Still Raphael Vernan's POV
Ito na ang pinakahinihintay na update!! Jk! Naubos brain cells ko!
Anyways...
Enjoy reading!
෴↭෴
"Fajline..." Hindi ko kailangan pang hintayin kung kailan matatapos ito. "Kung matapos ang kasong ito..."Surely, I can wait. Surely, I can endure... but what matters most right now is for her to know. Gusto kong malaman niya, ngayon. Lalo na't naunahan ako ng Leander na iyon!
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. I did not plan to confess now. I was waiting for a good timing.
Fuck that timing! It does not matter!
"Hindi natin alam kung kailan matatapos ito o paano ba ito matatapos, Fajline," pagpapatuloy ko. "Kung matapos na lahat ng ito, I want you out of Vernan law firm after that."
Alam kong binigla ko siya. Nagtama ang mga tingin namin. Nanatili akong seryoso habang tinaasan niya ako ng kilay. Ang kanyang mga tingin ay may pagtataka.
Napahinga siya ng malalim.
"I can file a resignation letter after," sabi niya.
Tumango-tango ako. "If you want, I can help you get into another law firm or maybe in PAO."
"I'm going back to Negros," she said, immediately.
Negros? Ako naman ang nabigla sa sinabi niya.
Napatingin ako sa kanya. I want her out of our firm because I want to court her. Hindi ko naman inaasahang mas mapapalayo pala siya sa akin.
"Uuwi ako sa Negros pagkatapos nito. My business here is to settle this case and clear my father's name," aniya. "Matapos lang 'to, tatanggapin ko na ang mga alok sa akin doon sa Negros. Or, I can have my own firm or office in Bacolod."
Napatikhim ako at napatango-tango. Saglit ako napakagat-labi. Pwede naman... Sa kabilang dako ng dagat lang naman.
"Negros is not that far, I guess." I said. Ilang oras ba ang isang trip mula Iloilo papuntang Bacolod?
She knitted her brows.
"What do you mean, Phil?"
"Let me get straight to my point, Fajline. Courting a co-worker is unethical."
Her face crinkled in perplexion. Matagal kaming nagkakatitigan. Alam ko... Kitang-kita ko sa mga mata niya.
"Bakit ang biglaan?" Aniya.
"Biglaan ba?" Was I too sudden?
Napakagat-labi ako at napaiwas ng tingin. Kumalat ang hiya sa buong sistema ko. Parang pagsisihan ko ang ginawa ko ngunit hindi na rin pwedeng umatras. This is the first time I have confessed to someone.
Nagkagusto ako sa ibang babae noong teenager ako. Although, this is the first time I felt my liking to its extremes. This is the first time I fell hard. Nagkagusto man ako sa iba noon, hindi rin naman ako ganoon pa ka mature. Isa pa, I respect women so much. Hindi ako susuyo ng isang babae kung alanganin ang nararamdaman ko... kung hindi ako sigurado.
At, sa dinami-raming babaeng nakilala ko, si Fajline lang ang nakaparamdam sa akin ng ganito. She was the only one who made me wait... who made me risk... who made me do the things I wouldn't do if I haven't feel this sure for a girl.
She pressed her lips in a thin line... tila nag-iisip.
Bakit parang ang seryoso niya?
"Hindi mo lang siguro nahahalata," sabi ko. Was my advances on her too vague? O sadyang manhid lang talaga siya?
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...