Chapter 20

913 38 8
                                    

Won't be Free for Long

"I got you..." He said. His voice was raspy.

Napapikit na lang ako bigla nang dumikit ang mga tungki ng ilong namin.

"Fajline..." Raphael called my name in his soft and breathy voice.

Nararamdaman ko ang mabilis na pag-angat-baba ng kanyang dibdib, ang mabilis niyang paghinga. Habang ako naman kinokontrol ang sarili at halos wala nang hanging pumapasok sa baga ko.

Mabilis kong minulat ang mga mata ko. Nagtagpo ang aming mga tingin. I was looking at him but it seemed like he was looking through me. Hindi niya pa rin ako binibitawan kahit nagkabangga na ang mga ilong namin. His lips were half-open. Ramdam ko ang init ng katawan niya at amoy ko ang minty na amoy ng kanyang hininga. Gayunpaman, kahit parang pagpapawisan na ako sa init, naninindig ang balahibo ng ko.

How can I feel hot and feel the chill at the same time?

This unique feeling is making me uncomfortable but I don't want to end it at the same time. Parang isa sa mga nakakahilong rides sa amusement parks. Para kang masusuka dahil nagsipyestahan na ang mga kulisap sa iyong tyan ngunit ayaw mong matapos dahil ang pakiramdam mo naman ay nakalutang ka sa himpapawid sa saya.

Inangat niya ang isang kamay niya. Ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa aking baywang. He's still not letting me get away.

His other hand cupped my cheek for a sec. His thumb lightly brushed the side of my lips at it moved down and ,now, fits finely between my shoulder and neck.

"Ayusin mo rin ang buhok mo baka sabihan ka ni Leander na para kang aswang," aniya at sinuklay-suklay pa ang nakalugay kong buhok. Tinapik ko ang kamay niya at ako na ang nagsuklay ng buhok ko habang umaatras ako palayo sa kanya.

That's why I tightly tie my hair most of the time. I'm aware that my hair can be very messy!

Isang malapunyal na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Minsan ko na ngang hayaan ang buhok kong nakalugay, tinawag pa akong aswang! Bwiset!

"Gwapo ka sana pero hindi naman romantiko," sabi ko at napahalukipkip. Kung hindi tatandang binata ito, baka babae ang manliligaw sa kanya.

Umiwas siya ng tingin at napamulsa. Hindi siya naka-suit and tie tulad ng lagi kong nakikita sa kanya. He was wearing a v-neck black shirt and a camo shorts. He's looking like a normal boy pero may tindig pa rin. He still has his dark demeanor surrounding him though.

Allure has always been associated with the moon. But, I'd say, he's the dead planet, Pluto.

He's cold... dark... mysterious... distant... perilous... and little devilish?

And, right now, his stares are just damn deadly!

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"I was invited over... by Lysandro," aniya. May mahabang tigil pa siya bago niya sinabi ang pangalan ni Lysandro.

"A dinner?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

Napalunok ako. "Okay. Uuwi na ako," sabi ko at umikot na.

"Uuwi ka sa Iloilo? Alam mo ba ang sakit sa ulong idinulot mo sa akin kanina?" Tanong niya.

"I can call all my clients and apologize to them, one by one," I said coldly. "Bukas na bukas gagawin ko iyon."

"Tutal, nandito ka naman. Would it be better if you get to finally meet your enemy?" He asked, smirking.

Iyang mga ngiting iyan. Ngiting pilyong demonyo!

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon