It isn't fatal
Matapos arestuhin si Papa, naging serye ng kamalasan na ang buhay ko. Punong-puno ng disappointment at galit.
"My father was drugged! Bakit ayaw nilang makinig?" Sabi ko at halos magwala ako sa harapan ng abogado namin.
"Attorney Taverna, can you please do something?" Sabi ni Mommy.
"Our evidences are too weak, Mrs. Salvani." Attorney Taverna looked apologetically at us.
"Kung may pag-asa man tayong ipanalo ang kaso at patunayang hindi guilty si Mayor Salvani, iyon ay manggagaling sa labi ni Vice Mayor Vernan na pumanaw na," sabi ni Attorney Taverna.
Pinandilatan ko siya. Sa sobrang galit ko at nakwelyuhan ko ang abogado.
"Fajline!"
I don't care if he's a lawyer or a man. "Paano mo kasi maipagtatanggol ang ama ko kung ikaw mismo mukhang hindi naniniwala! We are paying you so do your job correctly!"
"Fajline, bitawan mo si Attorney!" Saway ulit ni Mommy. "Control your temper, hija! Hindi ka nakakatulong!"
"Fajline..." Attorney Taverna removed his hands from me. "I'm a lawyer not a liar. Paano ko maiitama ang ginawa ng ama mo? They have a very strong evidence against us!"
"Can't we find a better lawyer?" Tanong ko. For god's sake!
"Fajline, anak..." Nanlaki ang mata ni Mommy sa akin. Linapitan niya ako at piningut ang gilid ko. "Umayos ka. Siya na nga lang ang tumanggap ng offer ko, hindi ba? Even the best lawyers in Iloilo refused kahit ano'ng taas ng ibabayad ko sa kanila."
"Tinanggap niya lang ang offer dahil mas mataas ka magbayad, My," sabi ko at inirapan ang abogado. "Can't you see he's just dragging the fucking case? Mukhang-pera iyang nabingwit mo eh!"
"Fajline, hindi kita tinuruang maging ganyan!"
"I'm just stating what I think is true, Mom," I told her, candidly.
Hindi ko alam kung bakit hindi si Daddy mapagtanggol ng maayos ng abogadong iyon. I think the lawyer was incompetent enough. Idagdag pa si Daddy na ayaw magsalita upang ipagtanggol ang kanyang sarili.
"Anak, pinatay ko si Simeon. Pinatay ko ang kaibigan ko. Pinatay ko siya... Pinatay ko si Simeon..."
Tuwing binibisita namin si Daddy sa kulungan iyon lang ang bukambibig niya. Parang sirang-plakang inuulit niya iyon.
Awang-awa ako sa ama ko ngunit hindi ko siya matulungan ng husto. Ang kanyang buhok ay namumuti na at magulo. Ang kanyang mukha ay mas lalong kumukulubot na rin. Ang mga mata niyang pulang-pula at namumugto sa kakaiyak. Wala nang siglang kumikinang sa kanyang mga mata tulad noon. Nanlulumo siya. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari kay Daddy.
Tatlong araw pa lamang siya sa presinto ngunit parang ilang taon na ang itinanda niya.
"Dad, hindi ikaw ang pumatay kay Tito Simeon, okay," sabi ko.
"Anak," mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Napapailing at umiiyak dahil nagsisisi siya sa kasalanang pinaniniwalaan kong hindi niya magagawa. "Hindi ko alam pero napatay ko si Simeon. Sabi nila pinatay ko raw. Hawak-hawak ko ang baril at saka... saka...."
"At saka ano, Dad?"
"Naka... Na-na-... Nakahandusay na si S-S-Simeon sa ha-ha-harap ko," sabi niya.
Napatingin ako kay Mommy at Attorney Taverna.
"Mayor, ikaw ba ang kumasa ng baril at pumatay kay Simeon Vernan?" Tanong ni Attorney.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...