Chapter 37

822 32 14
                                    

A Promise under the Dark Skies

Tumawa ako upang maibsan ang kabang nararamdaman. Nakita kong napatiim-baga si Raphael.

"Bakit ang biglaan?" Tanong ko.

His confession is all of a sudden. It's all of a sudden! Ni hindi ko nga lubos maiproseso sa utak ko ito.

Aaminin ko. Raphael Vernan is one of the successful bachelors left in the market here in Iloilo and, maybe, the whole of the Philippines! May mga katangian siyang hahabulin talaga na mga babae. He has everything a woman wants. He's even too ideal.

Aaminin ko ring may mga katangian siyang nagustuhan ko rin.

"Biglaan ba?" Aniya at napaiwas ng tingin.

Napanguso ako ng makita siyang napakagat-labi. Hinanap ko ang mga tingin niya ngunit umiiwas na ito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi makatingin nang diretso si Raphael Vernan dahil sa hiya niya.

Hindi siya marunong sumuyo ng babae, ano? Sa estado at tindig niya, babae naman ang atat na sumuyo sa kanya eh!

Hindi matigil ang puso ko sa pagwawala. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa... kung bakit parang may kulisap sa tyan ko.

I pressed my lips refraining myself from the threatening giggle.

Bakit ba gusto ko yatang tumawa? Umiinit na rin ang mukha ko sa pagpipigil ko sa sarili.

I want us to be serious as possible ngunit bakit hindi ko magawa?

If I lack the self-discipline, baka kanina pa ako hindi makatago ng emosyon.

"Hindi mo lang siguro nahahalata," sabi niya.

Nahahalata? Ano ba ang iba sa mga kilos niya? Everything that we do together has always been for a reason!

"Lahat kaya nang ginagawa natin para sa plano. Saan mo sinisingit ang panunuyo mo sa akin, ha?" Tanong ko.

Manhid na kung manhid pero hindi ako ang tipong nag-iisip ng malisya sa lahat ng bagay.

"Kung hindi kita gusto, hindi na kita ihahatid sa bahay mo tuwing nagagabihan ka sa trabaho. Kahit hayaan kita alam ko namang kaya mong ipagtanggol ang sarili mo mula sa pagbabanta. Kung hindi kita gusto, I don't mind if you get in trouble," he said so fast.

Bakit mas mabilis pa siyang magsalita ngayon?

"Bakit ngayon lang?"

"Do you really think I would confront you with this immediately?" His eyes was on me. He looked at me ardently. "Sa tingin mo ba pipiliin kong makahadlang at makigulo sa mga plano mo? Remember that I swore to you!"

Alalang-alalang ko pa iyon. Right after my pre-Law, I entered Law school in Manila.

Doon din ako nakapagtrabaho at review para sa BAR. Hindi ko rin alam kung bakit nagtuturo siya sa BAR takers doon. They said that the review center I was in was affiliated to Vernan Law Firm. Top BAR exam passers are hired by the firm immediately.

Sa kaso ko, nalaman ni Phil na anak ako ni Fajardo Salvani. Well, my surname says it. I was young and fiesty. Masyado pa nga akong matapang upang sabihin sa kanya noong walang kwenta ang abogado nila dahil pinaglaban nila ang mali!

"I swear I'll help you. Hindi kita hahadlangan kung may gusto kang patunayan."

Iyon ang sinabi niya sa akin. Sa matagal na panahon, sinuportahan niya lang ako.

"Alam kong ang ama mo ang nasa puso at utak mo ngayon," sabi niya pa. "Sa ngayon, susuportahan kita. Hihintayin ko hanggang matapos lahat ng ito."

Napalunok ako. He said it so sincerely and passionately that almost melted me insides.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon