Chapter 14

856 38 4
                                    

She's All Yours

The fact that I never heard a very loud gun shot and can still be able to hear Miguel's demonic laughter means I'm still alive... with an addict.

"I know you're scared," he said in between laughs. Binaba niya ang kanyang baril at itinago sa inside pocket ng kanyang coat.

"I'm not." Pinandilatan ko siya. Hindi ko pa rin binababa ang aking baril.

He laughed again. I can feel the vibration of his voice travel from the gun to my hands. "Hindi mo naman ako pinatay. Akala ko ba babarilin mo rin ako kapag binaril kita?"

"So, hindi ka takot na baka mabaril kita?" Mas lalo lang sumalpok ang kilay ko. Adik talaga!

"Kaya mo ba?" Tanong niya. "Kung nabaril kita, ikaw pa rin naman ang makukulong, hindi ba?"

Napaawang ang bibig ko at napairap na lang. Hindi ako makapaniwala na kapatid ito ni Raphael.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko. "Kung hindi mo pala ako balak na patayin?"

"Sino ka ba?" Liningon ako ni Miguel. "Hindi naman ako ganoon kanabaw na papatayin talaga kita dahil gusto kong maghiganti sa ama mo."

Aba naman! Pinanlakihan ko ng mata ang mokong na kasama ko.

"No offense," dagdag pa niya. "Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko at ang pangalan ko para lang sa isang anak ng kriminal. Killing you will not revive my father."

Isang sampal sa mukha ang ibinigay ko sa kanya. He deserves it for offending me.

"My father is not a criminal," sabi ko.

Napawi ang ngiti ni Miguel at naging seryoso ang kanyang ekspresyon. There was sudden hint of longingness in his eyes.

Katulad nila, nawalan din ako ng ama at alam ko kung ano'ng pakiramdam nang ganoon.

"Walong taon ang nakalilipas, Fajline. Hindi ka pa ba magmo-move on?" Tanong niya. "Maayos na ang buhay namin. Maayos na ang pamilya ng Dilaurentis."

"Hindi kailanman maayos ito kung hindi ko malilinis ang pangalan ni Daddy," giit ko.

"We have forgiven your father, already, Fajline. Natuto kaming tanggapin ang nangyayari."

"Palibhasa kasi hindi ang ama niyo ang nakulong nang walang kasalanan at namatay nang hindi makatarungan," sabi ko.

Nagsimulang magmaneho si Miguel. He took a U-turn. He's driving back to the city.

"You're intelligent, Fajline Salvani, but still not experienced enough."

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nang mokong na ito. I did not even bother to figure it out. Bakit ko pa ba paghihirapang intindihan ang palaisipang wala namang kapunto-punto?

Miguel's phone suddenly rang.

Raphael calling...

Nagkatinginan muna kami ni Miguel.

"Sagutin mo na," ani Miguel.

I tap the green button on the screen and tap on the loudspeak button.

"Miguel!" Phil voice thundered. Kahit hindi namin siya kasama nararamdaman pa rin namin ang presensya niya.

"Yes, brother," sagot niya na para bang wala lang nangyari.

"Alam kong kasama mo si Fajline. Ano na naman ba ang balak mo?" Tanong ni Phil.

Napatingin ako kay Miguel na ngumingisi lang habang nagmamaneho. "Balak? I have no bad intentions, Phil."

Napairap na lang ako. I tsked. Walang balak? Seryoso ba 'to? Wala nga siyang balak bukod sa takutin ako upang layuan na sila.

"Bring Fajline back here, Migz. Just make sure she does not have even the tiniest scratch," sabi ni Phil na ikinabigla ko.

The phone call ended.

Sinulyapan ako ni Miguel. "Narinig mo iyon? Sigurado ka bang hindi mo inaakit ang kapatid ko?" Tanong niya.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong ko balik.

Nagkibit-balikat lamang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Mas mabilis yata ang aming byahe papauwi o sadyang ganito lang talaga ang pakiramdam kapag bumabyahe?

Dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Miguel, nakabalik naman kami agad syudad. Akala ko ba naman ay dadalhin niya ako sa Antique. Iyon pala susubukin niya lang ang pagiging matapang ko sa kabukiran ng San Joaquin!

Mag-aalas quatro y media niya na ako nahatid sa firm. Tapos na ang office hours ko!

"Fajline."

Liningon ko si Miguel habang nagtatanggal ng seatbelt.

"Si Gab ang pinakamabait sa amin," panimula niya.

Ano'ng pakialam ko kay Gabriel Vernan? Gusto ko sanang sumabat ngunit minabuti kong manahimik.

"But, when he was angered he made that person he loved and hated at the same time miserable," sabi niya. "Isipin mo, kung ang pinakamabait sa amin ay nagawang maging bugok. Paano ba kaya ang pinakamatahimik sa amin? Phil always has his agenda hidden in his sleeves. Threatening you was my way of warning."

I have no reason to trust Miguel. I don't absolutely believe him. May ugali naman kasi itong manira ng kapwa. Ngunit, bukas din ang isipan ko sa posibilidad na baka babaliktarin ako ni Phil.

After all, Silent water runs deep.

Pagbaba ko sa sasakyan ni Miguel ay bumungad agad ang nakahalukipkip na Phil. Nakatayo lamang siya at nakatuon ang tingin sa akin. Mapanuri niya akong tiningnan. Napapaiwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ako kumportable roon. Para kasing inaalam niya kung may masama ba kaming ginawa ni Miguel.

Well, may masama nga kaming nagawa. Nagtayaan kami ng baril.

"Phil," ngumisi si Miguel.

Phil stepped down the stairs and tsked in agitation. Alam talaga ni Miguel kung paano bwesitin ang mga kakambal niya. Its the fact that his carefree, arrogant and sly smirk can make your blood boil. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Phil.

"I'm not taking that woman away, Phil. She's all yours," aniya.

Who said I'm somebody's property? Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Miguel.

She's all yours? Ano'ng ibig sabihin 'nun? I'm all Raphael Vernan's to kill?

🥀

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon