Chapter 49

1K 31 11
                                    

ℛ𝒶𝓅𝒽𝒶ℯ𝓁 ℐℊ𝓃𝒶𝓉𝒾𝓊𝓈 𝒱ℯ𝓇𝓃𝒶𝓃
Long-buried Past

"Naniniwala ka bang si Tito Fajardo ang pumatay sa ama natin?" Tanong ko sa mga kapatid ko.

Tumawa si Miguel habang nanatiling tahimik ang panganay naming si Gabriel.

Natanong ko na rin ang parehong tanong sa aming ina. Ngunit, pinagalitan niya lang ako. Aniya'y mas paniniwalaan ko pa raw ang kriminal na iyon.

Naiintindihan ko naman si Mommy. She's grumpy. Hindi ko na rin kailanman sinubukang buksan ang paksang iyon sa harap ni Mommy.

"Are you believing that man, Phil?" Tumaas ang kilay ni Miguel. He chuckled sarcastically.

Napalingon na lamang ako sa karagatan ng Sulu. Eversince, I have never stepped on the grounds of Tobias Fornier. I spent half of my life in Manila or the city of Iloilo. Palaging sabi pa ng yumao kong ama ay wala nang ibang susunod sa yapak niya sa politika kung hindi ako. Gabriel pursued the field of Information and Technology while Miguel runs our chains of schools and university.

In my own opinion, Miguel will be the best candidate but he will have so many things under his care so he doesn't want the legacy.

Umigting ang aking panga. Pinuntahan namin si Fajardo Salvani sa kulungan. Lahat ng galit namin ay isinantabi namin at hinarap ang pumatay sa ama namin.

The evidences were strong. Kahit igiit niyang inosente siya, ang mga katibayan mismo ang uudyok sa kanya pababa... didiin sa kanya.

"He was pretty convincing," I said, simply.

Kapag nasa korte, wala siyang sinasabi. Fajardo Salvani would refuse to speak for himself or speak against himself. Wala siyang ginagawa. Ngunit, nang kinausap namin siya. Wala akong nakita kung hindi ang pagiging totoo niya.

Naaalala ko nga ang sinabi niya sa amin.

"Wala akong gagawin ngunit totoo ang sinasabi ko. It doesn't matter if they believe the story they want to believe in. Gusto ko lang malaman niyo ang katotohanan. Hindi ko pinatay... hinding-hindi ko kayang patayin si Simeon. Kung hindi niyo ako kayang paniwalaan, kaya kong kitilin ang sarili ko."

Those were the exact words from him.

He did not kill my father and he's willing to kill himself.

"Don't let liars deceive you easily, Raphael," Gabriel warned.

"Tama si Gab, Phil," dagdag namin ni Miguel. "Unless he'll mean what he says, I'll have to reconsider."

Tinapunan ko si Miguel nang malapunyal na tingin. Hindi niya pa rin ba alam? Bumaling ako kay Gabriel. He shifted, uncomfortably.

Kinuha ko ang tabloid na kanina ko pa hawak-hawak at inilatag sa harapan ng aking kambal.

Hindi ko pala inilatag. Hinampas ko ito sa mesa sanhi kaya nagalaw ang tasa ni Miguel. Natapon ng kaunti ang iniinom niyang kape.

"What the fuck, Phil!" Angil ni Miguel. Nagsabungan ang kanyang kilay habang matalim akong tiningnan.

"I think you really need to reconsider," said I.

Kinuha ni Miguel ang tabloid at binuklat ito. Binasa niya ang article sa loob.

Mula sa iritasyon, nabahiran ng gulat ang kanyang mukha. Pinanood ko siyang kinuyom ang kanyang panga habang napapailing.

"Fuck?!" Malutong na mura ni Miguel. Napailing siya at hindi makapaniwalang binasa ang laman ng tabloid.

Alam kong nabigla rin si Gabriel sa nangyari ngunit nanatili lamang siyang kalmado at walang imik.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon