Burning Down
Zone 32
Brgy. RimaWhat the hell is Sera doing in a squatter's area?
I don't know if I should commend her for choosing such a hiding place though!
Nagmamadali akong lumabas sa firm at pumara ng taxi. Hindi ko naman alam kung saan itong address makikita sa syudad. Commuting is something the least I know about!
Bahay, firm, simbahan, mall at Hall of Justice lang ang alam ko!
Pagsakay ko sa taxi ay agad kong sinabi ang address na ibinigay sa akin ni Sera.
Ang taxi ay pumasok sa downtown at dumaan sa likod ng isang public market. Napapakagat-labi ako at hindi mapakali habang nakaupo. Parang sinisindihan ang pwetan ko.
Patience, Fajline! Patience! I told myself.
Ngunit, unti-unti na akong nauubusan ng pasensya!
"Kuya ganito ba talaga ang traffic?" Tanong ko. Masikip ang daan at ang daming sasakyan pang nagsisiksikan.
"Hindi naman po, Ma'am. Ngayon lang," sagot niya.
Ugh! I'm losing my patience!
"Malayo pa ba rito ang Brgy. Rima?" Tanong ko sa taxi driver.
"Malapit naman po."
"Pwedeng lakarin?"
"Opo." Tumango-tango ang driver. Tinuro niya ang isang simbahan hindi kalayuan. "Katapat po ng simbahan na iyan po ang baranggay na sinasabi niyo."
Nandoon lang naman pala. Nagsayang pa ako ng kalahating-oras kakaupo lang dito!
Kumuha ako ng pera at ibinigay sa driver. "Keep the change. Thank you."
Bumaba ako sa taxi at naglakad sa footwalk. Mas mabilis pa akong makakarating doon kung maglalakad ako.
I walked briskly. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at tinakip ito sa aking ilong. Ang baho ng amoy mula sa imburnal!
Eww! Argh!
Hindi ako makapaniwalang kinaya ito ni Serafina.
Mas binilisan ko ang aking paglalakad. Bukod sa nanonoot na baho ng imburnal ay maingay ang busina ng mga sasakyan. Nakakairita! Idagdag pa ang init ng araw na parang susunugin ako.
I can't. I should have bring an umbrella.
Bigla akong napapikit at napatakip ng tainga nang may narinig akong nakakabinging pagsabog. Dumagdag pa ang mga lumalakas na busina at sigawan ng mga tao sa paligid.
The smell of smoke lingered under my nose.
Pagmulat ko ng mata ko nakita ko na ang nagsi-alsa-balutang mga tao. Tumatakbo sila sa iba't ibang direksyon, may takot na nakaguhit sa kanilang mukha. Hindi maiproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Nakatayo lang ako sa gitna ng kaguluhan... litong-lito...
Sa hindi kalayuan, may nakita akong umaapoy at umuusok. Habang palaki nang palaki ang apoy, gayundin ang maitim at makapal na usok.
Shit! What the heck is happening?
"Hala! Ang Baranggay Rima nasusunog!" Nakarinig akong may sumigaw sa kung saan.
It took me a few seconds before I realize what I just heard.
Brgy. Rima?
Una agad na inisip ko ay si Sera. Baka nandoon pa siya sa loob?
Sinubukan kong mas bilisan pa ang aking lakad ngunit mahirap dahil sa taas ng pumps ko.
I can't walk faster! I groaned in frustration.
Napatingin ako sa nude pumps ko. Should I leave it here? Pero masyado namang mainit ang kongkreto. Idagdag pang marumi ang dinadaanan ko. Hindi ko yata kayang maglakad ng walang sapin sa paa.
Napairap ako. Titiisin ko ang pumps o titiisin ko ang mainit at magaspang na semento?
Pumili ka nang mabilis, Fajline!
Napasinghap ako. Ayaw ko sanang gawin ito ngunit kailangan.
Mariin muna akong napapikit. Kaya ko ba?
Hindi na bale! Bahala na!
Napairap ako sa sarili bago kunin ang isa kong pumps. I slammed it hard and fast on the concrete until its heel flew off somewhere. Ganun din ang ginawa ko sa kabila.
From pumps to dollshoes... distorted dollshoes!
Irritated, I stomped my way past the people running away from the fire. Habang sila ay nilalayuan ang umaalab na apoy, ako naman ay pilit na lumalapit sa kapahamakan.
Paano naman si Sera? Baka hindi pa siya nakalabas?
Makitid ang daan at mausok na ang kapiligiran. Patuloy kong tinakpan ng aking panyo ang aking ilong upang hindi makasinghap ng usok. I squinted my teary eyes because of the thick and dark smoke.
Dahil sa dami ng tao, mahirap makapasok. I was struggling. I forced my way in but the people keep pushing me out!
Kailangan kong makita si Sera, ngayundin!
Right now, Sera felt like the truth I've been pursuing for years.
Tumawag siya at handang-handa niyang ipaalam sa akin ang nalalaman niya. Hindi magiging payapa ang isipan ko kung hindi ko malalaman ang alam niya. Kuryoso ako kung kuryoso. Kahit kapahamakan man ang madadatnan ko, wala akong pakialam!
Inilibot ko ang tingin ko ngunit wala akong makita sa usok.
"Sera?!" Sigaw ko habang nakikipagkumpitensya sa hagulgol ng mga tao at sirena sa malayo. "Serafina!"
Ngunit, wala pa ring kwenta ang pagtawag ko. Nakikipagsiksikan ako sa mga tao at wala na akong pakialam kung ano man ang aabutin ko rito.
Sera is the only one that matters as of now.
Biglang may sumabog ulit. Isang nakakabinging pagsabog na halos mabasag ang tainga at ulo ko! Isang malakas na pagsabog na nawalan ako ng balanse at natumba na lamang ako.
Napadapa ako at napangiwi. I felt my elbows and knees scratched against the ground. Nadaganan pa ang binti ko ng dos por dos at plywood. Napasigaw ako sakit nang may nalaglag pang kinakalawang na tubo sa aking tadyang. Halos mapamura naman ako sa sakit nang may mga natatarantang taong umapak sa hita at tagiliran ko. Napabaluktot na lang ako, pinoprotektahan ang aking sarili.
I forced myself to stand up. I have to stand up.
Ngunit may sumabog muli hindi kalayuan sa akin.
Flames cackled as it devour everything on the site.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari pagkatapos.
All I know everything was dark and silent.
🥀
Vote | Comment | Share
Stay safe. Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...