at ako. Gusto sanang sumama ni Wren kaso pinagbawalan sya ng ate nya dahil gabi na at maaaring makaabala lang sya sa kung ano mang gagawin rito sa ospital.

Tahimik lang ako at nagmamasid sa mag-ama. Si Tito ay nakaupo sa upuan na nasa bandang ulunan ng kama, si Raine ay nasa couch at ako ay nasa sofa. Tahimik lang silang dalawa habang nakatingin kay Tita.

Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Bago mangyari to ay may hndi rin inaasahang pangyayari ang namagitan sa aming dalawa ni Raine. Hanggang ngayon hndi pa din ako sigurado kung hndi nga ba talaga sya galit sa nagawa ko.

Sa pagdating ni Bing hatid ang masamang balita, parang hndi ko nakilala si Raine. I bet it was because she was really nervous, and afraid about her mother. Hanggang ngayon ay tulala pa din sya.

*sighs*

And then, I heard Tito cleared his throat. I know he's going to say something.

"Raine."

"Mm?"

Tumugon man sya pero wala pa rin sya sa sarili. Nakatingin lang sya sa Mama nya habang ikinukuyakoy ang kanyang paa.

"Matulog ka na. Its already 1 am."

"Hindi ako inaantok."

"But you need it. You too Vios."-turan nya sa akin. "Sa kabilang kwarto, may nirentahan ako. Matulog na kayo don."

"Sya na lang ho, di talaga ako inaantok."-pagtanggi nito.

"B-bubbie. I think Tito was right. You should take a rest. Kami na ang bahala kay Tita, dont worry."-I assured her and tried my best to convince her.

Pero hndi sya tumugon sa akin, hndi kaya galit nga talaga sya sa akin?

"Psst, bubbie."-I uttered.

Humarap sya sa akin ng kunot na kunot ang noo.

"Hindi talaga ako inaantok. Kaya ko ang sarili ko."-sagot nya.

"Pero anak, kailangan mong magpahinga. Maaga pa ang flight natin bukas para mailipat ang mama mo."

"Alam ko po. Hayaan nyo kapag antok ako, matutulog ako."-paninigurado nya. "Pa, kayo na lang ang matulog."-alok nya. "You look so pale. You badly need a rest."

"Pero ang Mama nyo. Kailangan ko syang bantayan, at saka kaya ko pa naman."-pasubali ni Papa sa kabila ng kapungayan ng kanyang mga mata.

Kitang-kita ko sa itsura nya ngayon ang pagod at lungkot marahil hndi nya inaasahan na mangyayari ito ngayon ka Tita. Ang araw na inaasahang magiging napakasaya para sa kanilang dalawa ay napalitan rin ng biglang lungkot.

"Kami na ang bahala rito.. Andito namin si V-vios."-nag-aalangan pa sya sa pagbanggit ng pangalan ko.

Nakita kong labis na napapikit si Raine sa pagkadismasyang himukin ang kanyang ama. Mukang naiinis sya dahil ayaw pa nitong sumunod.

Tumayo ako at lumapit kay Tito.

"Tito, magpahinga na po kayo. Andito po si Raine, at nandito ako. Wala po ba kayong tiwala sa akin?"-pagbibiro ko at ngumiti lang naman siya ng bahagya."Hindi ko po pababayaan si Tita. At ngayon magpahinga po muna kayo, kailangan nyo yun. Dahil kailangan nya din kayo, kaya dapat lagi kayong may lakas pag humaharap sa kanya."

Tumango-tango sya at muling tiningnan ang asawa. Hinawakan nya ang kamay nito at humalik sa noo. "I will just take a rest darling."-wika nya rito habang mahimbing na natutulog. Binalingan nya ako at tinapik sa aking balikat. "Salamat anak."-my heart melts. That word, ugh. "Ikaw na muna bahala rito pati kay Raine ha."

It Just HappenedWhere stories live. Discover now