Chapter 7

1K 41 3
                                    

The 'Suicide' Excuse

Pag-uwi sa bahay, napasalampak na si Mommy sa sofa. She kicked her shoes away. Hinilot niya ang kanyang sentido. Alam kong masyado siya bigo
ngayon.

I never dared comfort my mother. Mas mabuting huwag siyang lapitan o anupaman. My father's feature was very dominant in my traits. Being a Salvani is more evident than being a daughter of Saminah Adela-Salvani. However, if we had one thing in common, that is we both hate to be comforted.

"Ma'am Fajline? Kumusta?" Bulong ni Manang Ami, ang aming kasambahay. Kinakabahan ang kanyang mukha habang nakatingin sa ina ko.

"Nothing good happened, Manang," simple kong sagot. Ako ay nabibigo rin dahil kahit ako nararamdaman kong kami ang tagilid sa kaso. Ngunit, sa ngayon, kailangan kong maging mas kalmado.

"Ay..." Napabuntong-hininga si Manang Ami. "Paano na po 'yon? Makukulong pong inosente si Sir?"

"Manang Ami!" Tawag ni Mommy. Narinig niya yata ang pag-uusap namin. Alam ko ring naiirita siya kapag nag-iisip siyang may nag-uusap sa likod niya.

"O-opo?"

"Maghanda ka ng hapunan. Please lang," utos ni Mommy.

"O-opo, Ma'am Saminah," maingat na pagsagot ni Manang Ami at bumalik sa kusina.

"Mom, pagtitimpla ba kita ng kape?" Tanong ko.

"Huwag na, Fajline," sagot ni Mommy.

"Okay, Mom," sabi ko. Magbibihis pa ako.

Paakyat na ako sa hagdan nang tinawag ako ni Mommy.

"Fajline?"

"Yes, My?"

"Can you get my laptop sa drawer sa bedside table sa room namin pagbaba mo ulit mamaya?" Tanong ni Mommy.

"Sure, Mommy," sabi ko.

Pagdating sa kwarto ay saglit akong napahilata sa kama. Napabuntong-hininga ako sa lambot ng matres na aking hinihigaan. Masyadong naging tensyonado ang mga nakalipas na araw na hindi ako halos mapalagay. I sacrificed my school for my father and who knows, I might get suspended!

Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ko at napabangon muli. Nagbihis ako at pumunta kwarto nina Mommy at Daddy.

Lumapit ako sa bedside table at napatingin sa drawers sa ilalim nito.

Alam kong nasa pangalawang drawer ang laptop ni Mommy. Ngunit, tila may sariling utak ang mga kamay ko. Pinasadahan ko ang hawakan ng unang drawer. Naroon kasi ang laptop at ibang gamit ni Daddy tulad ng paborito niyang relo at iba pa. Hinila ko iyon para buksan.

There was my father's planner. He is quite organize when it comes to time. He makes sure that he was able to plan for everyday. He hates last minutes and rushes. He wanted everything to be neatly laid out.

Naalala ko tuloy ang sabi niya sa akin. If we rush, we become impulsive. We neglect vital conditions, therefore, we are lead to worst consequences.

Dahan-dahan kong kinuha ang planner ni Daddy at yinakap ito ng mahigpit.

I miss my father so much! If only we could go back to those times when I don't have to be absent in class just to see him in court. If only we could go back to those time where I could hug him and not just looked at him restrained with handcuffs.

Saan ba siya nagmadali? When did he became impulsive? What was that vital condition he mislooked?

Ano'ng nangyari at bakit sinasakdal na siya ngayon? What led him to the worst consequence I believe he does not deserve in the first place?

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon