Chapter 22
Vios' POV
Hindi ko lubos maisip. Arghh! Bakit ganon? Bakit sya pumayag na maging date ni Kuya? Pakingshet. Hndi nya ba alam!? HA!? Ako dapat yun e..
~Flashback
Tumitig ako sa kanya. Inaabangan ko ang maaari nyang maging sagot.
Humindi kang babae ka. Sinasabi ko sayo humindi ka.
"Balak ko sanang hindi na lang umattend e."-sagot nya.
Nabuhayan ako ng pag-asa and at the same time, medyo nalungkot din kase pano yan? miski ako ang magyaya sa kanya hndi rin sya papayag?
"Oy te wag na maarte!"-pagpupumilit sa kanya ni Aya.
Itong si Aya kanina pa to e, mapepektusan ko na tlaga to. Kanina nya pang pilit pinagtatabuyan si Raine kay Kuya.
"Oo nga girl, si Van na yan oh, ayaw pa mo?"
"Nko iba ata ang gusto."-malaman na sabi ni Klyde.
Alam kong nakatingin sya sa akin, hindi man ako tumingin ramdam ko yon. At saka isa pa, hindi ko mapigipan na ngumiti. Nadadala ako sa asar ng hinayupak.
"Baka yung gusto ni Raine, e mas mabait, mas gwapo. Hala ka Van!"-asar pa nito.
Well. Joke. Hahahaha.
"Nako, kung may magiging karibal man yang si Van, wapa ng maglalakas ng loob. Matatakot na yun."-inosenteng sambit ni Joaquin.
Nainis naman ako sa sinabi nya, hndi ko na lang ipinahalata. Hndi nya naman alam e, kalma Vios, kalma.
"At saka walang-wala yun sa kagwapuhan ng pinsan natin no"-Jeilo.
"Mismo"-sang-ayon ni Kenn at nagapir sila.
Wow ha. Di hamak naman na may laban ako kay Kuya. Tsk, kung makahanga naman tong mga to dito e.
"Girl, may iba ka bang idedate?"-tanong ni Bing.
Sinamaan lang sya nito ng tingin.
Pinasadahan nya kaming lahat ng tingin. Napalunok ako bigla ng magtagpo ang aming mga mata.
"Narinig nyo ba ang sinabi ko kanina? ha? sabi ko wala akong hilig umattend sa mga party. Napakalayo ng mga satsat nyo."
Oo nga naman. Pero kahit na, papilit rin itong isang to e.
"Please? Raine please,?"-pilit ni Kuya
Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Gusto kong magsalita pero hndi ko magawa. Para akong na-pipi na ewan, nabubwisit ako. Hayp na yan!
"Tsk."-huminga muna sya ng malalim. At lahat kami ay nahawa sa kanya, napasabay kami ng paghinga ng malalim. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakshet, kinakabahan ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko. "Sge na, pumapayag na ako."
At nagimbal ang mundo ko.
"Ayieeeeeeee"
Nabalot ang canteen ng malakas nilang hiyawan dahil sa pagpapayag ni Raine. Samantalang ako, habang pinapakiramdaman ko ang sarili ko para akong nabibingi.
Hndi pede to. Kailangan ko ng ipaalam sa kanya.
~End of flashback
Nagpuyos na naman ang damdamin ko dahil sa ala-alang iyon. Nkakayamot. Peste. -_-
YOU ARE READING
It Just Happened
Genç KurguPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
