Chapter 29

740 28 1
                                    

Mata sa mata

Nine-year Case: Finally Closed!

Iloilo City– Matapos ang siyam na taon, napatunayan ngang ang ex-Mayor ng Tobias Fornier, Antique nagngangalang Fajardo Salvani ay hindi pumatay sa kanyang ex-Vice Mayor Simeon Ignacio Vernan. Ito ay matapos ungkatin ng anak ni Fajardo Salvani ang kaso siyam na taong nakalilipas. Naaresto ang totoong kriminal na si Dr. Domingo de Castro sa airport kahapon alas-onse ng umaga. Si Dr. Domingo de Castro ay isang neurologist na nakabase sa Dubai at pinsan ng asawa ng kasulukuyang Mayor ng Tobias Fornier na si Lysandro Dilaurentis.

Umagang-umaga, iyon ang bumungad sa mga tabloids at pinagtsitsismisan na ng mga kasambahay.

"Sa wakas nalinis na ang pangalan ni Sir Fajardo, Ma'am!" Magiliw na saad ni Aling Tasya, ang pinakamatandang kasambahay namin at kasama ko dito sa bahay.

Dahan-dahan kong ininom ang aking tasa ng tsokolate at dumiretso na sa sala. Pinindot ko ang remote upang makapanood ng umagang balita.

Bumungad agad ang mukha ni Lysandro Dilaurentis sa screen. Napahalukipkip ako at napakagat ng labi. Naaliw ako nang makita siya roong problemado at parang pinagpipiyestahan ng mga bubuyog.

Napansin kong dumami yata ang linya at mga kunot sa mukha ni Lysandro ah. His eyes reflected distrust and alarm.

"Mayor, nakakulong po si Domingo de Castro at napag-alamang siya po ang totoong pumatay kay Simeon Vernan. Hindi ba't naging magkaibigan po kayo ng mga Vernan at Salvani noon?"

"Oo. Malalapit ko silang kaibigan," sagot ng walang hiyang Dilaurentis!

"Pinsan po ng asawa niyo ang kriminal. May kinalaman po ba kayo?"

"Wala. Walang alam ang pamilya ko tungkol dito."

"Talaga po?"

"Pasensya na kayo at abala ako sa aking trabaho." Pag-iiwas ni Lysandro Dilaurentis at tumalikod sa kamera.

Hay! Karma nga naman. Minsan mabilis dumating, minsan naman ay natatagalan. Ngunit, siguradong darating.

"Oh my gosh, Fajline! Have you seen the news?" Bumungad at medyo excited na ibinalita sa akin ni Kryzzel.

"Of course, Attorney Castro," sabi ko. Paano malalaman ng press iyon kung hindi ako ang nagsabi, hindi ba?

How ironic was Kryzzel's last name!

"So, totoo nga. Malinis na ang pangalan ng pamilya mo," sabi niya.

"Malinis naman talaga ang pangalan namin simula't sapul," sabi ko at suminghap.

"It was a huge fuss, now, Fajline. Isipin mo? Nine years have passed but the people are still interested with it," Kryzzel said.

"Basta pag-dating sa politika, mabenta, Kryzzel." Politics have been a timeless thing. Saan ka man magpunta, may politika. Itanggi mo man o hindi, kahit estudyante nga marunong mamulitika.

Bukod sa politika, naging mabenta ang balitang ito dahil kaugnay ito sa mga Vernan.

After all, they are the elite, prominent and powerful family not just in Iloilo but the whole country.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon