Beginning Case
ℱ𝒶𝒿𝓁𝒾𝓃ℯ 𝒟𝒾𝒶𝓃𝒶𝓇𝓇𝒶 𝒮𝒶𝓁𝓋𝒶𝓃𝒾I was only sixteen when my life turned a very unpredictable turn.
Ngunit, kahit ganoon, I'm still here... at the top!
"Another victorious case!" Attorney Balachiel Vernan smiled. He was a proud man in his middle sixties. He has already retired but he was there to witness the hearing. "Congratulations, Attorney Salvani."
Nagpaunlak ako ng isang matipid na ngiti. Masaya ako sa pagkapanalo ko ngunit nais ko pa ring panatilihin ang pormalidad. Inilahad ni Attorney Balachiel Vernan ang kanyang kamay at tinanggap ko iyon nang malugod.
"No, thanks to your nephew, Attorney," I replied. "He had helped me a lot in this case."
Ang mga mata ni Balachiel Vernan ay pumirmi sa kanyang pamangkin. Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa kanyang pamangkin.
Nanatiling seryoso lang ang mukha ng kanyang pamangkin. Walang emosyong nakatakas sa kanyang sa tila perpektong inukit na mukha. Ang kanyang buhok ay maayos at malinis ang gupit. Ang kanyang mga kilay maiitim at katamtaman ang kapal. Ang kanyang mga mata ay may kakaibang misteryo. Ang maiitim niyang balintataw ay siyang bumihag sa maraming mga babae. Ito ay tila isang walang hanggang balon na nawawala na lang ang mga kababaihan sa kanilang sarili dahil nahulog na sila sa kanya.
He is not some sweet and charming man a girl will dream.
His enigmatic air is his charm that allures ladies.
Of course, I'm not included.
"I barely did anything. You deserve all the credit, Fajline," he said with his baritone voice.
"Huwag mo nang ipagkaila, Phil," sagot ko at bahagyang natawa. "Tinuruan mo ako ng maraming bagay."
"First name basis?" Komento ni Balachiel at napataas ng kilay. "May dapat ba akong malaman, Raphael. All these helping in the case and addressing each other so casually..."
"Phil is just interested with the case so he helped me out, Attorney Vernan," sabi ko sa nakatatandang Vernan. "At, marami rin akong dapat malaman lalo na't bago pa ako sa abogasiya."
"Are you sure you're not more than just colleagues?" Tumaas ang kilay ni Balachiel.
"We are." Nagulat ako sa sinabi ni Raphael. Tumingin ako sa sa matangkad na lalake sa tabi ko. "We are already friends with each other. At, tama si Fajline. I am very interested with the case and I wish to be part of it."
"I have to be frank." Napatikhim si Balachiel Vernan. Inayos niya ang coat niya at napatuwid. "You, two, can make a good match."
I forced a smile. Yes. I good match for killing each other. I wanted to say.
The conversation did not last long. Umalis na rin si Balachiel Vernan habang naiwan kami ni Raphael sa tapat ng Hall of Justice.
Napatingin ako sa kanya. I can feel my brows palpitating. Nakaramdam ako ng biglaang pag-init ng ulo at mas lalo lang kumulo ang dugo ko dahil sa tanghaling araw. "Sino'ng nagsabing magkaibigan tayo?" Napamaywang ako.
He scoffed. "Who told you to believe?"
Nanlaki ang mata ko sa kanya at napaawang ang aking bibig. This guy is getting into my nerves each day!
"Wala namang punto para gawin iyon, Raphael."
"Iisipin niyang totoo iyon kung pipilitin nating mali siya." Tinitigan niya ako gamit ang mapupungay at pagod niyang mga mata.
"Dahil mali naman talaga siya," sabi ko.
"Alam mo bang magsasayang ka lang ng laway kapag ipinilit mong mali siya?"
Naningkit ang mga mata ko at humalukipkip. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago magsalita muli. "So ano? Kung isang kaso 'to, bibigay ka na lang basta-basta dahil mapapagod ka kahit mali? Hindi mo ipipilit ang tama?"
Umangat ang isang gilid ng labi ni Phil sa akin. Halatang naaaliw siya na siyang mas ikinainis ko.
"Invalid argument, Salvani," aniya. "You're using a fallacy. Your argument is a false analogy. You cannot compare the situation with my uncle a while ago to a case."
Mas lalo akong napanganga sa sinabi niya.
"Bumalik na tayo sa firm, Fajline," pagod akong tinitigan ni Phil. Naiintindihan ko namang higit na mas maraming kaso ang hinahawakan niya at bukod pa roon ay may sarili rin siyang mga negosyo. He looked so drained, as always.
This is him.
Raphael Ignatius Vernan.
The man born from a family who ruined our lives and killed my father.
Napakuyom ako ng kamao.
"Fajline," Phil said my name once again.
I clenched my jaw and followed him in the car.
Kahit mahirap, pipilitin kong pakisamahan at maging malapit sa mga Vernan.
I want them to bow down, apologizing, in front of me.
Ang gusto ko lang ay hustisya at ang kabayaran nila.
🥀
I have inserted a cover made by @deecypher! :) Sana makita niyo at magustuhan din!

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomansAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...