CHAPTER 10: Patience

107 9 0
                                    

                 Chapter 10

Raine's POV

    Matapos akong palabasin ni Sir ay nagpasya muna akong dumaan ng locker ko. Nakakainis yun, sinagot ko naman ung tanong nya hndi ba? Kasalanan ko bang hndi nya pala alam ang sagot sa tanong na sya mismo ang nagisip. Tsk, sana man lang pinaalam nya sakin, para hndi nako sumagot. Kunware hndi ko na lang alam. Hindi ko naman gustong ipahiya sya doon ah. Tapos ako pa ngayon ang irereport nya kay Dean? Aba'y ibang klase talaga. Bahala sya basta malinis ang konsensya ko. Wala akong ginagawang masama.

Nilagay ko sa loob ang bag ko at tinungo na ang DO. Medyo may kaba ang pagkatok ko sa pintuan, mula ng mag-aral ako dito, ngyon lang ako makakatuntong dito at sa masama pang dahilan. Hasyt.

"Hi?"-bati sakin nung nasa mid-30's na babae na syang nagbukas ng pinto. She must be the Dean's Assistant.

"Good day po."-bati ko. "Is Dean inside?"-I asked.

"Yes, what do you want. He's with Mr. Agapito. Please wait."-tugon naman nya.

Nandito na pala si Sir, wow ang bilis. Gustong-gusto nya talaga akong ihabla ah.

"Ahm, kasama mo po ako ni Sir Agapito. May report po sya about sakin."

Tama bang about ang sinabi ko? Dapat pala against no? Kase mukang gusto nya na akong patalsikin sa school na to.

"Ah. Okay, come in."-wika nito at iginiya ako papasok.

Lalo akong nanlamig ng maramdaman ko ang atmospera sa loob. Iba talaga ang dating pag dean's office. Ng matanawan ko na ang table na kinaroroonan nila ay mas lalo akong kinabahan. Pero hndi ko iyon ipinahalata. Dahil unang-una, alam kong wala akong kasalanan.

"Good afternoon, Ms. Marquez"-bati ni Dean.

"Good afternoon Dean."-bati ko at yumuko ng bahagya.

"Take a sit."-he commanded.

Kung si Sir ay nasa left side, ako naman sa right side. Para tuloy kaming naghahain ng kaso sa barangay. Psh.

"So. Ano ang nangyari Ms. Marquez between you and your lecturer?"-he started.

I gulped quickly and took a sigh.

"Hindi ko po---"

"Sinasagot-sagot ako ng walang modong yan! Imagine Dean ipinahiya nya ako, ako? Ako na isang guro sa harap ng buong klase."

"Nagkakamali ka Sir. Hndi ganon ang ginawa ko."

"Wag ka ng magdeny pa. Kayang-kaya kong kumuha ng mga witness. Alam na alam nila kung paano mo ako sagutin ng pabalang kanina."

"Stop!"-sigaw ni Dean kasabay ng paghampas nya sa table. He's getting mad.

"Sorry Dean"
"Sorry po"

"Isa-isa lang pede. Im asking Ms. Marquez, at ikaw lang ang maaaring magsalita sa oras na to."

"Thank you Dean. Katulad ho ng sinabi ko kanina. Walang pahiyaang naganap kanina. Sisimulan ko ho sa umpisa. Hindi ko ho sinasadya na makatulog ako sa klase nya. Pigil na pigil ko ho ang sarili ko pero nilamon pa din ako ng antok. Tapos ho nahuli nya ako kaya nagalit sya. Hndi naman ho ako sumasama ang loob dahil sa ginawa nya. May mali ako at alam ko yon, kaya nung sinabi nya na sagutin ko ang tanong nya pumayag ho ako. At nung masagot ko naman ho ang tanong nya nagalit pa din sya. Akala nya ay niyayabangan ko ho siya."-salaysay ko. Npatingin din ako kay Sir, inirapan nya lang ako.

"Totoo ba yun?"-baling nya kay Sir

"Pero totoo din ang sinasabi ko Dean. Ibang klase ng pagsagot ang ipinakita nya. Nkakapahiya na yun sa side ko."

It Just HappenedWhere stories live. Discover now