Chapter 36

790 35 16
                                    

My point

"Fajline."

Naabutan ko si Raphael sa loob ng kanyang sasakyan. Nakaupo siya sa driver's seat at tila lobong nagmamasid.

"He already left, Raphael," I said to Phil and referring to Leander.

Pumasok ako sa kanyang Range Rover. I took the plastic in bag where the pack of wipes I made Leander used was in.

"We need to bring it to the forensic analyst," he said, dryly.

Tiningnan ko siya ng maigi. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Medyo may kunot pa ang kilay niya.

He's a silent type, I know. Ngunit, iba ang pagiging tahimik niya ngayon. Parang kapag inudyok ko siyang magsalita ay sasabog siya.

Minabuti kong manahimik na lamang muna hanggang sa makapunta kami sa NBI.

"Attorney Taverna, mabuti at nakapunta ka," sabi ko kay Attorney nang makita siyang naroon na at nag-aabang.

"Just when I thought the case is about to close, nandito naman tayo at nag-iimbestiga ulit, Attorney Salvani," ani Attorney Taverna sa akin. Tiningnan niya si Phil na nasa tabi ko. Tahimik.

"Attorney Vernan."

"Attorney Taverna."

A formal nod and a handshake was enough as a greeting. Alanganin ang naging ngiti ni Attorney Taverna nang makita ang seryoso at matigas na expression ni Raphael.

"I have the evidence," sabi ko. "If Leander's fingerprint and the fingerprint on that gun will match, sueing Leander will be the next move."

Umismid si Attorney Taverna. "If not?"

Tinuwid ko ang pagtatayo ko kahit masakit na ang paa ko sa suot kong pumps. Kanina pa ako lakad ng lakad. Buong araw ako naka-pumps!

"I'll accept Domingo de Castro as a murderer," I said.

I think the task for today is done. We have already secured the evidence that might be against Leander Gael Dilaurentis.

"You can drop me by the road. I can walk to my house," I told Raphael.

Ngunit, hindi siya nakinig. Iniliko niya bigla ang kanyang sasakyan sa subdivision.

"Bakit kasi hindi ka nagdadala ng sasakyan?" Tanong niya.

"Ang lapit-lapit ng bahay ko sa firm, ano ka ba? I can commute," I told him.

"And 2 or 3 kilometers is near?"

Napahalukipkip ako at napanguso. "Nandito lang naman ako sa Prime nakatira. Ang firm sa Muelle Loney. I can walk the Esplanade everyday!" I said with pride and confidence.

"With pumps?"

"Of course, I lived with that for years." Napairap ako. "Sanay na ako. Saka, alam mo bang maraming mako-contribute ko against carbon footprint sa hindi paggamit ng sasakyan, araw-araw?"

"Still, it takes time and effort to work from Prime Estates to Muelle Loney via Esplanade," he said. I don't know if he's trying to mock me or he's just merely amused.

Gumihit ang ngiti ni Phil sa kanyang labi. The passing street lights made him look alluring and sexy. His eyes looked even darker and dangerous. His countenance... mysterious.

Nagpatuloy siya sa pagmaneho hanggang nakarating kami sa bahay. Pinarada niyang Range Rover sa harap ng gate.

"Salamat sa paghatid," sabi ko. I was about to pull the door open when he held my wrist.

"Sandali," aniya at napalunok.

"Bakit?"

"Can we talk for a while?" He asked. His voice a bit hoarse.

"Bakit ba?" Nag-aalala tuloy ako. May nangyayari bang hindi ko alam? May kailangan ba akong malaman?

Phil cleared his throat. "Leander confessed, didn't he?"

"Paano mo naman nalaman?" Napakunot-noo ako.

"I was watching, Fajline," he replied, admittingly. "I saw you hugged each other for a long time."

Nakita niya talaga lahat? Habang nag-uusap kami ay nanonood siya?

Hindi ako makapaniwalang napailing sa kanya.

"He asked for it," I said.

"Pinaunlakan mo naman," aniya.

Wala na akong pwedeng ihirit sa kanya. Ano pa nga ba ang sasabihin ko? Totoo naman ang sinabi niya. Pinaunlakan ko ang kagustuhan ni Leander.

"I'm just being merciful," I uttered, barely audible.

"So, you rejected him, after all." I heard his long sigh. Tila ba isang tinik sa lalamunan niya ang pag-amin ni Leander ng nararamdaman niya. At, nabunot lamang iyon nang malaman niyang binasted ko si Leander.

"He is one of the suspects. I'm only after my objectives, that's why," I stated.

"Fajline," simula niya muli. "Kung matapos ang kasong ito..."

Bumuntong-hininga siya. Natigil siya sa pagsasalita. Tila hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin. O kung papaano niya ba ipagtutugma ang kanyang salita.

"Hindi natin alam kung kailan matatapos ito o paano ba ito matatapos, Fajline," pagpapatuloy niya. "Kung matapos na lahat ng ito, I want you out of Vernan law firm after that."

Nabigla ako sa kahilingan ni Raphael. Nagkakatitigan kaming dalawa. Ang kanyang mga tingin ay tila inuutusan akong sumunod sa kanya. His dark, tantalizing eyes are very hypnotic. Habang ako naman ay kuryoso lamang siyang tiningnan.

Kung ayaw niya na akong pagtrabahuhin sa Vernan Law Firm, I have my own clients. I earned my reputation. There are a lot of opportunities for me, after all.

Napahinga ako ng malalim matapos makabawi sa gulat.

"I can file a resignation letter after," sabi ko.

Tumango-tango siya. "If you want, I can help you get into another law firm or maybe PAO."

"I'm going back to Negros," I said, immediately. My voice lowered.

Hindi niya naman kailangang ma-guilty sa akin. If he wants me out, then I will get out of his  firm. Hindi niya na ako kailangang kaawaan dahil kaya ko ang sarili ko.

I can build my own law firm in Negros. I can still negotiate my client and if necessary have my own law office here in Iloilo.

Napatingin siya sa akin. Tila siya naman ang nagulat sa isinagot ko.

"Uuwi ako sa Negros pagkatapos nito. My business here is to settle this case and clear my father  name," sabi ko. "Matapos lang 'to, tatanggapin ko na ang mga alok sa akin doon sa Negros. Or, I can have my own firm or office in Bacolod."

Napatikhim siya at napatango-tango. Saglit siya napakagat labi, parang may kinakalkula. "Negros is not that far, I guess."

Sumalpok ang kilay ko. Ano'ng pinagsasabi niya?

"What do you mean, Phil?" I asked.

"Let me get straight to my point, Fajline," he said with such formality.

"Courting a co-worker is unethical," he said.

Courting? Co-worker? Unethical?

Seryoso ba siya?

Tiningnan ko ang mga balintataw niya. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lamang mula sa street light at mga bahay-bahay ang nagsilbing liwanag.

Sinusubukan kong hanapin sa mukha niya ang kanyang kapilyuhan. Bumibilis ang tibok ko habang hinihintay na susunod niyang sabihing Biro lang.

Ngunit, wala! Hindi nagpapatinag ang kanyang mga mapanuring mga tingin.

Shit! Seryoso nga siya!

🥀

A subtle confession.

Can you comment down your thoughts?

VOTE | COMMENT
Enjoy reading!

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon