Chapter 21

849 30 11
                                    

Dapat sa Akin Lang

"Bakit sa lahat ng alibi, iyon ang naisip mo, Vernan!" Gigil na gigil na ako sa kanya.

Nauna akong pumasok sa kwarto ko. All night, I had no choice left. Kailangan kong magmukhang in-love sa kanya. Kaya gigil na gigil ako sa kanya. Nanggigigil ako sa galit! Bullshit!

Hinilot niya ang kanyang batok. "It's part of a plan, Salvani." He said, darkly.

"Kung sakaling kokontrahin tayo ng pamilyang iyon, alam mo bang pwede tayong ma-disbar, ha?"

"Because we made it look like we cheated? Don't worry, on-going na naman ang annulment mo, hindi ba?" Panunukso niya.

Napakurap-kurap ako sa kanya. Nagawa pa talaga niyang manudyo?

I saw him suppress a smile. Argh! Nakakaimbyerna!

"Sabihin na nating kakasuhan tayo, Fajline. We're not getting jailed or getting disbarred because you're not married in the first place," sabi niya. "Kung sinabi mo kasing wala ka naman talagang asawa, mas madali."

"You'd still pretend as my lover, either way." I rolled my eyes. Napahalukipkip ako at tinaasan siya ng isang kilay.

"You have to be my lover. That way you'll look more harmless."

"Oh, really?" I scoffed.

"Kaya pa pumuputok ang butsi mo dahil ayaw mo nang ganoong kasinungalingan?"

"Good that you pointed that out. Magtatanong ka pa kung ano ang ikinagagalit ko, alam mo naman pala," sabi ko. "Bakit kailangang nating magsinungaling?"

"Ano'ng kasinungalingan ang gusto mo, Fajline? Na kayo ni Leander ang magkasintahan?" Patama niya.

"Ano?!" Gulat ko siyang nilingin. Saan niya naman kinukuha ang ganoong klaseng ideya?

"I saw your scrapbook. You're first crush is Leander Gael Dilaurentis, right?"

"Sino nagsabing basahin mo iyon? At kailan ka nagkatyempong hawakan man lang ang mga gamit ko?"

"I'm sorry." He said and bowed on the floor. He ran his fingers through his hair then looked at me again. "You plan to get near, Leander, right? Iyon ang unang plano mo kaya walang ano-ano ay agad mo siyang pinuntahan? What for, Fajline?"

Umiwas ako ng tingin at napasinghap. I just can't stand looking at his intense gaze. Pakiramdam ko matutunaw ako.
"He's an easy target," I said.

"Then, we'll do this together. Sabay natin 'tong pinag-usapan, Fajline. You're part of my plan. I'm part of your..." He paused for a while and sighed. "... whatever your plan is."

"Ikaw lang naman sa'tin dito ang hindi nagsasabi ng plano," patama ko.

"You badly want to know the plan?" Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.

Ang mga titig niya ay nakadirekta lang mga mata ko. Hindi na ako nakapagsalita at napaawang na lamang ang aking bibig.

"Ito ang naiisip kong pinakamabuting paraan. Kapag pinalabas natin na tayong dalawa, Lysandro will think that you're harmless," aniya. "Miguel is also making his own move..."

Miguel? Making a move?

Is that why he's sticking with Sera all this time?

Hindi ko na kailangang magpakahenyo tulad niya. "Iniisip niya na kontrolado niya kayo. If he thinks I'm madly in love with you enough to make me bend unto your wishes, he'll think I'm harmless." Sabi ko at napatango-tango. Naiintindihan ko na ang punto niya.

"Yup." Aniya at napamulsa. "Kaya kailangan mo munang magmukhang inosente. Mas mabuti nga kung umasta kang tanga."

Sumalpok ang kilay ko. "Seryoso. Will you think they'll believe that I'm stupid. I'm a damn lawyer, Phil. Plus, a magna cum laude!"

He flinched with my sudden outburst. "Then, act naïve... blindly in love with me."

Pasarkastiko akong natawa. "Alam mo, Phil? Mas madaling umastang tanga. Ang umastang patay na patay ako sa'yo? Mahirap iyon." Napasinghap ako at napameywang. Saan ako mag-uumpisa? Paano ko ito gagawin ng maayos? Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan makikita ang mapayapang dagat sa ilalim ng nagniningning na tala at maliwanag na buwan. Ang bawat alon ay kumikinang.

I was hoping that the calm sea will calm my nerves but my blood and adrenaline kept rushing!

Natataranta ako sa hindi malamang kadahilanan. Kinakabahan ako. I was preparing to face Lysandro Dilaurentis all these years. Pero ngayong nag-uumpisa nang magkatotoo ang mga plano ko, nakakaramdam ako ng pag-aalinlangan. Parang hindi ako handa...

I felt Phil walked slowly to my side, Our elbows brushing against each other.

"Siguraduhin mo lang na hindi kay Leander ang mga tingin mo," paalala niya.

Napailing ako. Ano'ng kinalaman ni Leander dito? Nalilito ko siyang nilingon at nagkatama ulit ang mga tingin namin.

"Dapat sa akin lang ang tingin mo," sabi niya. "That way, it'll look convincing."

Pinanliitan ko siya ng tingin.

Ibinaling niya ang tingin niya at dumungaw sa bintana. "You might mess up. Baka lumihis ka ng landas-"

"If you think I still have feelings for Leander, I don't. That was just an immature infatuation, nothing more," I told him.

He put his hands behind him. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. His eyes glinted by moonlight. Mas lalo siyang naging seryoso at delikado.

"Mabuti nang magkalinawan tayo," sabi niya. "Just like you, I'm seeking justice for my father."

Napayuko ako. "You can blame me if I fail." Inangat ko mula ang tingin ko sa kanya. Punong-puno na ngayon ang mata ko ng determinasyon.

You should never underestimate, Raphael Vernan. A Fajline Dianarra Salvani will go through hellhole if needed to get what she wants!

Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. "That is... if I fail."

Tinapik niya ang kamay ko. "Humanda ka bukas. Gusto ni Lysandro na makapunta tayo sa bahay nila. He invited us for lunch."

"Okay." Tumango-tango ako.

Then, he left my room.

Raphael...

He's certainly doubting me because of Leander.

And, Leander?

He's a friend. He's a teenage crush.

What I felt for him was just a mere infatuation... an admiration...

Mali pala!

What the young Fajline of the past felt for him...

That was the young Fajline who still believed in fantasies and sweet romance.

Ibang-iba ang Fajline na makikilala mo ngayon.

🥀

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon