CHAPTER 2: Who is He?

245 14 1
                                    

                  Chapter 2

Raine's POV

    Kaingay na kaingay ang buong paligid. May mga nagsasayawan, may ilang kadadating lang at kasalukuyang kumakain. Nakakaboring, gustong-gusto ko ng umuwi.

"Ayaw mo kasi sumayaw. Kanina ka pang pinipilit ni Van e arte mo te, pektusan kita dyan makita mo."-tinampal ni Bing ang nakapangalumbaba kong kamay kaya napasubsob ako sa vase.

"Ano ba!? Hayaan mo ko. Ayokong sumayaw. Kita mo ba ang suot ko? nakauniform ako oh, ikaw kaya magpaikot ikot dyan ng nakaganito."-singhal ko sa kanya.

"Ay sabagay may point. Pero kanina ka pang pa-keme eh. Maawa ka nga kay Van wala ka ngang regalo eh."

"Ano bang bigdeal sa regalo? Ang yaman yaman nung tao eh"

"Eh kung may bigay ka, kahit ano un paniguradong matatouch yun. Ikaw pa ba?"

"Tutal ikaw may idea dapat ikaw bumili."

"Highblood naman to, parang nagsasuggest lang eh."

"Anong tinatanong mo kay Raine, Bing?"-tanong ni Aya na inaalalayan ni Jeilo sa pagupo.

"Anong tinatanong? Nagsasuggest kamo dyan sa makitid na utak ng babaeng yan."

Ewan ko ba, pero kapag itong dalawang to ang nagsasalita ng mga hndi katanggap-tanggap para sakin. Hindi ko magawang magalit. Siguro kase nasanay na ako sa presensya nila and as long as wala silang ginagawang masama.

"Ano ngang tinatanong mo?"-ulit pa nito.

"Wala nga akong tinatanong, nagsasuggest nga ako. Kulit ng lahi mo"-sigaw naman sa kanya ni Bing na nauubusan na ng pasensya kapapaliwanag.

"Hoy bakla, girlfriend ko yan. Hinaan mo boses mo."-banta ni Jeilo na ngayon ay nakaupo na din.

Hindi naman sya pinansin ni Bing at nagkibit-balikat.

"Bing kase.. Sinesikreto nyo na sakin yan ah."-maktol pa nito.

"Manahimik ka na lang Aya at mag-aral kang mabuti. Maluluslusan ako sayo eh."

"Nge"-sambit nya at nagpout. Pinaka-ayoko sa lahat tong nagpapout mukang pato.

I smirked at my own thought. Ok lang bagay naman yun sa kanya eh. Binalik kong muli ang paningin ko sa stage. May bandang nagpeperform. Nawala si Van dun sa una, katatapos nya lang kumanta. Siguro, pumasok lang saglit sa loob. Susunod na daw ung wishes ng mga kapamilya nya. Mabuti na lang at nalaman ko kaagad na kasali ako, kaya pinabura ko agad un kay Van. Nkakahiya naman kase kung ganito ang suot ko tas aakyat ako ng stage.

"Ayyy yan na!!! yan ba yun Jeilo?"-tili ni Bing kaya kaagd akong napalingon sa pinaguusapan nila.

"Shet. Oo yun na nga. Nandyan na sya."

Sinundan ko ang tingin nila at nakita kong may isang lalaking naglalakad na nakahoodie at napapalibutan ng 3 tao kaya hindi ko makita ang muka nya. Dire-diretso sya at kumakaway sa ilang malapit sa kinaroroonan nya. Sino naman kaya yun?

"Omy! Mukang gwapo yun ah!"-Bulalas ni Aya at pinitik sya ni Jeilo sa noo.

"Oy sweetiepie masama yan. Nagtataksil ka sakin. Pede mong tingnan yun, pero hanggang dun lang. Saka mas bata yun sayo. Di kayo bagay, mas bagay tayo."

"Sweetiepie naman e"-napayuko si Aya. Kinikilig na n aman siguro. "Alam ko naman yun and besides ahm.. You know.. Ahm sweetiepiee"-she stuttered.

"Neknek mo! paenglish-english ka pa. Kaharutan mo din eh no, kapag hindi kaya wag ipagpilitan."

It Just HappenedWhere stories live. Discover now