Chapter 6
Raine's POV
Its Saturday. Andun pa din si Mama sa ospital. 3 days na sya don. Im still hoping na bukas o sa sunod na araw makalabas na sya. Sana hndi na sya magtagal pa don. Maya't maya kase pinupuntahan ako dito nina Mr. And Mrs. Marquez tss. Chinecheck ata kung may ninanakaw ako. As if.
Bahay namin to. Bahay namin ni Mama, sila ni Papa ang nagpundar nito. Pero kung umasta tong si Mrs. Marquez akala mo bahay nila. Ayaw na ayaw nyang madadatnan na madumi, kung sakali man aba e di sya ang maglinis. Hindi lang ako umaangal dahil ayokong palakihin ang gulo.
Ito na nga, dali-dali akong lumabas ng kwarto dahil nakailang doorbell na si Bing. May practice kami ngayon. Volleyball player ako, sya naman chess. Sinabi ko na sa kanyang umuna na sya sa school, nagpumilit pa rin sya na sabay raw kami. Kesyo gusto nya daw ng kadaldalan. Madaldal ba ko ng lagay na to?
*doorbell*
-_-
*doorbell*
Naglalakad pa lang ako ay abot-abot na ang pagdoorbell nya. Dinadagdagan nya ang init ng ulo ko. Shete.
*doorbell*
"Nandyan na!"
Pagkasigaw ko ay padabog kong pinindot ang monitor at kaagad na bumukas ang gate. Nasan ba kaso ung guard namin? Dapat sya ang gumagawa nito e. Marahil sinama na naman sya ni Mrs. Marquez sa Mall o nagpahatid pauwi. Nasa leave kasi ang driver namin.
"Ay wow teh? Sumigaw kaa? totoo ba yan?"
"Tsk"
"Uy goodmorning din!"-masigla nyang bati kasalungat ng reaksiyon ko.
"Tara na"-saad ko at pinindot muli ang monitor bago lumabas.
"Ang galing"-sambit nya at pumalakpak. "Ni hindi mo man lang ako pinapasok sa mansion nyo?"-pangaasar nya at humalukipkip.
"Para san pa? sa school tayo mageensayo at hndi sa bahay ko."-sagot ko at naghintay ng taxi na maaaring dumaan.
"Wow ha, hndi pedeng pagkapehin mo muna ako saglit? O kahit painumin lang ng tubig. Jusko ka."
"Kagagaling mo lang sa inyo dapat sa inyo mo yan ginawa."-pangaalaska ko. Hhahaha.
"Andamot mo! Pambihira ka naman Raine."-nauubusan na sya ng pasensya. Tumahimik sya at tumingin na lang din sa daan.
"Di bale. Sa susunod, magtanghalian ka pa kung gusto mo."-wika ko.
Kita ko ang pagliwanag ng muka nya. Hinampas nya pa ako sa braso ko.
"Sureee? Oemji, makakapagselfie na din ako sa loob ng mansion nyo. Love it!"
Napailing nalang ako sa pagpila-pilantik ng kamay nya. Panay ang pagbulong nya, paminsan pa nga ay tinatanaw nya uli ang bahay namin at sinisigaw ang katagang-..
"Mapapasok din kita! heyah!"
Oh? Siraulo diba.? Pinabayaan ko na lang sya at nauubusan ng pasensyang nagbantay muli ng taxi. Kainis ha, malelate na kami. 8 ang call time. 7:35 na. San ba nagsususuot yang mga taxi na yan? Hndi ba nila alam na kailangang-kailangan sila dito sa village namin?
Muli akong naghintay. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, wala akong magagawa. Hndi naman ako makakalipad.
"Jusko girl grabe ha. Sakay na lang kaya tayo sa sasakyan nyo? Mukang madami naman ung nasa garahe nyo?"
Binalingan ko sya. "Walang driver."
Umakto syang nagiisip at kaagad na may isinuhestyon. "Diba marunong ka naman?"
YOU ARE READING
It Just Happened
Novela JuvenilPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
