Chapter 51
Vios' POV
"Erp!"-tawag sakin ni Klyde. Andito kami ngayon sa tambayan.
Nandito rin si Kuya pero wala kaming imikan.
"Vios! Ang lalim ng iniisip mo ah? Di mo kami pinapakinggan."-puna ni Jeilo.
"Ah wala. Iniisip ko lang yung project ko, hndi ko pa kase tapos."-palusot ko.
Sa totoo lang ang iniisip ko ay si Raine. Maghapon, magdamag. Sya lang. Ilang araw nya na akong iniiwasan at hndi ko pa din alam kung bakit. Gulong-gulo na ang isip ko sa kahahanap ng sagot. San ba ko nagkamali? San ako nagkulang?
Space. Pilit kong ibinibigay yun sa kanya, kahit na mahirap. Umiiwas ako, pero minsan lumalapit rin ako, pero kada lalapit ako iwas na iwas naman sya.
"Babae na naman nasa isip ng tukmol na yan!"-palatak ni Joaquin. Itutulad nya pa ako sa kanya. "Tingnan nyo si Van, malalim din ang iniisip."
Tiningnan namin si Kuya at sinamaan nya lang kami ng tingin.
"Manlalamon ka ah!"
"Kakatakot"
"Mga ulol! Nakatulala lang malalim na agad ang iniisip? Hndi pedeng nagpapaantok lang?"-asik nya.
"Bakit antok ka pa ng lagay na yan? e late ka na nga dumating e."-sumbat ni Kenn. "Klyde anong oras dumating si Van?"-tanong ni Kenn.
Makalipas ang ilang segundo ng katahimikan dun nya narealize ang katangahang ginawa nya.
"Oops"
Tumayo si Joaquin.
"I believe! kailangan nyo ng ayusin yang kaartehan nyong yan. Babae lang yon. Magkapatid kayo, magpipinsan tayo."-wika ni Joaquin.
Lumapit sya kay Klyde at tinapik ang balikat nito. Ganon rin ang ginawa nya sa akin. Ang huli nyang nilapitan ay si Kuya na malayong nakaupo mula sa amin.
"Van."-utas nya at tinapik ang balikat nito. "Don't you think its about time?"
Lahat ay tahimik. Wala ni isang makaimik sa amin. Sakin naman ayos na magkaayos na kami. Ayos lang din kung hndi muna, dahil naniniwala akong may tamang oras para don.
"Van.."
"Pede ba Joaquin? Labas ka naman dito ah."-naiirita nyang sambit at tumayo. "Ayokong nangingialam kayo sa amin ha."
Pagkatpos non ay umalis na sya at iniwan nya kaming lahat.
Tss.
"Yan kase Joaqs! Pakielamero ka!"-sumbat ni Kenn.
"Bat ako? Nagmamagandang loob lang eh."
"Magandang loob ba yon? Nagalit pa nga eh."
"Ksalanan ko pa? Nagtatry lang naman ako ah."
Tumayo ako at pumagitna sa kanilang dalawang nagsisisihan pa.
"Walang may kasalanan sa atin. Hayaan nyo sya. Gusto nya yun eh."-saad ko at lumabas na din.
I wanna talk to her. My stress reliever, my energizer.
Raine's POV
"Teh kausapin mo na naman oh. Kanina pa sya dyan sa labas."-pilit sakin no Bing.
He's talking about Vios. Nandito kase sya sa labas ng room namin. Nagiintay pa kami sa lecturer at kanina nya pa ako ineexcuse.
"Raine tawag ka ni Vios. Knina pa yung tao dun oh."-wika ni Lilet.

YOU ARE READING
It Just Happened
Fiksi RemajaPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...