Chapter 55
Raine's POV
Katatapos ko lang kumain ng hapunan at agad kong binuksan ang message ni Mrs. Arliz Torre. Yung supevisor dun sa Cancuay.
Malakas ang kutob ko na malapit ko ng mahanap ang taong may pakana ng nangyari kay Mama noon.
Message:
Goodevening Ms. Marquez. Here's your request. Hangad ko po at lahat ng staff rito na makatulong ito sa inyo.Insert <VideoClip.jpeg.1234>
Nagreply ako ng salamat at naghulog rin ako ng pera kahapon sa bank account nya. Hindi nya man yon hiningi pero kusa at gusto kong ibigay dahil malaking tulong sa akin ang pabor na hinihingi ko mula sa kanila.
Pagkabukas ko ng video. It was around 7:23 pm. Naghahanda ang lahat ng chef sa kitchen. Nagreready na sila dahil magsisimula na ang dinner. Nakakainip man dahil napakabagal pero naghintay ako. Hanggang sa maging malinis na ang kusina. Clear. Wala na ang mga chef at mga waitresses and waiters. Miski isang staff ay wala na.
Maya-maya ay isang babaeng nakadress ang pumasok. May hawak syang pouch. Pinause ko ito at zinoom-in ang muka, pero napakalabo. Hindi sapat upang makita kung sino ito. Pero parang pamilyar sya sakin, ang katawan nya. Ang kilos nya. Hindi ko lang maisip kung sino.
Isang waiter ang lumabas habang dala-dala ang pagkain sa tray na hawak nya. Ito na siguro ung pagkain na iseserve kina Mama. Binuksan nya ito, dalawang meal ang nasa loob. Nag-usap sila ng ilang minuto at nilislis ng babae ang dress nya. May kinuha sya sa bra nyang kung ano at nilagay ang laman sa isang plato. Yung isang plato lang nilagyan nya, ang plato ni Mama. Pagkatapos non ay nagusap ulit sila. Panay ang tango ng waiter. Bago sya umalis ay tinapik nya ang balikat nito at hinawakan ang kamay ng nito ay may isinilid. Nagbigay sya ng pera, ng suhol. Sumilip muna sya sa paligid at sinuguradong walang taong nakakita bago sya tuluyang lumabas.
Ibang klase ang isang to. Malinis trumabaho. Kung ganon ang suot nya. Isa sya sa mga guest? Pero lahat ng inimbitahan nina Mama ay kaibigan nila ni Papa. Isa lang ang ibigsabhin nito. Mayroon sa mga ito ang hndi dapat pagkatiwalaan.
Nangangamba ako, dapat malaman ko na agad kung sino to. Dahil posibleng makalapit pa syang muli at makagawa pa ng hndi maganda kay Mama o sa pamilya ko.
Hindi ako papayag.
Minessage kong muli si Mrs. Arliz at sinabing ipahanap ang waiter na kausap ng babae sa video.
Hindi ko na hinintay pa ang reply nya at natulog na lang ako. Maaga pa ang pasok ko bukas.
~_~
~*~
"Raine anong sayo?"-tanong ni Bing patungkol sa order ko.
"Kanin at adobo."
"Ikaw aya?"
"Ganon na rin."
Umalis ang bakla at iniwan kami ni Aya sa table. Samantalang sya naman ay nakapangalumbaba lang at nakatitig sa akin. Baliw.
"Alam mo bang masama ang ganyan?"-tanong ko sabay turo sa kanya.
"Bakit kase mamalasin ako?"
"Hindi totoo yon."
"Eh bakit?"
"Basta."
Tumahimik sya pero nakatingin pa rin sya sa akin. Kingina naman oh. Naiirita ako kapag may nakatitig sa akin, lalo na yung ganito oh. Ang lapit-lapit, sarap sipain.
YOU ARE READING
It Just Happened
Fiksi RemajaPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...