Chapter 6

1.1K 36 3
                                    

Court is Adjourned

"Por dios, Fajline!" Bumungad sa pinto si Mommy. May bahid nang pag-aalala ang kanyang mukha.

Pasado na kasi alas sais. May dahilan naman siya upang pagalitan ako.

My mother caressed my cheeks. "Oh my, Fajline! Ano'ng nangyari? Sino ang nakaaway mo?"

"I'm fine, Mommy," mahina kong sinabi. Pagod ko siyang tiningnan. Ni ngiti, hindi ko na magawa.

"I was at the beach, Mom. Inaway lang ako ng mga galit kay Daddy," sabi ko.

My mother gasped. "Why did you even go there, Fajline? Alam mo namang mainit tayo sa mga tao rito!"

"I was just thinking..." Sabi ko. Hindi ko na napatapos. Napabuntong-hininga ako. Pumunta ako sa dalampasigan upang sana mawala ang iniisip ko. Ngunit, mas lalo lang ako napapaisip habang nakatingin sa dagat.

"Thinking of what, Fajline?" Tanong ni Mommy.

"Thinking of riding a boat and getting away from this fucking land!" I said sarcastically.

"Watch your mouth, Fajline!" My mother reprimanded.

"I'm sorry. Pagod lang ako," sabi ko at pumasok na sa bahay.

"Bukas, may hearing ulit si Fajardo," ani Mommy.

Hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit biglaan itong nangyayari. Hindi na ako makapaglibot nang matiwasay sa bayan. Palagi na lang ako nakakatanggap ng matatalas na titig ng mga tao, hindi naman ay masasakit na pananalita nila. Ang pinakamalala ay ang nangyari sa dalampasigan. Naliligo ako ng sira na itlog at bulok na kamatis!

Gosh! I badly need a bath!

Nang sumunod na araw ay nagising akong naroon na ang mga kaibigan ko sa living room.

"Hannah, Krystal, Janella..." Kumunot ang noo ko. "Should you be in school na?

Tumayo si Hannah at napahalukipkip. "Fajline, nandito kami para sunduin ka. You're going to school, too."

"You can't dictate me on what I should do." I stared at them languidly.

"Kaibigan mo kami, Fajline. Nakakalimutan mo na ba?" Si Janella naman ang nagsalita. "Nandito pa rin kami para sa'yo."

"Hindi ako papasok, ngayon," sabi ko. Sigurado ako roon at hindi nila mababago ang isip ko.

"Gusto mo ba ma-suspend o ma-kick out?" Nag-aalalang tanong ni Krystal.

"Hearing ni Daddy ngayon. I want to be with him," sabi ko sa kanila.

"Aren't you tired?" Tanong ni Hannah.

Tumingin ako sa kanya. Sumalpok ang mga kilay ko. Ano ba ang pinagsasabi niya?

"Aren't you tired forcing yourself to believe that your father is innocent?" Tanong ni Hannah.

"He is innocent." Siguradong-sigurado ako roon at papatunayan ko iyon sa korte.

"If he is then how can you justify the truth that he killed Vice Mayor?" Paghahamon ni Hannah. "Kahit ama mo, inaamin niya."

"Wala sa tamang kaisipan si Daddy. He's the scapegoat. Isa siyang biktima!"

"Kung ganoon, sino ang kriminal. Kung naging instrumento ang ama mo, sino ang mastermind? Are you blaming this on the Dilaurentis?" Sabi ni Janella.

Natahimik ako. Tinitigan ko lang silang tatlo. Hindi ko alam kung tunay ko ba talaga silang kaibigan.

"I'm not like those frigging family, Hannah. I won't accuse by fabricating false evidences," I told her. "I'm not as evil as those people who plotted this crime. If you're here to mess with me, better leave!"

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon