Chapter 41

798 31 2
                                    

Sky is red

Three days after the sentence of Domingo de Castro.

"Are you sure with this?" Raphael asked.

Tumango ako. Alam kong may pag-aalinlangan sa kanya at nakikita ko iyon sa nga mata niya.

Ngayong araw ay aarestuhin namin si Alaine Dilaurentis.

We managed to file a warrant-of-arrest. Gagawin ko lahat nang magagawa ko.

This is not just a game of truth. This is has also become a game of power.

"Alam mong hindi natin magagawa ang tests kung hindi natin siya huhulihin," sabi ko kay Raphael. "Kung kinakailangang hulihin siya, aarestuhin natin siya."

Napapailing si Raphael. Hindi niya man sabihin ngunit alam ko ang iniisip niya.

This has gone too far.

But, is it really? I'm just after the truth. Ngayong, malayo na ang narating ko, titigil pa ba ako? Matapos ng lahat ng  pinaghirapan ko? Kung saan malapit na ako sa mithiin ko? Titigil pa ba ako?

No way! Just... no damn way!

All I'm asking is the truth... not a half truth... not a white lie...

But, the truth!

Gaano pa ba kahirap gawin iyon na kinailangan pang tumagal ng isang dekada?

Raphael held my chin and made him look his way.

"Sigurado ka ba rito?" Tanong niya muli.

Napatingin ako sa seryoso at mapangkalkula niyang mga titig... sa kanyang umiigting na panga... sa kanyang makakapal na kilay na bahagyang nakasalpok.

For a moment, all my problems flew and faded. Mayroon sa kanyang nagpapakalma sa akin. Mayroon sa mga tingin niyang nakakapagpakalimot sa mga alalahanin ko kahit saglit lang. Parang nilulunod ng balintataw niya lahat ng aking iniisip –mga pangamba at pag-aalinlangan ko.

Mariin akong napapikit.

No, Fajline! Sabi ko sa sarili.

Baka kung hayaan ko na lamang ang sarili ko ay wala na akong matapos na trabaho ngayon.

Napaiwas ako ng tingin. Iniiwasan ang mga malalagkit niyang titig. "Parang baliw na siguro ako dahil halos lahat ng tao, pinapaimbestigahan ko na. Lahat sila pinagdududahan ko na."

He just clicked his tongue and held my chin to look at him again. "Hindi iyan ang tanong ko. Sigurado ka ba?"

Napaatras ako at napalayo sa kanya. Humalukipkip ako at tinalikuran siya. "Sigurado ako, Phil. Gagawin ko ba ito kung hindi?"

"Sinisigurado ko lang," sabi ni Phil. "Ayaw kong gumagawa ka ng hakbang na hindi mo lubos pinag-iisipan. After the arrest of Domingo de Castro, you've acted rash and aggressive towards the case."

"That's because I've already declared a war against them. Hayag ko na iyong ipinakita simula nang dinakip si Domingo de Castro," sagot ko. "If I can't think faster, move faster... baka maunahan nila ako."

"Ayaw kong mapapahamak ka dahil sa ginagawa mo, lalo na't umaapaw ang galit ni Lysandro kung aarestuhin natin ang asawa niya," sabi ni Phil.

Liningon ko siya. Hindi matinag-tinag ang mga tingin niyang mapanuri at madilim.

Napataas ako ng isang kilay. "Is this how you stop me from my actions?"

Umiling siya. "I'll support you. That's because we have the same aims. But, I'm warning you, as your lover."

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon