Chapter 27

797 31 4
                                    

Marahil

"Domingo de Castro is leaving tomorrow. I have his flight details," sabi ni Phil.

Manghang-mangha talaga ako sa sa laki ng koneksyon ni Raphael. Tila, walang takas ang mga taong nakakalaban niya sa kanya. Isang salita niya lang ay nakukuha niya na ang gusto niya.

He's a stoic man. Ni hindi nga siya palangiti, masyado. Ngunit, dahil sa kanyang abilidad at estado sa buhay, marami siyang naging koneksyon.

"A passenger's detail should be confidential," I said. "Pwede ka niyang ireklamo sa korte dahil d'yan."

"I'll pay for the penalty," he simply said.

Gustong ko na lang mapairap.

"Domingo de Castro is under warrant of arrest. Natural lang na hindi siya palabasin sa bansa," sabi niya.

"I'll negotiate with Jared. I'll ask for his men. Nakausap ko na rin ang pulisya. Iko-corner siya sa airport," sabi niya. "Bukas."

Napatikhim ako. "Sasama ako."

Tumingin siya sa akin. Pamilyar ang mga tingin niya sa akin. Ganito palagi ang ekspresyon niya tuwing salungat siya sa mga desisyon ko.

Nagtiim-baga siya. "You can wait at the Police Station."

I felt disappointed. Nandito naman tayo sa hindi direktang pagsagot ng 'Ayaw ko.'

Ngumuso ako at napakibit-balikat na lang. Hindi ko rin mapigilang mapairap.

"Kung gusto mo talaga, sabay tayong pupunta sa airport upang arestuhin si Domingo," aniya.

So, sang-ayon siya sa pagsama ko?

I pressed my lips suppressing a smile.

"Maaga pa tayong magkikita rito bukas," sabi ko. "Dito."

Napangiti ako habang naglalakad palabas ng kanyang opisina.

Naramdaman ko ang puso kong umigpaw. Siguro ay sa saya o sabik. Napangiti ako sa sarili.

Daddy, malapit na kitang mabigyan ng hustisyang karapat-dapat sa iyo. Malapit ko nang malinis ang pangalan mong nadungisan ng mga taong tinatakasan ang kasalanan nila at ikaw ang isinuplong nila.

"Domingo de Castro?" My Mother gasped. She finds it unbelieving! Grabe na lang ang gulat niya nang ibinalita ko iyon sa kanya.

Hinayaan ko lamang naka-loudspeak ang phone. Inilatag ko iyon sa mesa habang nagtatanggal ako ng alahas sa dressing area.

"I remembered him. He was a biological cousin of Alaine," sabi ni Mommy. "Siya iyung ipinakilala ni Alaine na kapamilya niya. Kahit sinunog iyung kultu-kultuhan nilang baranggay sa bukid ay nanatili pa rin sila roong nakatira ng tahimik."

Nine years ago, I found that burned baranggay with a decent hut in the midst of the ruins. So, bahay nga ba talaga iyon ni Domingo?

"Mom, bakit walang nakakilala na bahay pala iyon ni Domingo. Kahit ikaw?" Tanong ko. Nakakapagtaka lang naman kasi.

"Domingo was already abroad when the crime happened, hija," Mommy replied. I heard her sigh. "I was also, at first, convinced that Alaine might have ask her relatives to do a filthy job for her. But, the only living family she has in Tobias was Domingo. When Simeon died, Domingo was already a month away from the Philippines. Isa pa, ang kubong iyon ay hindi niya na inuuwian. Nang magsimula siya bilang nurse sa municipal hospital ay umuupa siya sa isang apartment. Plus, that land was a public property. Walang titulo na private sector iyon."

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon