Lose You
"Leander, bakit kailangan mong pumunta sa America?" Tanong ko sa kanya.
Sa murang edad, wala akong naiintindihan sa mga bagay-bagay. Isa na roon ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang umalis ng isang kaibigan.
"Dahil gusto ni Mommy," sagot niya. Pinanood ko siyang dinampot ang mahabang stick at nagsimula siyang gumuhit sa buhangin. Pinanood ko siyang gumuhit ng ulap at dagat, tulad ng nakikita naming dalawa ngayon.
Bahagya kong tinagilid ang aking ulo. Ang noo ay kumunot. "Paano si Daddy mo saka ang kapatid mo?"
"Maiiwan dito," matamlay niyang sagot.
"Hindi ka nalulungkot?"
"Nalulungkot."
Napabuntong-hininga ako. "Paano na tayo magiging classmates niyan?"
Mula kindergarten, magkasama na kami sa eskwela. Ngayong nasa gradeschool na kami, doon naman kami maghihiwalay.
"Marami pa naman tayong kaklaseng pwede mo maging kaibigan," aniya at matipid na ngumiti.
Alam ko rin namang nalulungkot siya. Kahit pilit siyang ngumiti, nakikita ko sa mata niyang mangungulila siya kapag umalis siya.
Napasinghap na lamang ako. "Ikaw? Paano ka? Iba ang abroad sa Pilipinas."
Lumapit siya sa akin at tumabi sa malaking kahoy na natumba. He pinched my cheeks. "Okay lang ako."
"Sigurado ka? Basta, kung ayaw mo roon, umuwi ka," sabi ko at ngumiti.
"Uuwi ako," aniya at ngumiti pabalik. "Sa highschool, magkaklase na ulit tayo?"
Napabusangot ako. "Ano'ng grade pa lang tayo, Leander? Grade two? Apat na taon pa?"
"Apat na taon lang," sabi niya. "Bibisita naman ako rito tuwing walang klase eh."
Biglang umihip ang hanging habagat. Habang dumidilim ang kapaligiran dahil sa takipsilim, hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Leander.
Before, all I cared was the friendship. We both looked up to the friendship of our fathers and forefathers that we want to maintain.
Ngunit, sa isang sandali, nawasak iyon. Ngayon, ano pa ba ang mayroong dapat pag-ingatan sa pagitan ng Salvani at Dilaurentis?
I felt something held my hands tightly. Ibinaba ko ang tingin ko ngunit hindi ang kamay ni Leander ang nakahawak sa akin.
The slightly rough hands of Raphael wrapped my hand tightly like it was all he has. Doon ko lang napagtantong nagising na ako.
Napatingin ako kay Raphael na mariin at may pag-aalala akong tinitigan. I was a bit disoriented. Inalala ko muna kung ano'ng nangyari sa akin.
Tumayo siya nang makitang minulat ko ang mga mata ko. "Fajline?" His voice coarse.
Pinagsalikop niya ang isa naming kamay habang ang kabilang kamay naman niya ay hinaplos ang aking pisngi.
I felt fragile when he held and touched me carefully. Tila isang babasaging muwebles na kapag masira ay hindi na maibabalik sa dati kaya dapat buong pag-iingat na hawakan.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...