Powerless
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari basta nang umagang iyon, nakatitig lang ang mga kaklase ko sa akin.
Hindi naman sa inaaway nila ako. They just act very indifferent. Kapag nagtatanong ako, matipid na sagot lang ang nakukuha ko sa kanila.
Napapatingin ako kay Leander ngunit iniiwasan niya ako. Nagtataka tuloy ako. Galit ba siya dahil hindi ako nakapunta sa birthday niya?
Kung hindi inis, awa ang nakikita ko sa mga mukha nila.
"Okay lang ba kayo?" Tanong ko sa mga kaibigan ko habang nagre-recess kami.
Nagkatinginan muna sila bago magsitanguan. Kahit nagtanong na ako hindi ko pa rin nabasag ang katihimikan. Patuloy silang tahimik na kumakain.
"We should've asked you that question instead, Fajl," sagot ni Hannah. Seryoso niya akong tinitigan at nagdadalawang-isip pa kung magpapatuloy sa sasabihin niya.
Kumunot ang noo ko. "I'm perfectly fine," I said and nodded.
Suminghap si Janella at kinagat ang sandwich niya."Hindi mo pa nabasa, ano?"
"Ano ba ang dapat kong basahin?" Tanong ko balik.
"Gosh, Fajline. You have not read the newspapers today? It's not you!" Sabi ni Krystal.
I might act like an old man, reading newspapers at breakfast. Ngunit, ngayong araw, walang ibinigay sa akin ang kasambahay. Sinabihan ko naman silang huwag muna.
Walang kwenta ang dyaryo ngayon. They were all talking about my father being a corrupt mayor. That's entirely a false allegation! Binaliktad siya ni Tito Sandro!
"Ma'am Fajline! Ma'am Fajline!"
Napalingon ako kay Kuya Eddie. Hingal na hingal siya at nakatayo sa paanan ng pinto.
Tumayo ako. "Excuse me," sabi ko mga kaibigan at pinuntahan si Mang Eddie.
"Manong, bakit ka andito?" Tanong ko. "May emergency ba sa bahay?"
"Pinapaexcuse ka po kasi ni Ma'am Saminah ngayong araw. Kailangan ka po sa bahay niyo," sabi ni Mang Eddie.
Lumabas na ako sa school matapos 'nun. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero ang alam ko ay emergency ito. Hindi ko na tinanong si Mang Eddie dahil mas pipiliin kong sa bahay na lamang.
"I'm not running away, Saminah!"
Naabutan ko si Mommy at Daddy na nagtatalo. Ang nanay ko ay tumatangis na habang nananatiling kalmado pa rin si Daddy.
"We have to, Fajardo! Nagmamakaawa ako sa'yo!" Sabi ni Mommy.
"A-ano'ng nangyayari?! Is this about the corruption cases charged against him?" Tanong ko. "My father is not guilty. There's no reason to flee—" I was abruptly stopped in the midst of my words. Ang mga mata ko'y nanlaki nang makita ang mga kamay ni Daddy. Duguan ang kanyang mga kamay. Kahit ang kanyang damit ay nadungisan ng putik at dugo.
"Dad?!" I looked at him questioningly.
Tila wala sa wisyo ang aking ama. Alam kong ayaw niyang makita ko siyang ganito.
Lumapit sa akin si Mommy. Yinakap niya ako ng mahigpit habang humihikbi.
"Magbihis ka na, anak. Bilisan mo. Tutulak tayo sa Negros, enseguida!" Ani Mommy. "Mary, tulungan mo si Fajline mag-ayos."
"What is happening? Sabihin niyo sa akin!" Sabi ko. Wala akong hinihinging iba kung hindi ang eksplanasyon nila. Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Nanlalamig ako at hindi makagalaw.
I looked at my father. His eyes were dull. Hindi ito si Daddy...
"Fajline, please!" Ani Mommy at natataranta na.
"Mommy..."
"Fajline!" Tumaas ang boses ni Mommy. Galit na galit na si Mommy. I never seen my mother this frustrated.
"Ma'am Fajline, halika na po!" Ani Mary at hinatak ang aking braso.
Agad akong pinabihis ng kasambahay namin. Ang mga gamit ko ay nakaimpake na. Handa na kaming umalis.
Pagbaba ko sa aming sala ay nandoon na ang mga pulis. Si Daddy ay nakaposas na. Hindi man lang siya nanlaban.
"Daddy!" Tinakbo ko ang ilang palapag na hagdan. Wala akong pakialam kung malaglag ako. Gusto ko lang puntahan si Daddy.
"Daddy!" Bigla akong yinakap ni Mommy. Wala man lang si Daddy na ipinakitang emosyon.
"Bakit niyo inaaresto ang tatay ko?" Napakuyom ako ng kamao. Nararamdaman ko na ang mga kuko kong nakalibing sa aking palad.
"He is arrested for the murder of Simeon Vernan," the chief police answered. "And the use of drugs."
Napatingin ako kay Daddy. "Hindi killer si Daddy at mas lalong hindi siya drug user!"
I was waiting that my father will look at me. Hinihintay kong igigiit niya ang akusasyong iyon. Ngunit, nakatingin lang siya sa sahig. He was blankly staring at the floor. Parang hindi siya ang ama ko. Tila wala siya sa wisyo. He seemed to be a different person. Hindi ko alam kung lumipad ba ang kanyang bait o ano. He did not even defend himself. He was like a doll, very hollow... very empty. Hindi siya nanlaban. Sumunod lang siya sa police na parang makinang hindi marunong mag-isip.
Nanood lang ako kay Daddy. Hindi ko man lang siya nayakap. Hindi ko man lang narinig ang katotohanan sa kanya. Nagsimulang manlabo ang aking mga paningin. Ang ang aking maiinit na luha ay nagsimulang bumagsak isa-isa.
Ang puso ko ay naninikip at napasinghap na lamang ako dahil hindi ako makahinga. Si Mama naman ay yakap-yakap ako at humahagulgol.
"Bakit, Ma?" Tanong ko.
"It was all a frame-up, Fajline!" Paulit-ulit na sinabi ni Mommy sa gitna ng kanyang mga hikbi.
Masakit sa loob na ito ang ginawa kay Daddy sa kabila nang lahat. Masakit sa loob na hindi man lang si Daddy nanlaban o dinipensahan ang kanyang sarili.
Mas lalong nasasaktan ako. From that day on, I started to feel powerless. Dahil hindi ko naprotektahan ang ama ko.
🥀
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...