Chapter 15

908 37 3
                                    

Matched

"Ano'ng ginawa o sinabi ni Miguel sa'yo?" Tanong ni Phil.

"None of you business," sagot ko.

"Fajline?" Tinaas niya ang kilay niya sa akin.

Napasinghap ako. "Sinabi niyang layuan kayo lalong-lalo na ikaw."

"What did you told him?" He asked again.

Napairap na ako sa kanya. "Sabi ko, papatunayan ko munang inosente si Daddy."

"Iyon lang?"

Pagod ko siyang tiningnan. "Alam kong alam mo kung kay sino nanggaling ang death threat na iyon."

"Miguel told you?"

"I know myself just like how you figured it all out without telling me," sabi ko. "Ngayon pa lang marunong ka nang magtago dahil sa pamilya mo. Paano kita mapagkakatiwalaan, ha?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Fajline, iniiwasan ko lang na patulan mo ang isip-bata kong kapatid."

Tinapik ko ang kamay niya. "Aminin mo na ngayundin. Bakit mo ba ako tinutulungan?" Tanong ko. "Bakit mo ako pinapasok sa firm mo?"

Kinuyom niya lang ang panga nya. Hindi niya sumagot. Sa halip ay iniwas niya ang kanyang tingin.

"Raphael!" I said it like I was ordering him.

Napamulsa siya. Umihip ng marahan ang hangin. Inayos ko ang gumulong buhok sa mukha ko.

Malungkot niya akong tiningnan. "Ano'ng gusto mong sagot, Fajline?" Tanong niya sa malalim ngunit mahinahong tono.

Napalunok ako at napailing sa kanya. Is he asking me if he should lie or not?

"You know I've always wanted the truth," I snapped.

"I believe you." He said simply. Hindi ko nga inasahang iyon ang isasagot niya.

"What?" My forehead creased. I was slightly taken aback.

"You're asking the truth about why I'm helping you, Fajline," he said. "The reason is I believe you."

"Bakit? Your family believes that my father was the killer. Everyone believes my father was the criminal. Why can't you?" Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa akin. Parang may itinatago siya sa akin.

"That would be bandwagon if I believe something everyone believes without proving myself," he said. He smiled meekly at me.

Parang may kaunting kumurot sa puso ko. Maybe this was something I needed. Gusto kong may magsabi sa aking naniniwala siya sa akin. Na tamang ipaglaban ko ang pinaninindigan ko.

"You have not proven anything, Phil. Would it be, also, illogical that you decided to believe me?" I said, rhetorically.

He chuckled. "Can we stop with this fallacies?"

Minsan lang ngumiti si Phil. Seryoso at pormal siyang tao kaya bihira lang siya napapangiti. Siguro napaka-miserable ng mukha ko kaya niya ako napagtatawanan.

"Ano'ng nakakatawa?" Tumaas ang kilay ko.

Naningkit ang mata niya sa kanyang pagngiti. "Your face is wrinkled."

Sumimangot ako. Nonsense! Ganoon ba kakunot ang mukha ko? I agree with him. I can feel the tension on my face but when he pointed that out, I immediately kept a straight face.

Nakakahiya. Baka sabihin 'nun parang lalabas ako sa balat ko sa galit. Na nagpapadala ako sa galit ko. Tinalikuran ko siya.

Hinigit niya ang aking braso. Parang gartner na napaatras ako pabalik sa kanya. I gasped when I lost my balance.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon