Missing a Childhood Friend
One last ring ang I'm full of it!
I had a last minute cancellation of appointments. I knew some of my clients were very angry but I can make up with those people later.
Mas importante ito.
Tumunog ang telepono ko ulit.
Ugh! Just one of my clients...
Pinatay ko ang phone ko. Hindi lang mismo ang tawag kung hindi ang telepono ko.
Ayan para walang distorbo!
Sisantihin man ako ni Phil, wala akong pakialam! Sisantihin niya ako kung sisantihin. I can always find another firm or have an office of my own.
Lalo na't alam kong nandito si Leander, parang nabigyan ako ng panibagong pag-asang mabibigyan ko ng hustisya ang aking ama.
Fuck my silence for a very long time! Fuck always hiding and letting others solve my problems for me! Fuck staying away from the truth, I'd always wanted to see!
The moment my wheels set foot on the roads of Tobias, naalala ko lahat ng mga karanasan ko rito simula pa noong bata pa ako. Lahat ng masayang alaala kasama ang pamilya ko ay nandito. Ganundin, ang lahat ng pighating idinulot ng lugar na ito sa akin. Kahit anong galit ko, hindi ako nagtanim ng poot. I never held grudges. Naiintindihan ko namang lahat ng ito ay nagpalalim ng pagkakaintindi ko at nagpalakas ng pundasyon ko. If it wasn't for them, I wasn't this strong. Hindi ako ang kung sino ako ngayon.
My father died and it was the most grievous phase of my life but I did not regret anything.
Binigyan ako ng hinagpis at kalungkutan ng buhay pero hindi ko kailanmang susukuan kahit anuman ang pagsubok. I will be indestructible as much as I can.
Liniko ko ang sasakyan sa pamilyar na resort. Ito ang resort na palagi kong binibisita. Ang resort na palagi kong pinupuntahan at pinagninilaynilayan.
Bumaba ako sa sasakyan. Agad na bumagusbos ang hangin mula sa malapad na karagatan. Sumabog ang nakalugay at maalon kong buhok. Ang saya ng aking blusa naman ay sumayaw-sayaw sabay sa simoy ng hangin. Mabuti na lang at shorts ang suot ko. Kung nagpalda o bestida ako baka linipad na rin iyon ng hangin.
Napasuot ako ng salamin. Tanghali na ako nakarating kayo masyado na ring nakasisilaw at mainit ang araw. Napatingin ako sa mabatong dalampasigan sa malayo.
Doon ako noon nakaupo, tinapunan ng bulok na kamatis at itlog. Doon ako tinapunan ng matatalas na bato at pinagtanggol ni Phil.
Dammit! Why am I reminiscing that day? Marahil ako lang ang nakaalala nun.
I took my sling bag made of rattan. Isinara ko ang pinto ng sasakyan at ini-lock ito. Kumalas-kalas ang pinaghalong buhangin at maliliit na batong kulay itim at puti sa aking mga pagyapak.
Dumiretso ako sa reception. Magiliw akong binati ng mga staff doon. Akalain mo naman noon. Pinagtabuyan kami rito. Kung sakaling makilala nila ako, ipagtatabuyan pa rin ba nila ako?
Siguro. Malay ko?
"Good morning, Ma'am!" Ngumiti ang receptionist ng magiliw.
"Check me in," simply kong sinaad. Agad kong inabot sa kanya ang credit card.
"Mr. Louis Taverna?" Tanong nito.
Itinanggal ko ang cat-eye shades ko. Malamig kong tinitigan ang receptionist. "Yes. Asawa ko iyan," sabi ko.
The receptionist tilted her head. Alam kong nagduda siya.
"Hindi ka naniniwala?" Tinaasan ko siya ng kilay. "I can show you our marriage contract."
Of course, I don't have that. I just want the receptionist to be intimidated and just agree with me. Ayaw ko iyung masyadong maraming tanong at kuskos-balukos.
"Okay, Ma'am. Isang suite?" Tanong niya.
"Yes." Sabi ko. She made some confirmation and arrangement and I was lead to a suite.
Pagpasok ko sa suite ay agad kong naamoy ang preskong pabango. The smell of fresh laundry filled the room.
May malaking glass window na nakaharap sa asul na karagatan. Makikita ko pa roon ang mga munting isla sa na nasa malayo. Nagmistulang itong tuldok itong nakalutang sa tubig.
Nakatirik ang araw at walang tao sa dalampasigan. Sa lahat ng resort ng Dilaurentis, ito ang pinakapayapa nilang resort. Kaya ito mabenta sa retreats eh.
Sa kapayapaan dito, palagi ako noong umuupo sa dalampasigan nito. Nagmamasid sa takipsilim o bukang-liwayway. Palagi akong nakikita ni Leander dito. Noong mga bata pa kami at palagi siyang nandito sa tuwing bakasyon, naglalaro kami sa resort ng habulan. Noong tumungtung si Leander ng highschool, ginusto niyang mamalagi muna sa Pinas. He was born in U.S. kaya medyo naging mahirap ang pagnatili niya rito. After we were kicked out of this town, the last time I heard from him, he stayed in U.S. for college. After that, reports from investigation told me he was shifting places for his job.
Nanatili ako sa ako sa suite para sa tanghali. Hindi pa rin naman ako gutom kaya natulog nalang ako. Sa kabilang resort nila ay mayroong firedancing na nagaganap tuwing gabi. Doon kasi mas maraming tao. Kumpara sa resort na'tong medyo pribado.
I plan to walk to the resort. Susundin ko lang naman ang dalampasigan at kalahati sa oras ay makakarating naman kami sa kabilang resort nila.
Nag mag-alas singko ay nagsimula na akong mag-ayos. Suot ko ang aking denim shorts and flannel shirt. Sa loob nito ay ang aking swimsuit. In kaso lang na maisipan kong mag-swimming mamaya.
Lumabas na ako sa suite at nagsimulang maglakad papuntang dalampasigan. Binabati ako ng mga staff na makakasalubong ko daan at wala akong kayang isukli ngunit ang aking matitipid na ngiti. I don't know why. Alam ko namang nakalipas na ang nangyari kay Daddy at ang iba rito ay marahil walang alam tungkol sa nangyari sa pamilya ko. For me, Tobias Fornier is like a bland dish that will never get tasty even with a handful of spices. Napayuko ako habang naglalakad. Sa bawat yapak ko, lumulubog ang tsinelas ko sa buhangin. Plano kong magmuni-muni muna sa dalampasigan bago dumiretso sa kabilang resort.
The moment the water touched my toes, I stopped and let out a long sigh.
Ang ihip ng hangin ay parang haplos ng inang malumanay. Amoy tubig-alat pa ito at tila sa pagsinghap nito ay napapagaan ang aking nararamdaman. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Gusto ko lang manahimik ng ilang minuto. Its a need, afterall.
Sa gyera, kinakailangan mag-ceasefire at mag-regroup upang manalo. Hindi masamang tumigil muna at gawing buo ulit ang sarili upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok.
"Are you enjoying your stay here, Ma'am?" May isang lalakeng boses na nagtanong.
Another staff again? Can't they stop pestering me even in my time of contemplation? Hindi niya ba nakikitang gusto kong mapag-isa?
"I will be more than satisfied when you did not interfere with my me-time," I said.
"Hanggang ngayon, mabuti at masaya akong nakakahanap ka pa ng oras para sa sarili mo," sabi niya.
Iminulat ko ang aking mga mata.
That same kind smile he always wear. The side of his eye wrinkled while smiling at me.
May parte sa puso kong biglang kumirot. Tila may kumurot nito. Hindi ko itatanggi. I miss him very much.
At, hindi ko rin mapigilan ang pagyakap ko sa kanya.
"Leander..." I muttered with longingness.
🥀
Hello, readers!
If you want to see how a Dilaurentis think, please give a chance to Cutthroat.

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomansaAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...