Allies or Rivals
I was not even born yet when my father was already in Politics. Nang ipinanganak ako at nagkamalay, matalik na magkaibigan na ang pamilya ko at ang nga Dilaurentis.
"To the strong ties between our families, Fajardo," ani Lysandro Dilaurentis as he raised his glass of champagne.
"Of course, Sandro." My father gave a mellow smile.
I was thirteen that time when my father won the position of Mayor again. That was the third of his consecutive year as the Mayor of Tobias Fornier. At iyon na ang huling term niya. Kaya nang sumunod na taon, si Lysandro Dilaurentis na ang kumandidato bilang Alkalde. At, si Daddy ang Bise Alkalde.
Noong una ay naging maayos naman ang lahat. Maayos ang buong probinsya ng Tobias. Maayos ang relasyon ng mga Salvani at Dilaurentis.
Ngunit, ikalawang taon ni Daddy sa pagiging Vice Mayor ay nagkaproblema na. Hindi nila alam. Ni si Mommy, hindi ito alam. Ngunit, narinig ko mismo.
"Manong Eddie," sabi ko pagsakay ko pa lang sa van.
"Bakit, Ma'am Fajline? Gutom na po ba kayo? Sorry po, sabi kasi ni Ma'am Saminah huwag ko na po kayong dalhan ng mga snacks niyo. Naghanda na po siya ng hapunan."
Bumusangot ako sa driver. "Uuwi ba si Daddy?"
"May trabaho po siya, Ma'am. Gagabihin po siya ngayon," sagot ni Manong Eddie.
Napabuntong-hininga ako at nahiga sa upuan ng sasakyan. "Biyernes na ah! Kahit Linggo, hindi ko pa rin siya makita sa bahay!"
"Ma'am, alam niyo naman po ang trabaho ni Sir, hindi ba?" Sabi ni Manong Eddie.
"Alam ko po." Sabi ko at naupo na nang maayos. "Pero akala ko mas magaan na ang trabaho niya dahil Vice Mayor lang siya."
"Gusto mo daanan natin si Sir sa munisipyo?" Tanong ni Manong Eddie.
Parang naganahan ako muli. Kumislap ang mga mata ko at napangiti. Dahil doon ay kumunot na ang gilid ng mga mata ni Manong Eddie at nangisi.
"Opo, Manong!" Sabi ko at tumango-tango.
"Pero, sandali lang ha. Baka ako naman pagalitan ni Ma'am Saminah."
"Opo! Sagot naman kita, Manong, eh. Maiintindihan naman ni Mommy," sabi ko. Hindi matigil ang pag-unat ng labi ko sa magkabilang tainga.
Sa halip na lumiko si Manong Eddie sa daang papuntang bahay, lumiko ang sasakyan papuntang munisipyo.
"O, Ma'am, bumaba ka na po at dito na lang ako maghihintay sa labas," sabi ni Manong Eddie.
"Salamat po, Manong," sabi ko.
"Saglit lang, Ma'am Fajline, ha," paalala niya.
Nang sinabi niya iyon ay nandoon na ako sa bukana ng munisipyo papunta sa opisina ni Daddy.
Office of the Vice Mayor.
Nakita ko ang pinto nitong nakasara. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang abalang-abalang si Glenda, ang sekretarya ni Daddy.
"Ma'am Fajline," ngumiti si Glenda at napatayo.
Bagama't nasa trenta na siya at ako naman ay treze anyos pa lang ay mas matangkad pa rin ako sa kanya.
"Magandang hapon, Glenda," bati ko tulad ng nakagawian at palaging pinapaalala sa akin nina Mommy at Daddy. "Nasaan si Daddy?"
"Sa loob po kasama si Mayor..."
Sa loob siya ng opisina niya. Hindi ko na pinakinggan ang sunod na sinabi ni Glenda at dire-diretso sa pagpasok sa silid na iyon.
"Fajardo, I'm not your puppet. Magkaibigan tayo, hindi ba? Intindihin mo rin na may sarili akong paninindigan at gusto para sa lungsod," sabi ni Tito Sandro. Ang mga mata niya'y galit na galit.

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...