Best Candidate
"Attorney Salvani, are you on your way?" Tanong ni Phil.
Tumango ako at natawa. "What's with the formality, Attorney Vernan?"
Narinig ko siyang awkward na natawa. Napakagat ako ng labi at napapangiti mag-isang parang timang.
"Work is work, anyways," sabi niya.
Napakagat-labi ako habang naaalala ang nangyari kagabi. The conversation between the two of us was intimate and I was somehow hoping we could keep that mood between us.
Ngunit, aniya ang trabaho ay trabaho.
Hindi ko mapigilan ang nagbabadyang ngiti sa aking labi. Pati ang puso ko'y hindi mapakali.
Today, we're meeting a forensic analyst for the case. Ngunit, hindi sa law firm kami didiretso. Phil and I booked a reservation in one of the restaurants in downtown.
Nakulong na si Domingo de Castro. Marahil ay maraming nag-aakalang tapos ang kaso. Sabi ni Raphael, gusto niyang tahimik lang mangyayari ang imbestigasyon. I respect and agree with his decision. Ayoko ring mas lalo lang mag-ingat ang mga Dilaurentis kapag alam nilang patuloy pa rin ang imbestigasyon.
I want them to act freely. As free as they can. Gusto ko bawat baho't tinatago nila ay malalaman ko.
Ha! Napailing ako sa sarili.
Ngunit, kailan ba sila naging malaya kung buong buhay ay nakakadena sila sa sarili nilang mga kasinungalingan at lihim?
Pagkarating ko sa restaurant ay may mga waitress na bumati sa akin.
"Good morning, Ma'am. A table for one only?" She asked politely and with all smiles.
Matipid ko siyang ginawaran ng ngiti bago napasulyap sa nakahilerang private and function rooms. "No. Raphael Vernan booked a reservation in one of your private rooms?"
"Yes, Ma'am." Tumango-tango siya. Iminuwestra niya ang daan papunta roon. "This way, please."
Pagpasok ko sa pribadong silid na iyon ay naroon na si Raphael nakaupo. Ang mga mata niya ay tulad ng karaniwan... madilim at mapagmasid.
Iniwan kaming dalawa ni Phil.
"Good morning, Attorney Salvani." Napatayo siya at pormal akong binati. Gusto kong mapanguso dahil ang pormal niya... ang karaniwang siya.
Ngunit, kahit karaniwan siyang ganito, hindi ko pa rin maiwasang manibago.
He was tender, caring and sweet last night. Far from what he is today... indifferent, aloof and formal.
"Good morning, Attorney Vernan," bati ko balik, sinusuklian ang pormal na pagtrato niya sa akin. "I hope the Forensic Analyst is on his way."
"Yes," he answered simply. He pulled a chair for me. Napaupo naman ako roon at pinanood siyang bumalik sa kinauupuan niya.
Habang nakatalikod siya ay napanguso ako. We're seated across each other.
Why not beside each other?
"What result are you anticipating, Fajline?" Ha asked.
Result? Anticipating? Ano ba ang dapat kong asahan? Na papatunayan kong walang kasalanan si Leander o ang pamilya niya? O, papatunayan kong isa sa mga Dilaurentis ang may kasalanan?
Inangat ko ang mga tingin sa kanya. Doon nagtagpo ang mga may pag-aalinglangan kong mga tingin at ang kanyang matamang tingin. Tila nakabuo na siya ng desisyon niya at pinaghandaan na ang kung anuman ang resulta habang ako naman...
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...