Kinalaman
"Sinabihan na kita, Fajline. Nasa puder ka pa rin ng Dilaurentis. They may not kill you in their own territory but they'll find ways to get you out of their way," sabi ni Raphael habang nasa sasakyan niya kami.
Mahigpit kong hinawakan ang seatbelt. Napakuyom ako ng panga. "Paniguradong kagagawan ito ni Lysandro. Doon pa lang, malalaman ko nang may tinatago silang hindi nila gustong maungkat ko. Kaya heto, gumagawa sila ng paraan para mawala ako sa landas nila."
"Sa tingin ko may kinalaman ang anak niya rito," sabi ni Phil.
"Si Leander?"
Umigting ang panga niya. "Nauna silang umalis ng bahay nang gabing iyon. Bakit siya tutulak ng biglaan para sa syudad?"
"You're brother's with them," I told him.
"Last night, Fajline, Tita Kana returned the favor. Inimbita niya sa hapunan ang mga Dilaurentis. Nauna si Leander na umuwi at may dala siyang sariling sasakyan. More or less an hour after, umuwi rin ang mga Dilaurentis kasama si Miguel. In that one hour, who knows what could Leander do."
Napahilot ako ng sentido. May punto naman si Phil. Hindi ko lang mawari. Mas lalo ko lang pagsususpetsahan si Leander. Binibigyan niya ako ng dahilan para paghinalaan siya.
"I want to have a thorough investigation for Leander Dilaurentis," I told Raphael.
Phil pursed his lips while maneuvering his wheels to a curve road ahead.
"What exactly do you need, Fajline?"
Napalunok ako. "His medical records. His police records."
"Akala ko ba nagawa mo na 'yan at clear siya ayon sa pag-iimbestiga mo?" Ani Raphael.
"Hindi rito, Phil. Ang buhay niya sa States and gusto ko paimbestigahan," sabi ko.
"Paano si Serafina? Dilaurentis pa rin siya," sabi ni Phil. "Masyado pa siyang bata nang nangyari ang insidenteng iyon ngunit hindi pwedeng wala siyang alam tungkol dito."
I scoffed and crossed my arms. "Kung ginamit mo iyang karisma mo nang maigi, sana nakakuha ka na nang impormasyon galing sa kanya."
Mukhang patay na patay naman si Sera sa kanya. Sana iyon na lang ang ang ginamit niya.
"Hindi ako manggagamit, Fajline," aniya.
"It doesn't look like that to me." I breathe sharply. "You're just afraid to hurt her feelings. That's all."
A thin needle of envy pricked my chest. Wala akong nakitang mabuti sa mga Dilaurentis. The Vernans well aware of that too. Ngunit, mayroon pa rin silang instinct na protektahan ang anak ng mga Dilaurentis na iyon.
"If I hurt someone, it would be through frank and upfront ways," Phil said. "Ayaw kong magpaasa ng tao. I don't want to give people false hopes."
I smirked even though I had the urge to grit my teeth. "You rejected her, eh?"
I acted amused and interested but my emotions says I'm completely not!
Sinulyapan niya lang ako. Nagtataka at nabigla ang kanyang ekspresyon. "Hindi ko iyon sinabi."
"I wouldn't be a lawyer if I could not read people," I reminded.
Siya na rin nagsabi. Ayaw niyang paasahin si Sera. Ibig sabihin nakapag-confess na itong si Serafina ngunit hindi siya nakapasa kay Phil.
At saka, naging tahimik at madistansya si Sera sa akin lalo na't pinalabas namin ni Raphael na magkasintahan kami. Baka nagseselos iyon?
"Tatawagan ko ang tauhan ko mamaya tungkol sa pagpapaimbestiga sa mga Dilaurentis. Ipapadala ko ang isa sa U.S.," sabi ni Phil.
"No problem."
Napatingin ako sa kanya. I might be too demanding to ask him this but I think this will be necessary.
"Phil..." Tumingin ako sa kanya.
"May gusto ka pa bang ipagawa?" Tanong niya.
Can he just stop acting like a slave that only cares for a Queen's order? Can he try to act like a noble soldier that considers the safety and feelings of his Lord?
Gosh! Ano ba ang pinag-iisip ko?
He wasn't looking at me, obviously. Abala siya sa kanyang pagmamaneho.
Bakit ba halos perpekto ang pagkakahubog sa kanya? Ang silak ng araw na lumulusot sa bintana ay mas lalong nagpatingkad ng hubog at hugis ng kanyang itsura.
His nose is just like that of the Olympian Gods. Tamang-tama lang ang kapal ng kanyang kilay. Ang kanyang labi ay manipis at mamulamula.
At, ang kanyang mga mata. Silakan man ng araw, mistula pa rin itong madilim at nababalot ng misteryo. Minsan, nagmimistula ring peligroso. His eyes seem to devour light that it could capture. Kaya kapag tumitingin ka rito, tila nalulunod ka rin sa kadiliman nito.
"Fajline?"
Napailing ako sa sarili. Gosh, Fajline? Bakit ka nagkakaganito?
"Uh..." Ano nga ulit ang sasabihin ko? Ugh! Nawala sa isip ko.
Remember it, Fajline! Remember it! Remember it!
"Uh..." Napalunok ako. "I want to arrest Domingo de Castro as soon as possible. Ayokong makalabas siya ng Iloilo. We have already an evidence against him. Kung madadakip natin siya, malilitis natin siya."
Saglit na napasulyap sa akin si Raphael. May pagtataka niyang tinaas ang isang kilay. "Tapos, ano'ng susunod mong gagawin?"
"Kung makukuha ko ang mga resultang kailangan ko, doon ako magpaplano ng susunod kong gagawin," sabi ko.
Nagtiim-baga siya. Nakita kong umigting ang kanyang mukha.
"Huwag kang mag-alala. Sasabihan kita agad kung alam ko na ang susunod na gagawin." May tutalidad kong sinaad.
"Do you think Leander has something to do with this?" Tanong niya.
"Lahat ng taong involved, pwedeng suspetsahan," sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa labas ng sasakyan.
I did overlooked some things.
We were only sixteen when Simeon Vernan Died.
Ano'ng magagawa ng isang sixteen years old kung menor de edad pa lamang ito?
Ngunit, ang edad ay hindi naglilimita sa walang hanggang posibilidad na maaaring mangyari.
Napakagat-labi ako at tahimik na nag-iisip. Sinusubukan kong pagtagpu-tagpuin ang bawat bahagi ng tila isang malaking misteryong mula noon ay gusto ko nang bigyang kasagutan.
Fenrir Alvia... the eight million pesos worth of cheque... drugs... Cannabis Plantation... Lysandro Dilaurentis... Simeon Vernan's death... the arrest of Fajardo Salvani, my father... Alaine Dilaurentis... the territory once inhabited by a cult... Domingo de Castro... Leander Dilaurentis...
Halos mabaliw na ako. I still get lost in the midst. I figured out that there's a missing part. It wasn't even missing. Hindi ko lang pinagtuunan ng pansin.
Right after the death of Simeon Vernan, I never saw Leander or Alaine Dilaurentis. They stayed in the U.S. for good after that.
Nqapahawak ako ng mahigpit sa seatbelt.
May kinalaman ka ba Leander?
🥀
![](https://img.wattpad.com/cover/72127106-288-k271695.jpg)
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...