.38 Revolver
Several days before the sentence of Domingo de Castro...
"Mukhang kanina ka pa wala sa wisyo," puna ni Raphael.
Napakurap-kurap ako sa kanya. "Wala."
"Iniisip mo pa rin ba si Leander?" Tanong niya.
"He is one of the people in my mind, now." I breathe sharply. "But, my priority is Domingo de Castro."
But that's the least of my concerns, now!
His calculating eyes was on my direction now. Binaba niya ang aklat na binabasa niya habang mabusisi akong pinag-aaralan.
Napatuwid ako ng upo at umastang hindi napansin ang mga titig niya. Although, deep inside, my system is frantic! Tila may mga kung ano sa tyan kong bumabaliktad.
Ngayon, ako naman ang binabasa niya. Hindi ako kumportable sa paninitig niya. Mas lalong nabulabog ang kanina ko pa gulong-gulong utak.
Ikaw ba naman parang balatan ng buhay kung titigan?
Pakiramdam ko ay tagos sa kaluluwa ko ang mga tingin niyang mapangkalkula at mapanghusga!
"Ano ba talaga ang pinag-usapan niyo nina Leander at Sera?" Tanong niya.
"Ginigiit nilang may kinalaman si Domingo de Castro. Sera said that..." Natigil ako at tumingin sa kanya.
Humalukipkip siya sa harap ko. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Naghihintay sa susunod kong sasabihin.
Bahagya siyang tumango sa akin, senyales na dapat kong ipagpatuloy ang kung anumang sasabihin ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Sabi ni Sera, katulad lang ang tiyuhin niya kay Daddy. Parehong inako ang kasalanan upang matapos ito agad."
Tumango-tango si Phil at napaisip. "Nagduda rin ako sa mabilis niyang pag-amin sa'yo Fajline. Hindi rin nagtagal ang hearing dahil sa ginawa niyang pag-amin."
"Nagduda ka rin?" Tanong ko.
"Hindi nawawala ang pagdududa, Fajline," sagot ni Raphael. "Kahit malakas na ang ebidensyang nasa harapan mo, hindi mo pa rin mapipigilan ang sariling magduda."
Kaya ba noong si Daddy ang pinagbintangan, hindi siya nagpapakita sa korte? Dahil din ba iyon sa pagdududa?
"In fact, I have find Domingo too suspicious to just give in easily. He did not defend himself. Napaisip ako. Para saan pa ang ilang taon niyang paghihirap kung hahayaan niya lang sarili niyang mabulok sa kulungan?" Paliwanag ni Raphael. "Ngunit, naisip ko ring baka nagbakasakali siyang bababaan ang sentensya niya kaya naisip kong kaya siya umamin."
Natahimik ako. Hinilot ko ang aking sentido.
"Ano bang nasa isip mo, Fajline?" Tanong ni Phil sa seryosong tono.
Napatingin ako kay Raphael. Siya na rin nagsabing dinudahan niya ang pag-frame up kay Daddy. Dinudahan niya rin ang agarang pag-amin ni Domingo de Castro.
Naiisip ko tuloy na baka may alam siya sa nangyari simula't sapul. Ano ba talaga ang kutob niya sa krimeng nagawa sa ama niya halos sampung taon na ang nakalilipas?
Napatingin ako sa mga mata ni Phil. Pilit hinahanap ang kasagutan.
Ngunit, wala akong makuha. At, hindi ang pagtitig sa mga mata niya ang paraan upang malaman ang gusto kong malaman.
"Come on, tell me," he said in his deep, husky voice.
He might have sensed my reluctance that he spoke to me reassuringly.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...