Epilogue

1.6K 54 43
                                    


𝓕𝓪𝓳𝓵𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝓪𝓷𝓪𝓻𝓻𝓪 𝓢𝓪𝓵𝓿𝓪𝓷𝓲

Unexpectedly, a Happy Ending

Ilang oras na at hindi pa nagigising si Raphael. Mariin akong napapikit pinipigilan ang luhang walang tigil sa pagpatak.

"Raphael, please, gumising ka na..." Bahagyang pumiyok ang boses ko. Hindi ako makakampanta hangga't hindi pa siya nagigising. 

The doctor assured me several times. Mabuti na lang at hindi puso niya ang natamaan. Mabuti raw at agad siyang dinala sa ospital. He survived the gunshot...

Ngunit, sana magising na siya...

Sariwang-sariwa pa sa memorya ko ang nangyari noong gabing iyon. Ang lahat ng pwedeng masamang mangyari ay nangyari sa mismong gabing iyon. 

"Sera? Ano'ng pinagsasabi mo?" Tanong ko sa humahagulhol na Sera.

Agad ko siyang yinakap. 

Miguel at Luiz lamang ang kanyang bukambibig. Napatingin ako sa baba ng bangin. May kataasan ang bangin at ang ilalim nito ay dagat na.

Kung sa tubig si Miguel bumagsak, paniguradong buhay pa siya. I trust him. Kaya niyang lumangoy papuntang dalampasigan. Ngunit, may posibilidad ring sa mababatong parte siya bumagsak...

Napailing ako sa sarili. Hindi... Buhay pa si Miguel.

Napalingon ako kay Raphael. "Phil, let's split --Nasaan si Raphael?!" 

Parang nalaglag na ang puso ko nang hindi na pala namin kasama si Raphael.

"May pumutok kung saan, sinundan niya..." sabi ni Gabriel.

"Gabriel..." Napatayo si Sera at lumapit kay Gabriel. Hindi matigil-tigil ang kanyang paghikbi. "Please... Hanapin niyo na si Miguel... Pakiusap..."

Napahawak si Sera sa braso ni Gabriel, nagmamakaawa. "Dalian niyo, please..."

"Kasalanan ko 'to..." Dagdag pa niya.

"May inutusan na akong tauhan para hanapin si Miguel," sabi ni Gabriel. 

Napatayo ako sa damuhan. "Eh, si Phil? May kasama ba siya?"

Napatingin si Gabriel sa akin. Hindi makapagsalita. Alam ko na kaagad kung ano'ng sagot.

Saktong umalingawngaw ang putok ng baril sa buong kagubatan.

Parang biglang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Ang aking paghinga ay natigil na rin. Agad akong ginapang ng kaba.

Raphael...

Agad akong tumakbo pabalik sa kagubatan. Raphael...

Nakarinig ako nang sunod-sunod na pagputok.

Mas binilisan ko ang pagtakbo. Hindi na ako makapagsalita at nakapokus na lamang ako sa paghahanap kay Raphael sa gitna ng kagubatan.

Namamawis na ako ng malamig at mas lalo lamang naghurumentado ang aking puso.

Sinundan ko ang putok. Nahanap ba ni Phil si Leander? 

Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita si Raphael, naliligo ng sarili niyang dugo sa damuhan.

Hindi ako nakapagsalita. Naumid ang dila ko. Masyado akong nabigla sa nangyari na hindi ko alam kung ano na ba ang susunod kong gagawin. Parang tumigil na lamang lahat-lahat para sa akin. Hindi ko na maayos na naiproseso sa utak ko ang nangyayari.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon