Chapter 35

820 35 2
                                    

Sorry, Love and Merciful Rejection

"Leander, salamat," sabi ko. Buong maghapon, hiningi ni Leander ang oras ko.

Ngayong araw, half day naman ako sa firm kaya pinaunlakan ko na lamang ang kahilingan ng isang kaibigan.

Kaibigan.

Habang nasa cafe resto kami ay napag-usapan namin ang mga nangyari noong mga bata kami. We talked about how we enjoyed our normal life in the town of Tobias. Inalala namin ang paglangoy namin sa dalampasigan ng Puntahagdan tuwing sabado ng hapon. Inalala namin ang public school na pinag-aralan namin bago kami umalis doon at nagkanya-kanyang mamuhay malayo sa Antique.

Napangiti ako at napatawa sa mga kwento namin ng nakaraan. Ngunit, kapag naaalala ko ang nakaraan, napapawi ang ngiting iyon. Napapawi ang munting kasiyahan sa puso ko. Kaya sa huli, ang mga ngiti ko'y naging hilaw at ang mga halakhak ko'y naging bahaw.

Matapos ng tanghalian ay napunta kami sa isang museong kalapit nito. Hindi tulad ng ibang museong, dinadagsa ng mga turista, halos tago at minsan lang puntahan ang museong ito.

"Naranasan mo na bang maghabi?" Tanong niya sa akin.

Pareho kasi kaming napatingin sa manniquin na nakasuot ng baro't sayang yari sa hablon. Ang isang manniquin naman ay pinasuot ng patadyong. Ang isa naman ay yari naman sa pinya ang ang kanyang kasuotan.

Napatingin ako kay Leander.

"I did," I said, proudly.

Tumingin sa akin si Leander. Pinaghalong bigla at mangha ang kanyang reaksyon. Napailing ako sa kanya.

"Ano ka ba, Leander?" Sabi ko. Ibinalik ko ang tingin sa mga kasuotang yari sa hinabing hibla ng pinya, cotton at kung ano pa. "Hindi ba magkasama tayo noon?"

"Talaga?"

Natigil ako sa kanya at napakurap-kurap. Nagtataka kong tinitigan si Leander na mukhang walang alam tungkol dito.

His looked at me, perplexed.

"Remember, when we went in a remote area in Bagtason?" I said. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit alalang-alala ko pa iyon.

His expression turned from confused to completely lost already. Kumunot ang noo ko. Bakit hindi ito nakakaalala? Hindi si Leander makakalimutin!

Napamaywang ako sa kanya. "My mother was once a tourism officer in Antique's provincial tourism office, di'ba? Sumunod ka sa amin noon, Leander."

He only gave me an apologetic look. He shook his head. Clearly, he can't really remember.

"Nevermind," I sighed.

Napakamot siya ng batok. "Pasensya talaga, Fajline."

"Okay lang, Leander," sabi ko.

Bakit ko pipilitin ang memorya niya? Probably, it was one of his memories that he found insignificant and have discarded years ago.

"Fajline..."

Napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at umiwas ng tingin. Napakagat-labi siya.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon