Best Liar
"Apparently, Leander Dilaurentis is not one of his uncle's patients," ani Phil.
Phil's people are quite impressive. Nagawa nila nang maayos ang pinapagawa sa kanila.
Binasa ko ang mga reports. Wala nga ang pangalan ni Leander sa mga listahan ng pasyente ni Domingo de Castro.
Useless!
Parang linigaw lang nang paglitaw ni Domingo de Castro ang imbestigasyon.
O baka, sadyang niligaw nila ako?
Gaano katagal na kaya nilang alam ang pag-iimbestiga ko?
Napatayo ako at nagtiim-baga. Napakuyom ako ng panga. Pinagkrus ko ang aking mga braso habang napapaisip.
"Leander is not seeing any doctor here in Iloilo kahit wala na rito si Domingo de Castro." Nalilito kong tiningnan si Raphael.
"He may have done his rehabilitation, Fajline. Or, he has his doctor in Canada or Dubai," sabi ni Raphael. "That is if he had really suffer a psychological or mental issue like you suggested."
If he does not suffer any condition that may relate to making him take drugs and doing a heinous crime, how can he possibly kill a noble man in his own accord? Ayaw kong paniwalaang makakapatay si Leander ng kusa.
Something should atleast provoke him!
"So ano? Hihintayin pa natin siyang mag-abroad ulit?" Tanong ko. "Is that it, Phil?" Hihintayin naming bumalik si Leander sa ibang bansa para pasundan kung ano'ng doktor ang kinikita niya?
Lumapit sa akin si Raphael. Hindi tulad ko, kalmadong-kalmado ang kanyang ekspresyon at postura. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Fajline, gaano ba kalakas ang loob mong may kinalaman ang kababata at kaibigan mo rito?" Tanong niya. "Have you noticed him to be emotionally unstable?"
Napatingin ako sa mga mata ni Raphael. Seryosong-seryoso ang mga titig niya.
Gaano kalakas ang kutob ko?
Hindi ganoon kalakas. May bahagi sa aking ayaw paniwalaan at tanggapin ang posibilidad na makakayanan iyon ni Leander. He has always been a kind guy. I admired him when we were young.
Is Leander emotionally unstable? I've always seen his bright smiles even under the gloomy weather.
Alam kong mabait si Leander. Even the thought of him taking drugs is unimaginable!
Hindi ko pa rin kayang isantabi ang mga sapantaha ko.
Ngunit, gusto ko ring maging lohikal. Gusto kong buksan ang aking isipan sa lahat ng posibilidad o katotohanang matutuklasan ko. Kahit anupaman iyan kahirap...
... para kay Daddy at sa hustisyang pinagkait sa kanya...
"Hindi malakas ang kutob ko, Phil. Pero, kung may ebidensya ako, lalakas ang mga kongklusyong nagawa ko," sabi ko.
Kinagat niya ang labi niya. "I will ask my people to investigate in the hospitals around the the houses of Leander in Canada and Dubai. I suggest a drug test, too."
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...