Chapter 44

788 30 2
                                    

Personal

Isang putok...

Dalawang putok....

Tatlong putok...

I aimed at the target like it was the head of Lysandro Salvani.

Limang araw nang nawawala si Leander. Talking to Lysandro is useless! Ni wala akong nagawa!

Limang araw na at wala pa ring isinulong ang imbestigasyon. Mag-iisang linggo na!

Gusto kong sapakin ang sarili ko!

I felt lost and uncertain in the middle of the case! Nakakairita!

Hindi ko na maibilang kung ilang bala na ang nagamit ko. I just keep on shooting and shooting but my anger never subsides.

It remained loud like a gunshot echoing in the area.

"I think it's enough, Fajline." Naramdaman kong lumapit sa akin si Phil. Kanina pa siya mukhang nag-aalala.

Nevertheless, I kept shooting until there were no more bullet in my gun.

"Hindi pa ako kuntento, Phil," sagot ko habang linagyan ko ng panibagong bala ang baril.

"Malulutas ba natin ito kung ganyan ka, Fajline?" Mamaos-maos ang kanyang boses. I've been shooting for hours and we never had any progress towards the case.

Bahagya akong napatuwid nang naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa aking baywang. Napatiim-baga ako nang makaramdam ako ng lamig sa aking sikmura.

I pulled the trigger and shoot nonstop... savagely... Halos wala nang natira sa target sa kakabaril ko.

I shoot with the final gun. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko at ang mabibigat kong paghinga.

Ngunit, hindi ko alam kung bakit kasinglakas pa rin ng kanina ang kalabog ng dibdib ko. Ginugulo pa ni Phil ang utak ko sa hawak niya.

"That's the point!" Singhal ko. "Sa tingin mo ba malulutas natin ito kung ganito ako? I want my anger out as much as possible at wala akong mapaglalabasan nito kung hindi ang pagbaril sa lintek na target na iyan! Kaya hayaan mo muna ako, pakiusap lang!"

I felt my blood in my veins... hot and rushing... with vexation...

"You've been shooting for hours and you can't hit the bull's eye," he pointed out.

Mas lalo lamang akong nainis dahil pinuna niya pang hindi ko matamaan ang bull's eye!

I can't focus! What does he fucking expect?

"Don't rub it on my face!" I glared at him. "I know."

Kinuha niya ang sariling baril.

"Kaya hindi ka makakakalma niyan kahit ilang oras at bala ang masasayang mo, Fajline," aniya. "Mas lalo ka pa ngang nagagalit dahil hindi mo matamaan ang gusto mong asintahin."

Lumapit siya sa akin. Pinahawak niya ang kanyang baril sa akin. Ang kamay niya naman ay nakaalalay sa mga kamay ko. Nakatayo siya sa likod. In fact, we're too close that my back was touching his chest. Naaamoy ko ang samyo ng kanyang pabango at ramdam ko ang bawat hininga niya.

Cold licked my spine. It sent shivers like little current.

It made me distracted. Nawala sa isip ko ang galit at pagkainis. Mas lalo niya lang diniinan ang sarili niya sa akin. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang inaayos niya ang mga kamay ko.

Walang nagsalita sa aming dalawa. He was focused on hitting the bull's eye. I, on the other hand, was focused on how he wrapped himself around me. Wala na sa target ang mga tingin ko. Naroon na sa kamay naming dalawa.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon