I Got You
Leander..." I muttered with longingness.
Wala siyang sinabi ngunit yinakap niya lang ako pabalik. Mas lalong kumirot ang puso ko. Wala siyang kapintasang ipinakita kahit noon pa man. Isa siyang malapit na kaibigan at may bahagi na siya sa puso at buhay ko.
Kahit anong galit ko sa mga Dilaurentis, kaibigan pa rin si Leander sa akin. Hindi ko kailanmang iaabandona ang pagkakaibigan namin. Ang ama niya lang naman ang may sala kaya hindi ko siya idadamay sa galit na iyon.
Maliban na lang kung proprotektahan niya ang ama niya na imposibleng hindi mangyari.
Mangiyak-ngiyak akong kumalas sa mga bisig niya. Napatingin ulit ako sa kanya. His jaws were defined even more, his hair were cut clean as always and his lashes longer and a bit curled.
"Kailan ka pa rito?" Tanong ko.
"Dalawang linggo na," sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Dalawang linggo ring nakauwi ang tiyuhin niya. Sabay silang umuwi?
"Ikaw lang umuwi?" Tanong ko.
He pressed his lips and nodded. Pinag-iisipan niya ba ang sagot niya. "Yeah.... yeah..."
Bakit kahit siya, tila hindi kumbinsido?
Kahit ganoon, umarte pa rin akong tila kumbinsido sa mga sinagot niya.
"Oh, so how are you doing, nowadays?" I asked, casually.
"I'm already running a photography firm. We go to different places take photos," sabi niya. "Ikaw?"
"Continuing a legacy." I smirked.
"Alam ko namang simula't sapul pa lang, gusto mo nang maging katulad ng ama mo," sabi niya. "You're interested in politics?"
"Maybe, in the future," sabi ko. "Ikaw?"
"That isn't my thing. Maybe, Sera will pero parang malabo ring mangyari," sabi niya at bumuntong-hininga.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko man pinapahalata ngunit nagtataka ako sa kanya.
Where is Leander Gael Dilaurentis I knew? Where is the guy who had full of conviction? Where is that Leander who badly wants to take on the legacy of the Dilaurentis?
Malungkot niya akong tiningnan. "May punto lang talaga sa buhay kong nagpabago ng pananaw ko, Fajline. I'm not as strong-willed as you."
"Don't say that, Leander," I told him. "You're career will never bloom without determination, right?"
Tumango-tango siya ngunit hindi umimik. Hindi ko inalis ang mga tingin sa kanya. Binabantayan ang bawat kilos niya.
I did sound like a hypocrite saying no matter what, he's a friend.
Well, he is!
Ngunit, hindi ako mag-aastang bibeng-bulag para lang sa pagkakaibigan!
"May lakad ka ba ngayon, Leander?" Tanong ko. Pag-iiba ko ng usapan.
"Parang pinapaalis mo na ako ah," diretsa niyang sinabi.
"No. I just think I'm meddling with your hectic sched," I cleared. And, he's interrupting my 'me-time.'
"Well, I had to go back to our other resort, Fajline, may inaasekaso pa ako. Lalo na't nagtratrabaho upang makilala ang resort ulit."
"Is that the fire dance picture you posted? Was it a promotional thing, though?"
"Gimmick, Fajline," he said and smiled, meekly.
"And, you're the marketing personnel, right now?" Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...