Politics can Break Lives
"Fajline," tawag sa akin ni Leander.
"Oh, bakit?" Nagpaunlak ako ng matipid na ngiti sa kanya.
"Hindi na tayo masyadong nagkakausap," sabi niya. Kahit magkaklase kami, malayo naman ang upuan namin sa isa't isa.
Tama siya, bihira naman kasi kaming mag-usap. Isa pa, I have my circle of girl friends while he is surrounded by his guy friends.
"Oo nga. Are your parents doing well?" Tanong ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya. "Yes. Though, I think, mas sanay si Dad na nasa munisipyo." Ngumiti lamang siya sa akin at napamulsa.
"Next year na ulit ang election season. Surely, maghahanda na si Tito Sandro para rito," sabi ko. "We might not know, baka magka-alyado na ulit sila ni Daddy."
Despite the uneasiness I feel for Leander, I still remained casual.
Napakibit-balikat siya. "Hindi ko alam kay Dad. Hindi niya pa naman kasi binubuksan ang usapan tungkol doon."
"Soon, I'm sure he will," sabi ko. I gave Leander a reassuring smile. Sa tingin ko iyon ang kailangan niya ngayon.
"Uy, Leander, Fajline, matagal pa ba kayo d'yang, mag-uusap?" Tanong ni Luiz, isa sa mga kaibigan ni Leander. Nagkumpulan sila sa labas ng classroom habang nagngingitian.
"Oo nga, Leander, kailangan pang mag-lunch ng kaibigan namin," sabi naman ng isa sa mga kaibigan kong si Hannah.
Leander and his friends would eat at the cafeteria habang nasa classroom lang kami kumakain ng mga kaibigan ko.
"Mag-date kasi kayo para solo niyo ang isa't isa," dagdag naman ni Janella.
Pinanlakihan ko ng mata si Janella. Nakakahiya para kay Leander. Isa pa, we're still fifteen years old! Bakit pagnonobyo na ang nasa isipan ng mga lukaret kong kaibigan?
"Janella," saway ko.
"Actually, I'm here to invite you, girls, sa birthday party ko, this Saturday. It's in our house," sabi ni Leander.
"Oh my gosh! Should we bring our swimsuits?" Tanong ni Krystal.
"Of course," sabi ni Leander.
Shit! Nakalimutan kong malapit na pala ang birthday niya! I should buy him a gift, though.
Pwede rin sigurong magpabili na lang ako ng regalo para kay Leander kung may isa sa mga tauhan ni Daddy na tutulak sa Iloilo.
"Siguraduhin niyong pupunta kayo ha," sabi ni Leander.
"Of course, Leander," sabi ni Hannah. "Shet! I'll go for the beach sa likod ng mansion niyo."
"Okay, I have to go." Liningon ako ni Leander. "Fajline."
"Sige, Leander," sabi ko at tumango-tango.
Umalis na rin si Leander. Agad naman akong pinagpiyestahan ng mga kaibigan ko.
"Nanliligaw ba si Leander sa'yo?" Tanong ni Janella.
"What?" Napakurap ako at umiling. "No. We're only fifteen, my god!"
"Naku, naku, Fajline!" Humalukipkip si Hannah. "Halos lahat sa paaralan binabantayan kayong magkatuluyan. Alalahanin mo, Dilaurentis siya and Salvani ka."
"Aywan ko sa inyo," sabi ko.
Biglang tumili si Krystal habang napatingin sa phone. "Or you prefer more mature men?"
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...