Lysandro's Bastard
"We're down to one suspect," Phil said.
Umalis na si Declan Gallejo. Kami na lang dalawa ni Phil sa private room.
Wala nang iba kung hindi si Alaine Dilaurentis.
Kung iisipin, it's sensible. Everything makes sense. Sino nga ba ang kayang protektahan ni Domingo de Castro bukod sa mga pamangkin niya? Wala iba kung hindi ang sarili niyang pinsan. Why would Lysandro exert an effort in keeping this for a long time and jeopardizing his best friend if not for her wife? Paano magagawa ni Serang padalhan ako ng regalong patay na daga at duguang rosas upang takutin ako kung hindi para sa kanyang ina? Why would Leander ask his people to break the brake of my rented car when I was in Tobias if not for Alaine?
Bakit hindi ko siya agad naisip na suspect? Dahil ba sa tingin ko ay masyado siyang sopistikada para siya ang gumawa ng isang krimen?
Kailangan kong mapag-isipan ito ng lubusan.
"Magba-banyo lang ako," sabi ko kay Phil at tumayo.
Tumango siya. May pag-aalala sa kanyang mga tingin.
Alam kong nag-aalala siya para sa akin.
Alaine Dilaurentis? All this time, it's her? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. The short and curly locks of my hair all fled to my forehead making a nest!
Was my hair this messy all this time? Gods! I look lost and devastated! I admit, I did not sleep well last night kaya siguro mukhang stress na stress ang mukha ko. Hindi na makubli ng cosmetics!
I need a re-touch! Kinuha ko ang cosmetic kit ko sa bag habang tinitingnan ang mga dala ko ay napapaisip ako.
Wala akong sapat na ebidensya para panindigang si Alaine Dilaurentis nga ang pumatay. Wala sa pamilya niya ang matched sa unidentified fingerprint sa .38 revolver.
It should be her.
Ngunit, ano'ng motibo niya? Para saan?
So, nagkita kayo ni Kuya Leander?" Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa toilet room.
I stiffened. Inangat ko ang tingin ko sa salamin na doon ko nakita ang repleksyon ni Serafina.
"Yes, we had." I responded
"We had?!" Naningkit ang mga mata ni Sera. Ang kilay niya naman ay nagkasalubong. She looks like she was stuck in the middle of being confused and shocked.
"Behind, Raphael's back? Are you cheating on Phil with my brother?" Diretsa niyang tanong.
She acted like a mother who stalks her son's girlfriend to accuse her of cheating. I can't help not to be amused.
Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang isang lipstick sa kit ko at inilagay iyon sa labi ko. I made sure the color suits me well.
Blood red.
"I guess marami nang nagbago sa atin. I can't believe you will turn out like this! A divorcee. Now, a cheater!" She ranted.
Ramdam ko ang bawat asido ng pagkamuhi sa kanyang mga salita. Ramdam ko ang bawat sinulid ng galit sa kanyang mata.
"I'm here for business matters, Sera." Sabi ko sa kalmadong boses. Sa katotohanan, wala akong oras para pumatol sa bata.
"Business matters? Business lang ba ang meeting niyo ni Kuya? If it is, then what kind of business is it?" She growled like a cat.
Napangisi na lang ako. Sinundan niya ang kuya niyang nandito rin pala. That explains her disheveled hair and a bit sweaty blouse. Huwag niyang sabihing, tumakbo siya?
"Nandito ang kuya mo, Sera?"
Nawala ang inis sa kanyang mukha. Ngayong ay puro gulat at pagtataka na lang ang nakikita ko sa kanyang mukha.
Tila natuod siya sa kanyang kinatatayuan.
Mabilis akong nag-ayos. Kinuha ko ang bag ko at umikot upang harapin siya.
Matama ko siyang tiningnan. Kung yelo lang ang aking mga tingin, marahil ay kanina pa siya nanginig sa lamig.
"Hindi ko alam kung sino sa aming tatlo ang concern mo, Serafina," sabi ko. "Ang Kuya mo bang sa tingin niya may pag-asa siya o si Phil bang akala mo naloloko na dahil baliw sa akin?"
I raised my brow and took one step closer to her. I'll understand if she's insecure. After all, I'm way ahead of her when it comes to Raphael Vernan.
I smirked.
"Or is it me?" Itinuro ko ang aking sarili. "It agitates you to think I can play with the men you want to protect around my fingers, isn't it?"
Or is it Alaine Dilaurentis, your mother?
I sighed, arrogantly. "It's none of my business to know that, anyways."
Linagpasan ko siya at lumabas na sa comfort room.
Halos pumutok siya sa galit nang iniwan ko. Imbes na bumalik sa private room ay pumunta muna ako sa manager ng restaurant.
"Attorney, ano po ba ang problema?" Tanong niya.
Inilibot ko muna ang aking mga mata sa buong restawrant. Wala akong nakitang Leander Dilaurentis. Maaaring umalis na siya o 'di kaya...
Pumirmi ang tingin ko sa tatlong pinto sa gilid. One of the rooms was reserved by us. May dalawa pang natira.
Hindi kaya isa sa mga roon ay irineserba ni Leander?
Napanguso ako at binalingan ang manager. "May nagpa-reserve ba ng isa sa private rooms under Leander Dilaurentis?" Tanong ko.
Hilaw na ngumiti ang manager. "We keep the information about our clients confidential, Attorney."
Alam ko at naiintindihan ko naman. Hindi niya na kailangan pang ipaalala sa akin.
"I know," I said as I fight back the urge to roll my eyes at the manager. "It's just that isa sa kasong pinanghahawakan ko ay may hinahabol kaming kriminal. Isa sa mga kriminal na iyon ay kliyente niyo."
Nanlaki ang mata ng manager.
"You don't want the name of the restaurant or your name to be dragged into the case as an accessory to the crime, right?" I asked. I am not trying to apply Ad Baculum to manipulate her mind. I'm simply showing her the possible consequences.
Agad niyang kinuha ang isang folder at ipinakita sa akin.
"Heto po," aniya.
I saw three names who reserved the room.
Raphael Vernan
Sarah Castromayor
Mydeva Divinagracia
Walang nanditong nakalagay na Leander Dilaurentis. Ngunit, may pangalang nakakaagaw pansin.
Mydeva Divinagracia.
Hindi lamang isang pamilyar na tunog ang pangalan sa tainga ko. Kilala ko talaga siya.
Uy, Leander, Fajline, matagal pa ba kayo d'yang, mag-uusap?
I remember him very well back in the day.
Luiz Divinagracia.
The rumoured Lysandro Dilaurentis's bastard.
🥀
Vote | Comment | Share
I think I'll have to apologize for the typos and wrong grammars you have noticed from the previous chapters. Nag-edit naman po ako pero hindi ko po napapansin at nawawasto ang iba. I'll check on those again as much as possible. :) Stay safe, all!
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...