Never Survive with a Headshot
Kung sinuman ang nagpadala nang nakakadiring regalong iyon a malalagot sa akin. Huwag na huwag niya lamang hayaan na mahanap ko kung sino siya.
Ngunit ngayon, hindi iyon ang priyoridad ko.
"Negative, Attorney Salvani." Sabi ng Forensic Analyst na kinuha ko para sa second opinion.
"Ni isa sa kanila, wala talaga?" Tanong ko.
"Wala."
I could not trust Attorney Taverna enough. I let him preserve the print and enter it in a database. Para pwede ko ring mapa-test sa iba. Kahit hindi ko nasasabi sa kanya, alam ko namang may kutob na siya na maliban sa pinapagawa ko ito sa kanya, pinapagawa ko rin ito sa iba.
I don't trust easily with one source. I need another to confirm.
The fingerprint I recovered a few years ago, remains unidentified.
Wala ni isang ebidensya na nagpapatunay na pakana lahat ng ito ni Lysandro. Hindi ko mapigilang mainis.
Biglang tumunog ang phone ko.
Unknown number calling...
Kay sino naman 'to? Is this another death threat? Oh, please!
"Who are you?" I asked blatantly. I do not care if this will be a potential client. I am not in a good mood right now!
Walang sumagot. Nanatiling tahimik ang nasa kabilang linya.
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko ulit ngunit wala pa rin sumagot.
"If this is a prank call, I'm putting this down," I said.
Napairap ako nang wala talagang sumagot. Agad kong pinutol ang tawag.
If someone is trying to scare me, then that person failed. Ano'ng gusto niya? Mangatog ang tuhod ko sa takot?
Hindi ko ibibigay sa kanya ang gusto niya.
Gusto kong ipa-trace ang number ngunit minabuti ko pa ring huwag na lang. Hindi naman ako napahamak o namatay. Pinadalhan lang ako ng patay na daga at duguang puting rosas. Iyun lang naman.
Bumalik ako sa pagbabasa ng isang dokumento nang may tumawag muli.
Unknown number calling...
Not again!
I trust my memory as much as I trust my instincts. At sa pagkakaalala ko ito ang number ng tumawag sa akin ilang minuto lamang ang nakalilipas.
"What?" Bungad ko nang may kaunting pagsusungit na.
Walang sumagot.
"Papatayin ko na 'to," sabi ko. Pasalamat pa siya dahil may respeto pa ako at hindi ako bastos para babaan siya agad-agad.
"Attorney Salvani." It was a deep and mischievous tone from a man.
A man that is now standing in front of me.
Hawak-hawak niya pa ang telepono niya sa kanyang tainga habang nakatingin sa akin nang may kapilyuhan.
"Attorney Vernan," sagot ko. Hindi ko inaasahang ang isang Miguel Vernan ang kusang lalapit sa akin.
He does share a common trait with Phil. Hindi mapagkakaila ang prominenteng pagkakahawig nila. Only that he is a bit more muscular. His air says it all... he's a sly man.
In front of me is Miguel Vernan. Ang itinuturing na pinakabugok na Vernan.
Tulad nang mga kapatid niya at matalino, mayaman at kilalang magaling na tao si Miguel. He never fails to impress a lot of people most especially politicians and business elites like them.

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...