Chapter 29
Raine's POV
Dalawang araw akong hindi pinatulog nung pangyayari sa Aquaintance namin noong Biyernes.Damn it. That kiss.
Kahit na sa noo lang yun iba pa din. Naiinis ako. Bwisit sya. Basta-basta nya na lang ako hinalikan. Pano kung may nakakita pala sa amin nun?
Kingina naman oh, Vios kasalanan mo to eh.
Lutang na lutang akong naglalakad sa hallway papasok sa room namin. Andun na daw sina Aya at Bing. Tsk.
Pero kung mamalasin ka naman talaga, mukang may sisira na kaagad ng araw ko. Lunes na lunes oh, ang aga-aga pa man din.
Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Myssa, wala syang asungot pero mukang nagbabadya na naman ng gulo. Iba ang tingin sa akin eh.
Pero kahit ganon, hndi ko na sya pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad. Nung nagkatapat na kami ay sinagi nya ako.
Oo sinagi! Sinasadya nya talaga.
"Oops, nasagi!"-utal nya at pinagpag kunware ang manggas ng blouse nya.
Wow ang arte din naman nya.
"Goodmorning Raine"-bati nya sa akin ng may malawak na ngiti. Alam ko namang pangpaplastic nya lang yan. "Kamusta yung party?"-tanong nya.
Speaking of party, hindi ko sya napansin noon. Walang bruhang pumeste sa akin nung Biyernes.
"Okay naman. Padaan nako, papasok kase ako, paharang-harang ka pa."-pasaring ko sa kanya.
Umirap naman sya sa kabilang dako na kala mo naman ay hndi ko nakita. Kala mo talaga tong babaeng to'y hndi college. Npaka-immature nya para sa edad nya.
"Ow sounds interesting. Pwede bang kwentuhan moko?"
"Wala ako sa mood. Tumabi ka na. Dadaan ako."
"Dont be too fast. Kwentuhan mo lang ako sige na. Maliban dun sa pgasasayaw nyo ni Vios at pagpapahalik mo sa kanya sa noo, ano pang kaharutan ang ginawa mo?"-tanong nya sa akin na kahit nakangiti ay alam ko namang inaasar lang ako.
Sht. Bakit alam nya? Nakita nya, posible rin na maraming nakakita? Hindi lang kaya sya?
Kumabog ng mabilis ang puso ko. Ayokong maissue. Potek ka Vios, kasalanan mo talaga tong bata ka.
"Ohh.. Namumutla ka"-puna nya sa akin."Akala mo sguro hndi ko makikita no? Kahit pumwesto pa kayo sa pinakamadilim na part, makikita at makikita ko kayo. Maliwanag ang mata ko sa mga mahaharot eh."
Nginiwian ko sya. Hiyang-hiya naman ako sa pag-uugali nya. Ako pa pala tlaga ang maharot dito. Wow. Just wow. Pinapahanga talaga ako sa kabobohan ng isang to.
Pero kahit ganon ay nanatili akong tahimik.
"Ano? Hindi mo man lang ba idedepensa ang sarili mo?"
"Hindi."
"At bakit? Oh I see. Obvious naman na guilty ka kaya hndi mo maitangge, tama ba?"
"Hindi rin."-tugon at agad naman kumunot ang noo nya. "Actually I can explain, pero dun lang sa mga tao na gusto ko. At ikaw, wala kang lugar sa buhay ko kaya hndi mo na dapat pang marinig ang sasabhin ko."-dugtong ko.
Kumibot-kibot ang labi nya tanda ng kanyang pagkairita.
"Whatever. Alam ko namang deep inside ay naiinis ka na. Oh well."-mayabang nyang tugon at nagfliph hair pa.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...