Chapter 28

750 29 7
                                    

Mga Tanong na Hindi Nasagot

"Gabriel," bungad ni Miguel sa nakakatandang Vernan. Sinuklian naman ni Gabriel ang pagbati nang simpleng tango.

Pagdating namin sa penitentiary ay nandoon na si Gabriel Vernan at ang asawa niya.

Bumaling ang tingin ko sa asawa ng panganay na Vernan. I don't want to be rude. Ngunit, una ko talagang napansin ang agwat ng height nilang dalawa.

I don't mean to criticize his wife for being short, though. Napayuko ako at napakagat labi. Bakit ba walang kwenta ang naiisip ko?

"Attorney Fajline Salvani." Inangat ko ang tingin ko kay Gabriel. "It's nice to finally meet you."

He offered his hand which I gladly took. We, then, shared a formal handshake.

"My pleasure, Mr. Gabriel Vernan," I responded.

"This is Nazrene Vernan, my wife," pakilala ni Gabriel.

"Nice to meet you." Si Nazrene naman ang naglahad ng kamay. May tipid na ngiti sa kanyang labi.


"Kaya hindi nag-abogasya ang Kuya namin," sumabat na naman si Miguel. "Nagmamadali kasing magpakasal."

Saglit ko siyang sinulyapan. Nakangiting may halong panunuya na naman siya!

Hayst! Una ko siyang nakilala, nagaguhan talaga ako sa kanya. Ikaw ba naman tinayaan ng baril? Ngunit, nasanay na rin ako sa presensya ni Miguel.

Nasanay na rin siguro ang mga kakambal niya at si Nazrene. Kaya naging mutual na understanding nang huwag na muna siyang pansinin.

Ngumiti ako balik kay Nazrene. "Nice to meet you, too, Mrs. Vernan."

Nazrene let out an uncomfortable laugh. "Nazrene na lang. I'm not really used to being formal."

Hindi tulad ng buhok kong maalong lagi ko namang mahigpit na tinatali, hinahayaan lang ni Nazrene ang mala-telephone wires niyang buhok na nakalugay.

Still, she looked beautiful. Her hair... very manageable. Kung hinayaan kong nakababa ang buhok ko, hindi na aabutin ng trenta minutos, bruha na ako!

Tumango lang ako. "O, sige..." Gusto niyang maging kaswal ang interaksyon naming dalawa ngunit pormal kasi akong tao...

"Oo nga naman, Fajline. Malapit na rin kayong maging maghipag," hirit na naman ni Miguel.

Gusto ko nang mapairap! Pwede bang batukan ko na lang itong si Miguel?

"Miguel, pwede ba?" Saway ni Phil na mukhang nauubusan na nang pasensya sa kapatid.

"Handa nang tanungin si Domingo de Castro sa interrogation room," sabi ni Gabriel. "Siguro ay kailangan na nating tuluyang isara ang kasong matagal nang nakatiwangwang."

Kahit gusto kong sugurin na si Domingo de Castro upang tanungin siya kung bakit niya nagawa ang ganoong krimen, hindi ko pa rin ginawa. Minabuti kong pigilan ang sarili ko. I think the first people to face the culprit are the sons of Simeon Vernan.

Napaupo ako at napatingin sa pinto ng silid na pinasukan ng mga Vernan at kung saan si Domingo de Castro.

Ilang beses ko binasa ang mga salitang Interrogation Room na nakalagay sa taas ng pinto.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon