CHAPTER 5: Stuck

149 10 0
                                        

                  Chapter 5

Raine's POV

Malumanay akong naglakad pabalik ng room. Naluto na naman ako sa mga tingin ng mga nadaraanan kong estudyante. Hindi ko na lang sila pinansin. Pagtingin ko sa wrist watch ko. 10:18 na. 18 mins late na ko. Sheeeet.

Mas binilisan ko ang paglalakad. Pgkarating ko sa tapat ng room ay nabigla ako ng nakita ko si Sir Agapito na nagdidiscuss na. Sya nga pala ang third period namin. May kaba man ay nagpatuloy ako at bahagyang kumatok.

Tumingin naman sya kaagad sakin. "Sorry Sir, Im late."-paumanhin ko at nananatili pa din sa may pinto.

"Hindi ba obvious Ms. Marquez?"-pangungutya nya. "Kahapon ka pa ah, bingo ka na sakin."-inis nyang sabi at nakita kong may papel syang dinampot sa table at agad na sinulatan.

Ano naman kaya yun? Tsk, ilang minuto na at ganon pa din sya, sana aware sya na ngalay na ko no. Pero dahil alm ko naman ang salitang respeto, iintayin kong papasukin nya ako.

"Pumasok ka na."-utos nya.

Pumasok nga ako at didiretso na sana sa upuan ko. Pero pinatigil nya ako. Hinigit nya ang manggas ng uniform ko.

"Oy! oy! oy! wala akong sinabing maupo ka."

"Bakit po ?"

Inismidan nya ako at pinasadahan ng tingin. Kita ko ang pandidiri nya sa mga nakikita nya.

"Sang basurahan ka naman humiga? hahaha"-pakli nya at medyo nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Dyan lang Sir, napagkalaman akong basura ng isang taong may sayad kanina."-sryso kong sagot at mas nagtawanan sila.

Sina Bing lang at Aya ang nakitakong seryoso ang muka. Itinuro pa ni Bing at damit ko na para bang tinatanong kung anong nangyari. Hindi ko sya pinansin at ibinalik ulit ang tingin sa teacher kong kaharap. Ntatawa sya habang hinihimas ang baba nya.

"Nkakatawa naman pala yang nangyari sayo. Pero may point naman yung taong yan. Muka ka naman talagang basura, lalo na ngayon. Tingnan mo nga ang itsura mo."-lait nya.

Parang hindi sya teacher, ibang-iba ang tabas ng dila nya. Gusto kong sabhin na hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig nya, pero di bale. Ayoko ngayon, at kahit papano ayoko syang ipahiya. Kahit na lagi nya akong pinapahiya.

"Ok enough"-pagpipigil nya sa sarili. Inabot nya sakin ang papel na sinusulatan nya kanina. Tsk, detention slip? aba't may pangalan ko na kaagad. "Siguro naman alam mo na ang ibig sabhin nyan. Kaya get out. Ops, pabasa nung nasa baba ha. Dun ka sa library ng Senior pumunta, maglinis ka."-pahabol nya.

Hindi nako nagaksaya ng oras at kaagad na nilisan ang room namin. Pumunta agad ako sa library ng Senior, pinakita ko sa librarian ang slip ko.

"Ay hija, grabe. Napakadumi nitong silid na to. May janitor na mglilinis dito mamaya eh. Pero tutal nautusan ka na. Sge, goodluck."

Tinanguan ko lang sya. Sympre si Sir pa ba? Napakatapang nun, sa lahat naman ganon yun, kaso hndi ko lang alam kase feeling ko malas ako kase ako ang pinaka-kapansin-pansin.

Nilapag ko na sa table ang bag ko at hinanap ang pinaglalagyan ng mga panlinis. Nkita ko ang isang babaeng nagliligpit ng gamit nya. Mukang palabas na sya. Sakto makakapaglinis na ako ng matiwasay. Liliko na sana ako sa kabilang way ng bigla nya akong tawagin.

"Raine right?"

Nilingon ko sya at tinuro pa ang sarili ko. Malay ko ba kung may nakikita syang hndi ko nakikita.

"Oo, ikaw. Hhaha, si Raine ka dba?"

Tumango ako. Sino naman tong babaeng to? Maganda sya at maputi. Nkabraid ang buhok nya, kaya naman napakalinis nyang tingnan. Parang ngayon ko lang to nakita.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now