Chapter 2

1.4K 35 1
                                    

Tahum

"Congratulations, Fajardo!" Umagang-umaga pa ay bumisita na si Tito Lysandro Dilaurentis at ang pamilya niya sa bahay. Kahapon lang nai-anunsyo ang nanalo sa eleksyon at si Daddy ko iyon.

Natigil nga ako sa paanan ng aming hagdan nang nakita ko sila sa aming sala.

"Good morning, Ate Fajline," Serafina Dilaurentis, daughter of Lysandro Dilaurentis waved at me, innocently.

Ngingitian ko na sana siya pero bigla na lamang akong humikab. Napatakip agad ako ng bibig.

Jusko, nakakahiya!

"I'm so sorry!" I said in embarrasment as I yawned once more. Sa katotohanan ay sobrang antok ko pa dahil kagabi. Nagpa-Victory Party kasi agad si Daddy. I had to stay up late to entertain the people.

Natawa na lang sila lahat sa akin. "Mukhang pagod ka pa rin, Fajline," panunukso ni Leander Dilaurentis, nakakatandang kapatid ni Sera at kababata ko.

Dahil magkaibigan ang pamilya namin, naging malapit na rin kami ni Leander sa isa't isa. Our parents have always requested our school to not separate us. Kaya mula Kinder hanggang ngayong Grade 7 na kami, magkaklase pa rin kami.

Kahit ako rin ay napangiti. Nawala ang pangamba sa dibdib ko. Seeing Salvanis and Dilaurentis in good terms , parang nabunutan na ng sinulid ang puso ko.

The friendship of the family was not frailed, thankfully.

"Masaya talaga ako at hindi nabahiran ang relasyon natin sa isa't isa, Saminah," ani Tita Alaine Dilaurentis. "Kahit naglabanan hetong sina Sandro at Fajardo, nanatili pa rin silang magkaibigan."

"It's really a relief, indeed, Alaine," sagot naman ni Mommy.

Pinapanood ko na lang sila. They're quietly eating. Kahit papaano, may nararamdaman pa rin akong tensyon.

"Sandro, what do you plan to do, now?" Tanong ni Daddy.

Sandro shifted uncomfortably. "Pansamantala akong wala sa politika kaya naisip kong igugol ang oras ko sa pamilya ko. All these years I have been in the service of the municipality. I have three years to do something for the expansion of our business."

Dilaurentis owns almost all the resorts in the coast of Tobias Fornier.

"Mabuti naman," sabi ni Daddy at kinuha ang isang baso ng kanyang bino.

"Ikaw, Fajardo?" Napataas ng kilay si Tito Sandro. Siya naman ang nagtanong. "This will be an adjustment for you. Sa unang pagkakataon, hindi na ako ang Vice Mayor mo."

"At, sa unang pagkakataon, magiging kasama mo sa gobyerno ang kalaban ng pamilya mo noon," dagdag pa ni Tito Sandro.

Napatingin ako kay Daddy upang malaman kung ano'ng ekspresyon ang ipapakita niya ukol dito.

He just pressed his lips and looked at his friend. "I don't think the Vernan are abusive when it comes to power. During the Grand Campaign Speech, he stated his aims clearly. Sa tingin ko magkakasundo naman kami basta't hindi lang siya tumakbo para sa kaban ng bayan."

Nakita ko ang pag-igting ng mga panga ni Tito Sandro. Ngunit, ang iritasyon sa kanyang mukha ay agad din naman napawi. Matipid siyang ngumiti.

Napatingin ako kina Mommy, Tita Alaine, Leander at Sera. They all looked oblivious when my father was already subtly mocking Tito Sandro.

"Simeon Vernan is a very noble man, I assure you that," Tito Sandro said and breathe sharply.

Naging magkalaban sa politika ang mga Vernan at Salvani. Ngunit, wala namang iringang namamagitan sa pamilya ko at sa mga Vernan bukod doon.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon