Useless
"Fajline..." Bungad sa akin ni Raphael.
Napalingon ako sa kanya. Kanina pa ako nakatingin sa mga papeles at reports habang nakahalukipkip. Kinagat ko ang labi ko habang napapailing ako sa sarili.
We're currently staying in the house of Vernan. Hindi kami maaaring makalayo sa mga Dilaurentis. Masyadong kritikal na ang mga nangyayari.
"Isang linggo nang hindi pumapasok sa university si Sera. Huling pagkikita nila ni Miguel ay nandoon sa restaurant nang makita natin ang kapatid niyang kasama si Mydeva Divinagracia."
Napatingin ako sa kanya. Ang mga tingin niya ay nananatiling seryoso at madilim. Ngunit, ngayon nakikita ko na ang pagod sa mga mata niya.
Marahil, ganoon din ako. Sa ilang araw, hindi ako makatulog ng maayos. I've been restless. Minsan sa kalagitnaan ng gabi ay napapatawag ako kay Raphael na hindi rin pala makatulog tulad ko.
Binaba ko ang tingin ko sa hawak niyang itim na folder. "Alaine's fingerprint did not match, right?"
Mas lalong nanlumo ang mukha niya. Umigting ang panga niya at napatango.
Hindi ko na kailangang tingnan ang resulta. Wala namang kahina-hinala sa mga tingin ni Alaine at sa pagbagsak ng balikat ni Phil.
The results disappointed him.
"Domingo murdered my father," he concluded and breathe heavily. "Although, the motive was not that strong."
Kahit hindi niya sabihin, halatang-halatang hindi niya kayang tanggapin.
"Mahirap pa rin bang tanggapin?" Tanong ko.
Inangat niya ang mga tingin sa akin. Namumungay na ito at pagod. May bahagi sa aking na-guilty. Did I push him too hard and too far? Are we doing something beyond league?
"You got to clear your father's name. We got the real criminal and sent him to jail," he told me. His voice barely audible and husky. "This is more than enough."
"Hindi naman ito tungkol sa kung sino ang pumatay? Tungkol din ito sa kung sino ang may pakana," sabi ko.
Mga ultimo lang ang kadalasang nakukulong pero paano naman ang mastermind? They get to spare their lifetime from jail! Dahil ano? Dahil hindi nila narungisan ang kamay nila at pinaako sa mga binayaran ang sala nila?
What a system, right?
Lumapit sa akin si Phil. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat na hakbang palapit sa akin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Hinintay ko siyang lumapit sa akin.
He kept walking closer and closer as I waited for him to stop and be satisfied with the distance between us.
"Why does it feel like we're repeating the past where the innocent one was the one that get jailed?" He asked.
I looked at him assuringly. Despite his robust build, large frame and strong personality, he looked like a young boy still doubting his own discernment.
Ako na mismo ang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Napatingin ako doon. They felt rough and cold against my palms. Mas mahaba at mas malaki ang kamay niya kumpara sa kamay ko.
"Domingo will be cleared from murder if the real murderer gets caught. Although, he can't escape from the penitentiary," I told him. "Aside from murder, he was charged with illegal drug use."
"Paano si Leander?" Napatingin siya sa akin. "His fingerprint, did not match anything that was used in crime."
Napatingin ako kay Phil.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...