Chapter 9

1K 39 3
                                    

Fenrir

"Attorney Taverna?"

The young attorney stood by the porch.

"Fajline?" Bahagyang kumunot ang noo niya sa akin. Inayos niya ang kanyang kurbata. "Tinawag ako ng ina mo. I'm here for my final payment. Dinig kong aalis na kayo rito."

Napalapit ako sa kanya. Tiningnan ko siya ng mabuti.

Attorney Taverna is not that reliable but...

"Bakit, Fajline?" Nagtatakang tanong ni Attorney.

"You'll do," I said with totality.

"Ano'ng ibig mong sabihin--"

"Consider this a personal favor, Attorney." Pormal kong saad. Agad kong kinuha ang drug paraphernalia na ibinalot ko sa aking panyo.

"I don't know if there is still fingerprint in this item. But, if there are fingerprints could you identify it and preserve it?" Pakiusap ko.

"You're not yet giving up?" Napataas ng kilay si Attorney.

Hindi pa ako susuko. Wala sa bokabularyo ko ang sumuko. Wala sa ugali kong sumuko. Hindi ako pinalaking agad-agad na sumusuko.

Kahit ilang taon man ang lumipas. Ipagpapatuloy ko ang laban. Hindi kailanman maaapula ang apoy ng galit sa kalooban ko hangga't hindi ko makukuha ang katarungang para sa ama ko.

"Fajline?" Napalingon ako sa tumawag.

Tumayo ako mula sa aking silya at bahagyang tinanguan si Phil. He looks ready. Ako naman kanina pa nakahanda. Naghihintay lang naman ako sa kanya hanggang sa matapos niya ang isang sa mga napakaimportanteng niyang meeting.

Raphael Ignatius Vernan is a highly-recommend and most in-demand lawyer. Halos lahat sa Pilipinas kilala ang pangalan niya. Of course, he's somehow a celebrity lawyer, running and managing the best law firm. He came from a family of politicians, the Vernan, and a family of business tycoons, the Arcella. He has also has a lot of shares in various companies. He is filthy rich, smart and influential even at his age thirty-one. Sino'ng hindi gustong ma-link sa lalaking ito?

"You done?" Napataas ako ng kilay.

Tumango siya at napatikhim. I took my brief case and walked. "Halika na. Baka ma-late tayo sa appointment," sabi ko.

He chuckled. "I don't think we are a meeting a very busy man."

"Of course, we're not," matama ko siyang tiningnan. "But, I am!"

Napailing na lang siya sa akin.

Ngayong araw ay isa sa mga napakaimportanteng araw para sa akin.

I'm meeting the man who ruined my father, my family and my life.

Matagal ko na rin itong pinlanong gawin. Matagal ko na itong gustong gawin. Simula noong lumipat kami sa Negros, mas lalo ko lang pinagbutihan ang pag-aaral. I set my ambitions straight. I only eyed on my aims. Wala na akong inisip na iba. Matapos kong grumaduate sa Commerce ay pinagsabay ko ang pag-aaral upang maging abogada at pagpapalakad ng minana kong hacienda.

I want to rise higher. I want to get richer. I thirst for more power.

Dahil, darating ang araw na magagamit ko ang lahat ng ito... lalong-lalo na ngayon.

Habang naglalakad kaming dalawa sa parking lot ay agad na nag-ring ang phone ko.

"Excuse me, I have to take this call." Napatingin ako kay Phil.

Kumuyom ang panga niya at napatango. "Sagutin mo na. It may be something important."

Kinuha ko ang aking phone mula sa inner pocket ng aking coat at agad na sinagot iyon. Binasa ko ang pangalan sa screen.

One of my important clients.

"Good day, Mr. Hachuela," pagbati ko.

Nagkatinginan ulit kami ni Phil. He eyed me questioningly as we proceeded to walk.

"Attorney Salvani, when are going to Cebu?" Tanong ng matandang negosyante.

"I'm sorry, Mr. Hachuela, I cannot go there immediately. I'll make sure I can fly there next week before the trial. Wala na kayong dapat ikabahala," sabi ko.

"I trust you, Attorney. Thank you!" He said.

"Alright, Sir," I responded then the call ended.

Phil opened the car's door for me.

"I did not see you reading Hachuela's case," puna niya.

"I'll read it later after I get my business done today," I replied.

"Don't get too hooked on your personal matters, Salvani," Phil reminded me as we were in the car. "You're still under Vernan Law firm. I can kick you out of the firm."

"How? By frame-up?" Pasarkastiko akong natawa. "Sino ang papatayin ko para ma-disbar ako? Ikaw?"

Seryoso niya lang ako tinitigan. Iniwan niyang bukas ang pinto sa front seat at umikot siya papuntang driver's seat.

"How about this, Phil..." Wika ko. "Don't get to hooked on my personal matters. May-ari ka pa naman ng law firm. You have other cases to get your genius brain on."

"This issue is something my family is involved in," sabi niya. "Pareho lang naman ang gusto natin, hindi ba?"

We want the culprit to rot in jail.

This how I got along with Raphael Ignatius Vernan.

Phil seeks for the truth. I desire for justice.

Phil maneuvered the car to a vacant parking lot na sinadyang para sa kanya. I watch the police move the signboard of no parking at the side.

"Sigurado ka ba rito, Fajline?" Tanong ni Phil sa akin at tinanggal ang aking seatbelt.

Inuna niya pa talaga iyung akin kaysa sa kanya ha!

I watch him unclasp the lock. "We don't have much time. Kailangan nating subukan ngayon. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakatiyempo. Mamayang gabi, babalik naman tayo ng Iloilo."

Tumango lamang siya. Lumabas kami ng sasakyan at pumasok na sa prisinto. It was a humid day kaya medyo mainit kahit sa loob ng establisiyemento.

A police officer guided us in a private room. Doon kami umupo at naghintay.

Hindi nagtagal ay bumukas ulit ang pinto. Pumasok ang isang lalakeng nasa edad sisenta na yata.

He was gruesome. Ang kanyang buhok magulo at maputi. Ang kanyang burangos ay mahaba na rin. Maraming linya sa kanyang mukha. His nose was crooked. Mukha siyang hindi nakaligo ng ilang araw.

Kahit kaunting awa, wala akong naramdaman para sa kanya. Aside from I don't empathize with criminals, hindi ko rin makita ang pagsisisi sa mukha niya.

He sat in front of us. Restrained with metal cuffs.

"Fajline Salvani," simula ko.

"Ano'ng kailangan ng anak ni Fajardo at Simeon dito?" Tanong ni Fenrir Alvia.

"Witness against Lysandro Dilaurentis," direkta kong sagot.

🥀

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon