Hard to Refrain
"Ayon sa imbestigasyon, may pumutok na transformer sa isa sa mga poste sa Brgy. Rima," sabi sa akin ni Raphael.
Sa una, tumanggi siyang sabihin iyon sa akin. Ipinilit niyang huwag muna akong mag-iisip ng kahit anong bagay tungkol sa imbestigasyon. He insisted that he can handle it for me but I refused.
Sa huli, pinagbigyan niya ako.
"Dahil squatter's area ay karamihan sa bahay-bahay ay yari sa light materials. Mabilis kumalat ang apoy," dagdag niya pa.
Napahilot ako ng sentido. "Paano mo ako natagpuan doon? Sinundan mo ba ako?"
Matama kong tiningnan si Phil ngunit umiwas lang siya ng tingin. Napakagat-labi siya, tila nag-iisip kung paano niya ito sasabihin sa akin.
Napataas ako ng kilay. "Raphael?" I questioningly stared at him. "May hindi ka pa ba sinasabi sa akin?"
He pressed his lips in a straight line before speaking.
"Si Miguel..." Napakamot siya ng batok.
Kumunot ang noo ko. "Si Miguel?"
"Nakita ka niyang nagmamadali palabas sa firm. Sinundan ka niya," paliwanag niya.
"Ano'ng lumabas sa imbestigasyon?" Tanong ko.
"There were footages from the highway's CCTV. May nakitang mga taong naka-mask, inayos ang transformer ngunit ilang minuto lamang ay sumabog ito," sabi ni Phil. "Ibig sabihin ay sinadya ito. At nandoon pa malapit sa pinasukan mong daan sumabog."
He stared at me as if telling you should have been careful and aware.
Hindi ko na iyon namalayan. I was so focused on finding Sera that I did not give a damn about anything anymore!
"I was after Sera," I told him.
"It was luring you to get yourself in trouble," he said.
"Kausap ko si Sera, sigurado akong si Sera iyon at may sasabihin siya sa akin," pagpupumilit ko.
Ginulo ni Phil ang buhok niya sa iritasyon. "Fajline, ano ba ang punto mo?"
"Accidents can happen," I said. Hindi naman lahat ng pangyayari ay konektado. May mga bagay na nagkataon lang.
Biglang may kumatok sa pinto. Pareho kaming napatingin ni Raphael doon. Una kong inakala ay isang doktor o nars ngunit laking gulat kong ina ko ang pumasok.
"Fajline!" Bulalas ni Mommy. "Oh my god, hija! Kung hindi ako tinawagan ni Raphael ay hindi ko malalaman ang lagay mo!"
May kahulugan kong binalingan ng tingin si Phil na ngayo'y tahimik na nakatayo sa likod ni Mommy. Saglit lang naman iyon dahil kay Mommy ko na itinuon ang tingin ko.
"There's nothing to worry about, Mom," I told her.
"Just stop being reckless, Fajline!" Pinagsabihan niya ako. "Pwede ka na bang tumigil? I've lost my husband. I can't lose me daughter."
"Mom..."
Gusto kong mapairap. Simula nang nangyari iyon naging masyadong maaalahanin na siya. She rarely agrees in anything and I do.
Since I'm obstinate, what can she do?
"Obstinada!" Aniya at napahilot ng sentido. "Siguro, sapat nang alam nating inosente ang ama mo. The justice for Simeon Vernan can't pay your life, hija!"
"Tama si Tita Saminah, Fajline," sumabat naman si Phil. Kanina pa siya tahimik habang nag-uusap kami ni Mommy. "You can already stay out of this. We can handle this from now on."

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomansaAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...