Chapter 11

976 33 3
                                    

Batas na ang Hahatol

"Seems like walang ginawa si Fenrir Alvia bukod sa pag-supply ng droga sa ama mo," sabi ni Attorney Taverna.

Tinapunan ko siya ng matalim na titig. "Lysandro's not my father," I deadpanned.

"Whatever you say," sabi ni Attorney at napahalakhak. "Pinapaalala ko lang na may fingerprint dito si Mr. Fajardo Salvani. Baka imbes na ipaglaban mo siya, mas lalong inilaglag mo and sarili mon ama."

Humigit ako ng malalim na hininga. "But, the fact that there is an unidentified fingerprint in that paraphernalia suggest that somebody has planned this all along."

"Still, Fenrir Alvia's fingerprint did not match the preserved fingerprint, Fajline," sabi ni Attorney.

Ibinigay ko sa kanya ang ebidensyang nakuha ko mahigit walong taon ko nang nakita. I asked him to preserve the fingerprints in that drug paraphernalia. At ngayon, kinikilala namin kung kay sino ang isang identified fingerprint. Sa lahat ng ebidensiya, ito lang ang mayroong fingerprint bukod kay Daddy kaya siguro inilaglag niya na lamang ito sa ilalim ng papag. Maybe the authority and investigators were paid so that they will choose to omit this evidence kung nakita man nila ito.

That was my purpose for visiting Fenrir. I'm not stupid to speak about parole na alam ko namang imposible dahil sa pinagpatong-patong niyang kaso. I just need his fingerprint that's why I had him touch the picture of his family.

Kahit hindi niya sabihin, instincts niya ang magdidiktang hawakan ang imahe na nagpapakita ng mahalagang bagay sa kanya.

Kung hindi kay Fenrir Alvia, mula kay sino ang fingerprint?

"Fajline..." Tila bumalik ang wisyo kong kanina pa lumilipad nang tinawag ako ni Phil.

"Study the case. Don't just look at it. Mr. Domitillo Hachuela is a very important client," sabi ni Phil.

"I'm studying the case," pangagatwiran ko. "Kagabi pa. Nagre-review na lang ako."

"Sigurado ka?" Napataas ng kilay si Phil. "Alam ko namang atat na atat ka ngayong makipagkita kay Atty. Taverna."

Pinanliitan ko siya ng tingin. "I met with him last night."

Kumunot ang kanyang noo. He pressed his thin, pinkish lips in a straight, grim line. "Where?"

"Sa bahay niya?"

Mas lalo lamang sumalpok ang kilay niya. "Sa bahay niya pa talaga?"

Napailing ako at napairap. "Alangan naman sa opisina niya, hindi ba? It was his day-off, yesterday."

"You really can't wait, Fajline. Kahit sa araw na magpapahinga na ang tao, sinusugod mo pa rin sa bahay niya."

"We've been paying him for years, Phil. Trabaho niya iyon," sagot ko.

"And, the results?" Tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.

"Negative," I said in frustration.

Matapos nang pag-uusap na iyon ay bumalik na kami sa pag-aaral ng kasong nasa harap namin sa kasalukuyan.

Halos sabunutan ko ang sarili ko. I read the same page thrice already! At ni isang salita, wala akong napapapasok sa utak ko.

I'm bothered. In fact, very bothered...

Iniangat ko ang tingin ko kay Phil na abala at nakapokus sa pag-aaral.

"Phil, may I meet Lysandro Dilaurentis?" Tanong ko.

Matama at malamig niya akong tinitigan. Nagtiim-baga siya at napakuyom nang panga bago ako sinagot. "Ako ang makikipagkita sa kanya para sa'yo."

Agad akong napailing. "No, no, no, Phil-"

He cutted me off by clicking his tongue. "His trust for me can break any second he sees you with me. Fajline, you can tell me what to do."

"I need his fingerprint," sabi ko. Kung ipipilit ko ang gusto ko wala namang mangyayari. Mauubusan lamang ako ng mga rason. At, may punto naman siya rito.

Alam kong nuot sa buto ang galit sa akin ng mga Dilaurentis. Kung alam nilang nasa ilalim ako ng Vernan Law Firm, they will surely find a way to kick me out.

"I can get that for you," aniya.

"Baka ibang fingerprint naman ang ibibigay mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ko naman pagtatakpan ang kriminal na baka pumatay nga sa ama ko 'pag nagkataon?" Pagtanong niya balik.

Napakibit-balikat na lamang ako. "Phil, hindi ko alam kung ano'ng nasa isip mo at hindi ako magpapakampante."

"Naiintindihan kita, Fajline." Marahan at malalim ang kanyang boses.

"Talaga?" Tanong ko.

"Yeah."

"Then, will you let me meet him?" I ask in hopes that I can pursuade him.

"No." Agaran at buo ang awtoridad sa kanyang boses.

Inirapan ko na lamang siya. Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin. Ako naman, hindi ko mapigilan ang iritasyon sa aking mukha.

"Lysandro scheduled a meeting with me as his political adviser. He booked us in a restaurant sa isa sa resorts nila sa Antique," sabi ni Phil. "Pwede kang sumunod doon as a tourist. After ten years, no one will recognize you dahil wala ka namang kamukha sa mga magulang mo."

Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit hindi niya ako pinansin at bumalik sa pag-aaral ng kaso ni Mr. Hachuela.

"Fajline..." He said without straying his gaze from what he was reading.

"Bakit, Phil?"

"If Lysandro's fingerprint matches that identified fingerprint from that paraphernalia more than ten years ago, it will be used against him right?" Phil asked, sternly.

Napalunok ako bago tumango. "Yes."

"Kung hindi pala iyon kay Lysandro, kaya mo bang tanggapin na ang ama mo talaga ang pumatay kay Dad?"

Malamig at walang kaemo-emosyon kong tinitigan si Phil. Pareho kaming nakatingin sa durungawan ng kaluluwa ng isa't isa. His hooded eyes looked at me darkly but I never felt threatened.

"I'll still look for that rat, Phil. Kung hindi iyon si Lysandro, then good. Ngunit, kung siya iyon, wala na akong magagawa roon. Batas na ang hahatol," sabi ko.

Sigurado ako sa mga sinabi ko. Siguradong-sigurado.

🥀

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon