Napangiti ba Kita?
"Just where the hell are you, Fajline?!"
Umagang-umaga, binungad na ako ni Mama ng galit. Parang mabibingi ako sa boses niya.
Napabuntong-hininga ako. "I'm in Antique, Mom." No point of lying.
"Umuwi ka rito sa Negros, Fajline," utas niya.
"I'm working here, Mom. I'm based here," I said, firmly.
"Working for whom? The family that put your father to jail without a just trial? Really, Fajline?" My mother spatted those words like a poison to her mouth. "You're known, already, Fajline. You can create your own law firm here in Bacolod."
"No, Mom. Not until the justice is served for my father," I said.
"Fajline, umuwi ka rito. Ora mismo!"
Pasarkastiko akong natawa. "I'm your daughter, Mom. Not one of your sakadas."
"Obstinada!"
There! She said it, once again! It's been a while since I heard that from her.
Obstinada. Rebellious.
Rebelde na kung rebelde. Ngunit, bakit nagrerebelde ang mga tao?
Dahil may nakita silang mali na dapat ituwid. Dahil nais lang nila ang hustisya.
I tossed my phone in my small Bali bag. Today, I'll be sharing tables with the Dilaurentis's and Vernans.
Sinuot ko ang puting dress ko. Hindi naman siya malaswa but I think I showed some skin. I had my back bare and for all to see. The dress ended in my mid thigh but I have my shorts under my dress.
Naglagay lamang ako ng sunscreen at kaunting make-up. Saktong naglalagay na lang ako ng perfume at may kumatok sa pinto.
Napatingin ako sa pinto. That must be Phil. Napatingin ako sa aking relo. Masyado naman siya maaga.
Kinuha ko ang bag ko at pinagbuksan si Phil ngunit napakurap-kurap ako nang si Leander and nakita ko sa labas ng kwarto.
Luminga-linga ako. "Saan si Raphael?" Pagtataka ko.
"Abala siya sa mansion. He's working on something," he replied.
Napataas ako ng kilay. Bahagyang tumulis ang labi ko. "What is he working on?"
Napakibit-balikat si Leander. "Surprise?"
Napatingin ako kay Leander. I rested on one foot and crossed my arms. "Surprise? What for?"
"It's for me to not disclose and for you to discover, Fajline." Ngumiti si Leander. He, then, patted my head. Naaalala ko tuloy noong highschool kami. Nakasanayan niya rin iyan. At, kahit kailan, hindi nagbago ang palakaibigan niyang awra, mala-anghel niyang ngiti at maamo niyang mukha. Naging kulay kape ang buhok at mata niya tuwing naaarawan. Kaya hindi mahirap magkagusto kay Leander... noon.
"Halika na?" Aniya at hinawakan ang kamay ko. Napataas ako ng kilay at ibinaba ko ang tingin sa pagkakahawak niya ng kamay ko.
"Si Phil lang ba ang may karapatang hawakan ang kamay mo?" Patamang tanong ni Leander.
"Hindi naman sa gusto kita i-offend, Leander..." Natigil ako. Para sa akin, wala lang namang malisya pero dapat kasi umarte akong nobyo ko si Phil. Kung totohanan 'to, sa tingin ko hindi magiging magandang tingnan ang babaeng may nobyo nang may ka-holding hands na iba.
Leander pursed his lips. Binitawan niya ang kamay ko at napamulsa. "No, Fajline. Ako ang insensitive."
Tahimik kaming naglalakad dalawa. Sinisiguro ko ring may tamang distansya kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...