Leander is Here
"Attorney Salvani." Tumayo si Lance, ang hired private investigator ko.
Nakapag-reserve ako ng room sa isang restaurant ng isang kaibigan. Mas mabuti nang safe. Alam ko namang kapag nasa bahay, malalaman na naman ni Phil. May mga mata siya upang bantayan ako.
Tumango ako at binati siya. "Good morning, Lance."
"Have a seat, Attorney," he said.
Iminuwestra niya ang isang bakanteng upuan. Agad kong hinila ang silya at sabay kaming umupo.
"Before we start, sigurado ka bang hindi ito nakalusot kay Phil."
"Personal ko po itong raket kaya walang kahit anong pakialam ang kumpanya ko rito," aniya. "Hindi po ito alam ni Attorney Vernan."
"Good," I said, simply. "Now, shall we start?"
I shifted a little bit as Lance laid out every picture and paper on the table. Lahat nang naroon ay litrato ng pamilya Vernan, mga pinsan niya at mga asawa nito at lahat ng konektado kay Simeon Vernan.
"Wala pong record ng drug abuse or mental health issues ang mga pinsan at kapamilya ni Attorney Vernan. Mukhang wala rin pong alitan na nangyari sa pagitan ng pamilya Vernan or Arcella," ani Lance.
"Paano si Leander?" Na-trace mo ba kung saan siya?
"Leander Dilaurentis? Hindi pa po. Papalit-palit ang lugar niya. Noon nasa Canada siya, tapos natagpuan siya sa Dubai. Hinanap ko siya roon ngunit wala nang lead kung nasaan siya. He always go to different places."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba kataka-takang hindi siya namamalagi sa isang lugar?"
"Hindi naman po, Attorney," ani Lance "Isa siyang CEO ng photography firm. Natural lang na palagi siyang umaalis dahil isa siyang photographer."
Tumango-tango ako pero parang hindi pa rin sapat ang inilahad ni Leander. Parang may hinahanap pa rin ako. Para kasing may kulang.
This whole thing is like looking for a missing piece you don't even know what!
"May bahay siya sa Dubai at Canada. Pero hindi sa dalawang lugar na iyon palagi siyang namamalagi," sabi ko.
"How about the investigation of Erina Alvia?" Tanong ko.
That woman took my interest, somehow.
If her uncle is a drug lord, why can't she? Who knows her filthy wealth came from their 'wicked business'?
"Very clean, Attorney," Lance replied. "Siya pa nga ang nagsuplong sa tiyuhin niya. Masyadong magulo ang pamilya niya. Fenrir Alvia killed her parents."
"Mental Health Issues. Does she have it?"
"No. But, her late sister had PTSD and was recorded to have died with suicide," sabi niya.
I'll have to leave the connecting branches aside and focus on the roots itself.
The family of Dilaurentis.
"Paano ang death threat?" Tanong ko. Hindi ako naniniwala kay Miguel Vernan na siya ang nagpadala ng ganoong regalo sa akin.
"I traced the sender of the package, Attorney. It was sent from a courier outlet within the city," he said.
Taga-rito o hindi kaya namamalagi rito ang nagbigay sa akin nito.
"Kay sino nakapangalan?" Tanong ko. Walang pangalan sa package.
"I manage to talk to the courier and they disclose the name for investigation purposes," Lance said. "He has the name Eduardo Sanchez."
Tumaas ang kilay ko. "Does he have any relation to Miguel Vernan?"
"Wala, Attorney. Pero isa siyang driver ng mga Dilaurentis," sabi ni Lance.
I knew right away.
Serafina Lysandra Dilaurentis.
I know Sera is here, in my reach. Pwede ko siyang bisitahin ano mang oras na gustuhin ko. Kasalukuyan siyang nag-aaral dito sa syudad para sa kanyang senior high. Iyun ay ang paaralan nang mga Vernan.
If there is one person Miguel Alfonso Vernan wants to protect and cover up so much, that will be her.
Bakit gusto niyang lubayan ko ang pamilya niya? Kung wala siyang alam, hindi siya ganoon dapat umasta.
Mariin akong napapikit at napasinghap. Diretso kong tinitigan si Lance.
"Iyun lang ba lahat, Lance?"
Tumango ang private investigator. "Opo, Attorney Salvani."
"I want you to deepen the investigation on Leander and Serafina Dilaurentis," I said.
"Yes, Attorney."
After that, we parted ways. Nauna siyang umalis habang ako ay naiwan at nag-iisip.
Domingo de Castro worked in Canada and Dubai, then now, he's here in the Philippines.
Paano kung nandito rin si Leander Dilaurentis? Si Leander ang pinakamabait na taong nakilala ko. Kinamuhian ko ang pamilya niya ngunit hindi ibig sabihin nun ay kinalimutan ko na ang pagkakaibigan naming dalawa.
Kailangan kong mahanap agad si Leander Dilaurentis. Baka may alam siya. Baka masasabi niya sa akin ang katotohanang ilang taon ko nang hinahanap.
May ideyang pumasok sa aking isipan. Nasa mga papeles ni Lance ang pangalan ng kumpanya ni Leander. Agad ko iyong tinipa sa aking phone upang makita ang website at official social platform accounts nito.
I saw his recent post on their official website.
It was just 18 minutes ago.
Isa iyung litrato ng kasiyahan sa gabi. The picture captured fire dancers playing with orange flames. May mga makukulay na banderitas roon at maraming-maraming tao.
Kahit sa gabi, alam ko kung nasaan siya. The iconic rock formation behind the festivity triggered my nostalgia.
Having a festive and fiery celebration in the land where the mountains meets the sea. Iyon ang nakasaad sa captions.
Leander is here. Nandito siya sa Tobias.
🥀
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...